Chapter 6

52 4 1
                                    

MAKALIPAS ANG APAT NA TAON.

Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.

“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita.

Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili.

“We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.

“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”

Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisipan na bumitaw dahil ito ang kanyang pangarap. Ngayon, bitbit na niya ang kanyang diploma, may lakas na loob na siyang ipagmayabang ito sa pamilya niya.

Ngunit, worth  it ba? Tatanggapin na ba siya at ipagmalaki ng kanyang ama kung uuwi siya doon bitbit ang kanyang diploma? Kase sa pagkatanda ni Nenita, hindi pabor ang kanyang ama sa pag-aaral niya.

Nag dinner lang sila sa isang sikat na restaurant pagkatapos ay umuwi rin. Hindi nila nakasama si Enrico. Wala rin ito sa bahay pagka uwi nila. Wala ring binanggit ang mag-ama kung nasaan ang lalaki kaya hindi nalang nagtanong si Nenita.

Personalize ballpen ang iniregalo sa kanya ni Don Emmanuel. Kay Javier ay pocket money fo her travel abroad. Kay Ethan ay personalize Louis Vuitton wallet. Sa loob niyon nakatatak ang pangalan niya “NET”.

Isang malalim na paghinga ang kanyang binitawan nang isabit niya sa pader ang kanyang medalya. Malungkot ang mga mata na sinuyod niya ng tigin ang buong pader kung saan naroon ang iba niya pang mga awards.

Hindi ito alam ng magkapatid lalo na ni Don Emmanuel dahil hindi naman sila pumapasok sa kwarto ni Nenita. Hindi rin ipinapaalam ni Nenita sa kanila noong mga panahon na may awards siyang nakukuha sa mga pagsali niya sa school contest at iba pa.

“Kailan ko kaya ito masasabit lahat sa bahay namin? Maging proud kaya si tatay at nanay kapag nakita nila ito?” aniya na may hinanakit sa dibdib.

Masaya siya sa kanyang narating. Ngunit may kulang. Iyong saya niya hindi buo dahil kahit isa man lang sa kanyang pamilya ay wala noong nagtapos siya.

Nag-aral siya ng kolehiyo na hindi alam ng kanyang mga magulang. Mahirap man itago ngunit nagawa iyon ni Nenita sa loob ng apat na taon. Ang sustinto niya sa mga kapatid ay hindi niya hininto. Abunda kase siya sa pera noong nag-aaral siya. Ni hindi niya naranasan na mamoroblema dahil kulang ang allowance niya at wala siyang budget sa pang araw-araw.

“Sana dumating ang araw na matanggap rin ni tatay ang pangarap ko. Para rin naman ito sa kanila. Sa ikabubuti nang aming pamilya.”

Malalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Ngayon na graduate na siya hindi niya alam kung ano susunod niyang plano. Ngayon pakiramdam niya nagtapos lang siya sa pag-aaral nang sa ganoon ay may mapatunayan siya sa kanyang ama na kaya niyang abutin ang kanyang pangarap na walang tulong, alang suporta na galiing sa kanila.

She was about to close her eyes nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Rumigidon ang kanyang puso nang marinig ang boses doon ni Enrico.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon