Chapter 57

6 1 0
                                    

"Saka na natin iyan pag-usapan, " ginawaran ni Hernan ng magaan na ngiti si Nenita.

Ayaw niya kasing biglain si Nenita na humarap sa katotohanan kahit alam niyang may nalalaman na si Nenita. Ibang usapan na kasi ito, dahil involve na ang kanyang ina, si Nenita, si Hernan at ang mga Montefalco. Natatakot si Hernan sa mangyayari lalong-lalo na sa nga anak niya at asawa na madadamay.

Lumapit si Cathalea kay Nenita at marahang hinawi ang gahiblang buhok ni Nenita papunta sa likod ng tainga nito. "Oo nga, hija. Saka na natin iyan pag-usapan, " nakangiting wika niya. Bumaling siya kay Hernan. "By the way, ito pala ang asawa ko si Christof at, " lumingon siya ngunit wala si King. "Yung anak ko nandoon yata sa pinag iwanan namin. Halika, ipakilala kita sa kanya. "

Mariing napalunok si Hernan. Nakaramdam siya ng hintatakot at pagkabalisa sa oras na magkaharap silang dalawa ni King. At natatakot rin siya kapag nalaman ni Cathalea na siya ang dahilan bakit nasa ganoong sitwasyon ang kanyang anak.

"A-ano kasi, Cath." Nauutal niyang sabi.

Nakita rin ni Nenita na balisa ang ama niya at nanginginig ang kamay. But she has no right to speak up. She remain silent by his father's side.

"May... May malaki akong kasalanan na nagawa, " he said with full of regrets in his eyes.

Humingi ng pasensiya na tumagos ang tingin niya kay King na kararating lang. Nagtataka naman ang mag-asawa na palipat-lipat ng tingin kay Hernan at sa anak dahil hindi na naalis ang paningin ni Hernan kay King.

"A-ako ang d-dahilan kung, " mariing napalunok si Hernan na hindi inalis ang tingin kay King "Kung bakit bal-baldado ang anak niyo. "

Tila natigil saglit ang paghinga ng mag asawa sa narinig. Si Christof ay hindi nakapagsalita dahil mas inalala ang asawa nito na natigilan sa narinig at mabigat ang bawat paghinga.

Habang si Nenita parang lalabas ang puso sa subrang lakas ng tibok nito dahil sa kaba. Samantala, si King nanatiling kaswal ang tingin tinitimbang kung anong emosyon ang ilalabas niya sa sandaling ito.

"What, why? " halos pabulong nang usal ni Cathalea sa hindi inaasahang balita.

Nag iwas ng tingin si Hernan upang itago ang pagkadismaya niya noong panahon na nalaman niyang magpakasal ang anak niya sa taong may galit siya sa pamilyang pinagmulan ng lalaking papakasalan.

"Dahil sinuway ako ng anak ko... Pinili niyang magpakasal kay King imbis na sundin ang utos ko. "

"What? "

"Ano? "

Sabay na usal ng mag asawa at palit-lipat ang tingin kay King at Nenita.

Tahimik, nakayuko  ang ulo ni Nenita. Galit at nasasaktan parin siya tuwing maalala ang pangyayari na iyon ngunit nang malaman niya ang dahilan bakit siya hindi sinipot ni King sa simbahan, naawa siya sa lalaki, hiyang-hiya sa ginawa ng ama at sinisisi niya ang sarili. At ngayon mas lalo niyang sinisisi ang sarili dahil kung  hindi niya sinuway ang ama hindi sana ito magalit ng husto sa kanya. At hindi sana na aksidente si King at naging baldado.

Hindi makatingin si Nenita dahil nahihiya siya dahil siya ang may kasalanan ng lahat bakit nasa ganitong sitwasyon si King.

"Oh god! " nanghihina na usal ni Cathalea.

Hernan looked at them apologicly. "Handa akong pagbayaran iyon, " senserong usal niya. "Pero pwede bang ipagpaliban muna?" Pakiusap niya. "Saka na kapag natapos na ang gulo. "

Awkward. Walang may unang nagsalita matapos ang mahabang katahimikan. Nakatayo parin sila habang pinoproseso ng maigi ang napag usapan.

Hindi naman magawang magalit ni Cathalea kay Hernan dahil kung pagbabasehan niya ang mga sinabi at pinaniniwalaan ni Hernan kanina, may karapatang magalit si Hernan sa ginawa ni Nenita at King. At kung siya ang nasa sitwasyon, siguro makagawa rin siya ng kasamaan lalo na at anak niya ang involved sa usapan.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon