Kahit natatakot naglakas-loob parin si Nenita na pumasok. Nakataas ang dalawa nitong kamay, hindi inalis ang tingin sa taong nakatutok ng sniper sa kanya.
Hindi naman nangahas ang tao na iyon na putukan siya. Hinayaan lang siya nito na maglakad palapit sa kinaroonan niya.
Habang papalapit s Nenita, palakas rin ng palakas ang dagundong ng kanyang puso. Kaba, takot ang kanyang naramdaman ngayon. Nasisiguro niya kaseng ati Ashnaie ang taong ito.
"Hanggang d'yan ka lang!" matigas na wika ng babae sampung metro ang layo ni Nenita sa kanya.
Sa kanyang postora, kahit matanda na ito makikita paring malakas pa ito. Maganda ang hubog ng katawan tanda na inaalagaan ito ng tama. Hindi gaanong kulubot ang makinis nitong mukha. Kung titingnan mula ulo hanggang paa, mukha lang itong nasa kuwarenta ang edad.
"Sino ka at ano ang karapatan mong pumasok sa teretoryo ko?" matigas parin na wika nito.
Lihim na napangisi si Nenita nang hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong emosyon ang babae. Nakatutok parin sa kanya ang sniper na hawak nito. Gayunpaman, may kirot na sumibol sa kanyang puso na sa ganitong sitwasyon siya harapin at sa ganitong pamaraan siya kausapin ng babaeng nagluwal sa kanya.
Taas noo na ngumisi si Nenita. "Hindi ko inaasahan na hindi mo ako nakilala gayong lahat ng aspeto ng pagmumukha mo ay kuhang-kuha ko."
Umalon ang lalamunan ni Ashnaie. Nagtangis ang kanyang ngipin na itinutok sa noo ni Nenita ang hawak na sniper.
"SItge, iputok mo," hamon sa kanya ni Nenita. "Hindi ka nagtagumpay na patayin ako noon kaya sige... iputok mo. Ngayon mo patayin ang anak mo!"
Hindi alam ni Nenita paano panghawakan ang emosyon na nararamdaman sa harap ng kaniyang ina. Galit siya dito. Galit na galit. Naiiyak siya sa kanyang sitwasyon dahil kahit anong galit ang naramdaman niya dito nangingibabaw parin ang kasabikan na makita at marinig ng boses ng kanyang ina.
Hindi parin nagbago ang matigas na emosyon ni Ashnaie. Ni hindi man lang umukit sa mga mata niya ang pananabik at pagkabigla na nasa harapan niya ang anak. Para lang itong nakatingin sa isang tao na hindi pamilyar sa kanya.
"What are you talking about? Wala akong anak," malamig na tugon nito. "You my leave my property now kung gusto mo pang mabuhay."
Hindi naawat ni Nenita ang pagkawala ng butil ng kanyang luha sa mga mata. Lalong dumagdag ang galit na naramdaman niya sa kayang ina. Hindi niya akalin na nakadudurog pala ang dulot ng sakit na nasa mismong bibig ng kanyang ina niya marinig ang katagang iyon.
"Sa buhay na dinanas ko, hindi ko na gusto pang mabuhay," mariin siyang napalunok at pinatatag ang boses. "Pero ngayon, may saysay na ang buhay ko dito sa mundo. Thank you for sparing my life, now. I hope we don't see each other again," nagtangis ang mga ngipin ni Nenita at matalim ang tingin sa ina. "Dahil kapag nangyari iyon... Ako ang papatay sayo."
Nagulat roon si Ashnaie. Hindi niya inaasahan iyon. Ngunit hindi parin nag iba ang kanyang emosyon.
"Marami sana akong tanong sayo. Marami akong ikumpirma pero hindi ko na iyon kailangan pa. Sapat na sakin na malamang buhay ka at kung saan ka nagtagtago."
"Honey! Sino ang kausap mo? May tao ba d'yan? I need your help."
Ang boses na iyon ang nagpalambot sa emosyon ni Ashnaie. Ibinaba nito ang sniper na hawak. Malamig itong tumingin muli ay Nenita. "Gayong nakuha mo na ang pakay mo, maka alis ka na. Sa sunod na pgabalik mo mag ingat ka. Maraming mapangahas na hayop ang umaaligid sa teretoryo ko," pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya si Nenita.
Mabigat ang loob, nasasaktan, durog ang puso at galit na tinalikuran ni Nenita ang bahay kung sana naroon ang kanyang ina.
Pinahid niya ang luha na kumawala sa mata. Ngunit hindi iyon natigil kaya hinayaan niya lang na mag unahan iyon na bumagsak sa mga mata niya. Ang sakit sakit ng puso niya na masaksihan kung paano siya abandunahin ulit ng kanyang ina. Kahit pakitang tao lang hindi niya man lang ito inimbetahan sa loob ng pamamahay niya.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...