Chapter 10

73 4 0
                                    

Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Nenita sa narinig kay King. Naging triple ang lakas nang kabog ng kanyang puso at nakatulala sa mukha ng  lalaki.

Hindi niya mapigilan na mag assume na siya ang gustong makita ni King dahil sa kanya nakatingin ang lalaki nang sabihin nito ang katagang iyon.

Bahagyang tumabingi ang ulo ni King. Ngunit nanatiling payak at kalmado ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Nenita ng matubuan ng hiya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi.

Ibinaling ni King ang atensyon kay Enrico. "Tungkol doon sa sinabi ni Tito kagabi," aniya.

"I see. Tara sa loob, " ani Enrico at umakbay sa pinsan. "Mag agahan muna tayo bago ko ipakita yung blue print sayo. "

Napahiya na kinastigo ni Nenita ang sarili. Umiwas ng tingin si Nenita at ibinaling sa sasakyan ang atensyon upang maibsan ang pagkapahiya sa sarili. Nadismaya siya at the same time ay nasaktan dahil ang buong akala niya siya ang gustong makita ni King.

"Net, tara na sa loob. Mag agahan na tayo. "  Untag ni Enrico.

Nenita smiled awkwardly nang lumingon rin si King sa kanya. "T-tapos na ako kumain. N-nakahanda naman na iyong pagkain doon. Sa ano lang ako " turo niya sa lawn " may tatapusin pa akong linisin doon. "

Hindi niya hinintay na sumagot si Enrico at tinalikuran na niya ito. Malaki ang hakbang na lumakad siya paalis. Hingal-aso siya nang makarating sa lawn. Wala naman talaga siyang lilinisin dito. Alibi niya lang iyon upang ilayo ang sarili sa kahihiyan.

Upang may magawa, bawat  tuyong dahon sa mga bulaklak ay binusisi niya at kinuha. Hiyang-hiya siya. Naiinis siya sa sarili dahil hindi naman siya ganito noon. Pero bakit pagdating kay King lahat nalang ng bawat actions ng lalaki ay binibigyan niya ng malisya.

Inis na pinagtanggal niya ang mga tuyong dahon. Ewan ba niya at umiinit ang ulo niya sa tuwing maalala niya iyon. Gusto niyang sumigaw at magdabog. Dahil hindi niya iyon mailabas, ang lupa ang pinagsusuntok niya.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya nang maibuhos ang inis sa pagsuntok sa lupa. Kung wala lang tao dito sa mansyon kanina pa siya nagsusumigaw. Pasalampak siyang umupo sa bermuda grass. Sumandal siya sa malaking paso ng bulaklak at nagpakawala na naman ng isang malalim na paghinga.

“Bakit big deal iyon sakin? Sino ba  ang asungot na ‘yon para aksayahan ko ng lakas dahil naiinis ako? " himutok niya. “Ang dami kong dapat na pagtuunan ng pansin, hindi ang lalaki na iyon.”

Ilang minuto ang nakalipas na panay pagbuntonghinga naisipan niyang  bumalik nalang sa loob ng mansyon. Kumakalam na rin ang kaniyang sikmura. Ngunit sa kanyang pagtyao ay siya ring paghinto ni King sa kanyang harapan.

Nagkagulatan pa silang dalawa dahil muntik sa silang magkabungguan. Napa atras si Nenita at sinamaan nang tingin ang lalaki. “Ano ba..!” Singhal niya dito. “Para kang kabute bigla na lang sumusulpot kung na saan ako!”

Salubong ang kilay na umatras si Nenita nang humakbang pa palapit si King sa kanya. Sisinghalan niya sana ulit ang lalaki nang abutin ni King ang kanyang baba at maingat na inangat iyon upang silipin ang kanyang pisngi.

"How was your face? Is it okay now? " He asked in a low voice.

Mabilis na tinabig ni Nenita ang kamay ni King at lumayo nang tila ba ay napaso siya sa malambot na kamay ng lalaki. Ramdam parin niya ang panginginig ng buong kalamnan sa ginawa ni King.

“Nakita mo na bakit ka pa nagtatanong?” Pa galit na wika nito.

“Yeah, bakit ko pa nga ba tinatanong ang isang bagay na obvious naman.”

“Kaya nga, bakit nga ba?”

King shrugged. “Mag breakfast ka na. Namumutla ka,” ani nito at tinalikuran si Nenita.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon