Hindi pinatulog si Nenita sa mensahe ni King. Dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata parang nariring niya ang katagang iyon na si King mismo ang nagsalita.
Ang inaalala niya ngayon ay kung paano umakto ng normal kapag kaharap niya ang lalaki lalo na kapag may iba silang kasama. Dahil sa mga nangyaring kababalaghan sa kanila wala siyang mukha na maihaharap kapag may ibang nakakaalam niyon.
"Bahala na" buntonghininga na himutok niya.
Buong oras wala siyang ibang inalala kundi kung kamusta na si Rona. Kumusta na ang mga kapatid niya dahil hanggang ngayon hindi parin siya kino-contact ni Ashly. Ipinapanalangin niya lang na sana huwag silang saktan ng kanilang ama.
Tatlong araw ang lumipas na walang balita sa mga kapatid. Alalang-alala na si Nenita. Kating-kati na ang mga paa niya na umuwi sa kanila o kaya ay puntahan eskwelahan ang kapatid.
Napakislot siya nang may mabigat na braso na pumatong sa kanyang balikat. Nang tingalain niya ito it was Enrico. Pakiramdam niya huminto ang tibok ang puso niya. Kung hindi pa yumuko si Enrico para tingnan siya hindi siya mahimasmasan sa saglit na pagkatulala.
"May problema ka? Bakit malungkot ka?" Enrico asked.
She sigh inwardly. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin niya ba kay Enrico ang hinanaing niya sa buhay. Ngunit nang makita niya ang masayang kislap ng mga mata ni Enrico, tama lang na solohin niya kung ano man ang bumabagabag sa kanya kaysa mapalitan ng pag-alala ang masayang kislap ng mga mata nito.
"Wala. Sakit lang sa ulo ang pinsn mo," paingos na sagot niya.
Enrico chuckled. "Bakit? Ano ba ginawa sayo?" Tinanggal ni Enrico ang kamay niya mula sa pagka-akbay at inunat ang katawan. "Inaway ka?"
Ngumuso lang siya. Hindi niya masagot si Enrico dahil wala naman talaga siyang maisasagot. Alangan namang sabihin niya ang totong dahilan kung ano ang ginawa ni King bakit mainit ang ulo niya.
Iniwas niya ang kanyang mukha dahil biglang uminit ang kanyang magkabilang pisngi nang maalala ang pangyayari na iyon.
"By the way, iyong sasakyan na niregalo ko sayo," napakamot ito ng ulo at alanganin na ngumiti. "Ginamit ko kagabi. Pero papalitan ko."
"Ginamit mo sa pambabae mo?" nanlaki ang mata na wika niya. Guilty na tumango si Enrico. Malakas na napasinghap si Nenita. "Ew! Ang dugyot mo!" nandidiri na tili niya.
"Grabe ka naman. Ang dumi nang utak mo."
"Bakit hindi ba?" Nanghahamon na tanong niya.
Nakatiim ang bibig na umiling si Enrico upang pigilan ang ngiti. Pagkuway tumayo siya. Ginulo niya ang tuktok ng ulo ni Nenita dahilan para bumusangot ang babae. "I gotta go," he handed the car key. "Gamitin mo iyon," habilin niya pa bago umalis.
Isang malaks na paghinga ang pinakawalan ni Nenita habang nakatingin sa susi na hawak. Sa ngayon, hindi niya pa magagamit ang sasakyan. Wala naman siyang ibang pupuntahan bukod sa palengke at sa kanilang bahay. Alangan naman mag lamborghini siya papuntang palengke.
Kinagat niya ang loob ng kanyang labi nang tumunog ang cellphone niya. Bukod sa kanyang kapatid, wala ng iba pa ang nagtetext sa kanya na kung maka send ng mensahe daig pa ang naka unli.
Hindi nga siya nagkamali. Nag text nga si King. Ngunit hindi iyon ang nagpabuhay ng dugo niya kundi ang text message na galing kay Ashly.
ASHLY
:ate, pumunta ka dito sa akasya nandito ako bilisan moLakad-takbo ang ginawa niya nang mabasa niya iyon. Mabuti nalang at may trycicle na dumaan sumakay na siya dahil may kalayuan iyon.
Nagtataka na sinundan ni King nang tingin ang papaalis na trycicle nang makita niya si Nenita na nagmamadali. Mabagal ang pagpatakbo niya ng sasakyan na sinundan ito. Huminto siya sa hindi kalayuan nang bumaba si Nenita sa tapat ng punong akasya kung saan niya ito nakita dati na kasama ang mga kapatid niya. He open the car window at tinanaw ang magkapatid.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...