Chapter 50

16 1 0
                                    

Ang sitwasyon na kinakaharap nilang pareho ay hindi madali pagkatapos ng lahat na narinig ni Nenita, habang si King naman dahil sa mga death treats na natanggap.

Noong una wala lang iyon sa kanya. Nakayanan niya pang i-handle ang takot na naramdaman ngunit hindi na sa puntong ito nang makatanggap siya mismo ng isang package na ang laman ay isang uri ng sariwang laman-loob ng hayop.

Wala siyang idea kung kanino ito galing. Hindi niya rin maaring pagbintangan si Hernan dahil hindi na niya ito nakikita pa na nagpapakita sa labas ng kanilang bahay. Ngunit wala rin siyang ibang alam kung sino ang nangahas na manakot sa kanya dahil maliban sa usaping negosyo, si Hernan lang ang alam niyang may kaya na gawin ang bagay na ito.

"Hindi... Hindi... Hindi..." Sunod-sunod ang pag iling na ginawa "Imposibleng si Nenita ang may gawa. Fuck! Baka nagsabotahe na naman sila ng tatay niya. Posible nga ba gayong siya ang tiga hatid ng mga package sa akin?"

Nanginginig, takot na takot, namamawis, kinakapos sa paghinga at kung anu-anong sinaryo ang pumapasok sa isipan ni King. Gusto niyang humingi ng tulog sa mga pinsan nito, sa kanyang magulang lalo na kay Nenita ngunit namanhid ang katawan niya sa kinaupuan habang nagkalat ang duming nilalaman ng package sa sahig.

  Sa kagustuhan na mawala sa paningin ang dumi, nilinis niya iyon. Nahulog pa siya sa wheelchair nito dahil sa panginginig ng katawan ngunit hindi niya man lang naramdaman ang sakit sa katawan na natamo dahil sa pagkabagsak.

Basa ng pawis at nagkalat na dugo ang katawan ni King ang nadatnan ni Enrico pagkapasok niya sa kwarto ni King. "King!" Sigaw nito at patakbo na nilapitan ang pinsan na nakahandusay sa sahig at walang malay.

Naiiyak at galit si Enrico sa kanyang nakita sa pag akalang kagagawan ni King sa sarili ang dugong nakabalot sa katawan. Napa atras siya at nasusuka nang makita ang bagay na dinaganan ni King. Durog na ang puso at atay, gutay-gutay na rin ang bituka ng isang uri ng laman-loob na hindi mawari ni Enrico kung saang hayop ito kinuha.

Tinawagan niya ang dalawang kapatid. "Emergency! Wag kayong magpapasok ng kahit sino rito sa kwarto ni King. Bilisan niyo!"

Binuhat niya si King at dinala sa loob ng banyo. Maingat niyang pinasandal paupo si King sa sahig at itinutok ang shower sa lalaki. Sukdulan ang galit na naramdaman niya sa taong may kagagawan nito.

"What the fuck!"

"What the hell is happening!"

Gulat na bigkas nina Ethan at Javier sa nadatnan. Pati sila hindi malaman ang gagawin sa nakita. Halo-halong emosyon ang kanilang naramdaman. Napako rin sila sa kinatayuan sa nasaksihan.

"Stay back!" Sigaw ni Javier nang makita si Nenita na pa akyat. "Diyan ka lang at wag na wag kang papasok rito!"

Nanibago man, pinili nalang ni Nenita ang sumunod sa utos. Nalilito na bumalik siya sa sala. At the same time, she felt a strange feeling na may something na nangyari na hindi niya pwedeng malaman.

Sa mga oras na ito, nais ng magkapatid na maging makasalan nang makita ang sitwasyon ni King. Wala parin itong malay habang pinapaliguan siya ni Enrico. Na aamoy parin nila ang sariwang dugo sa humalo sa tubig mula sa katawan ni King.

"We will clean the area," untag ni Javier mula sa pagkatulala.

"Ipaalam ba natin ito kina tito?" Problemadong usal ni Ethan.

"No," mabilis na sagot ni Enrico. "Solusyonan natin ito na hindi malalaman nina tito. Baka mapano si tita, alam naman nating may pinagdadaan rin iyon."

" Kumbinsihin nalang natin si King kapag nagising na siya. Hindi ito maari na hindi malaman nila tito, mga magulang niya iyon may karapatan silang malaman," wika ni Javier.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon