Chapter 22

37 1 0
                                    

Parang tuod na nagpahila si Nenita nang dalhin siya ni King sa kanilang bahay imbes sa mansyon kahit hindi pa siya tapos sa pag iyak. Kasasabi niya lang kanina na ayaw niyang may makakita sakanya na umiiyak siya pero kusang bumagsak ang mga luha niya sa harap ni King nang magtanong ito kung sino ang may kagagawaan ng pasa niya.

Pinaghila siya ng upuan ni King nang makarating sila sa kusina. Ipinagsalin rin siya ni King ng tubig sa baso at pinainom iyon sa kanya. Lahat nang iyon ay walang lakas na sinunod ni Nenita.

Naiilang na pinikit niya ang mga mata nang paharap na umupo si King sa upuan na nasa tabi niya. Madilim parin ang mga mata nito at naka igting ang panga. Lihim siyang napadaing nang maramdaman ang malamig na bagay na lumapat sa gilid ng labi niya.

"Ilang beses na niya itong ginawa sayo?" nagpipigil sa galit na tanong ni King. Ibinaba ni King ang ice bag na hawak nang bahagyang ilayo ni Nenita ang mukha. Mahina itong napabuntonghininga nang wala siyang narinig na sagot mula kay Nenita. "I'll put an ointment. Magpalipas ka rin muna dito ng oras. Sariwa pa ang pasa mo at sugat."

Iyon rin ang ikinabahala ni Nenita kapag uuwi siya sa mansyon. Alangan namang iiwas siya sa mga tao roon para lang itago ang sugat niya.

""I can't bear to look at your wounds, " naka igting ang panga na usal ni King.

"Don't look at me. Gano'n ka simple. "

Buntonghinga na tumayo si King. Habang si Nenita ay nakayuko ang ulo at pinagdiskitahan ang mga daliri. Hindi niya maipaliwanag ang kahihiyan na nararamdaman niya ngayon ngunit nagpapasalamat siya sa ginawa ni King.

King handed her a cup of ice cream. "Hindi solusyon ang alak sa problema mo kung meron man kaya mag ice cream ka na lang. "

Wala siyang gana na makipagsagutan kay King kaya tinanggap niya lang iyon at sinimulang kainin. Tahimik rin si King habang kumakain kahit gusto na niyang magtanong kay Nenita. Ngunit ayaw naman niyang pangunahan ang babae.

Ngunit makaraan ang ilang minuto na katahimikan hindi na napigilan ni King ang hindi mang usisa. "Why did your father hit you? Sorry sa tanong ko. I just wanted to know. Pero kung ayaw mong pag-usapan, it's fine. I just... just want you to know that I am here willing to listen..."

Sumandal si Nenita sa upuan. Pilit niyang itinatago ang totoong emosyon na hinarap si King. "Kasalanan ko naman kaya natamo ko ito."

"At isa ring kasalanan ang manakit. Knowing that he is your father. May batas tayo para sa taong mapang-abuso at sa mga inaabuso. "

Nenita looked at him full of pain in her eyes. "Sa tingin mo, makaya kong kasuhan ang sarili kong ama? Kung sa maliit na dahilan hindi ako ma trato ng maayos ng tatay ko, paano pa kaya kung kakasuhan ko siya? Baka mapatay na ako no'n. "

"And I won't let that happen."

Napa iling si Nenita sa sagot ni King. Everyone around her iyan ang lagi nilang sinabi nang malaman nang mga ito na sinasaktan siya ng tatay niya. Pero may nangyari ba? Wala. Sinasaktan parin siya ng tatay niya. May pasa at sugat parin siyang natatamo rito dahil kahit si Nenita mismo hinahayaan niyang gawin ang bagay na ito nang kanyang ama sa kanya.

Nagpakawal siya ng isang mabigat na paghinga. Subrang bigat para sa kanya ang nangyari ngayong araw. Hindi pa niya matingnan kung ano na ang kalagayan ng kanyang kapatid. Simula kanina wala pa siyang natanggap na mensahe galing kay Ashly. Nababahala siya na baka nalaman ng kanyang ama na may cell phone ito at kino-contact siya ng mga ito.

"Saan ang mga parents mo at mga kasambahay niyo?" pag-iba ni Nenita ng usapan. Pinasaya niya rin ang kanyang awra upang ipakita kay King na hindi big deal sa kanya ang nangyrai.

Tumayo si King at niligpit ang pinagkainan nila. Pinagsalin niya rin ng tubig si Nenita sa baso. "The truth is, wala na iyong mga kasambahay namin. Parents ko ang nag decide niyon  and I don't know what is the real reason. That is why I asked Tito that you'd me my personal maid. As you can see I can't cooked. "

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon