Chapter 53

19 1 0
                                    

How can she ignore her child after knowing that she is alive?

  After her father's death, Ashnaie's husband also died of illness. She promised to her self na bago rin niya lisanin ang mundo makaganti man lang siya sa mga taong sumira ng buhay niya, sa mga taong nanloko at nang traydor sa kanya.

  Wala na siyang pamilya. Walang kahit isang kaibigan. Sarili lang niya ang mayroon siya dahil kinamumuhian siya ng sariling anak na akala niya napatay niya noon.

  Hindi siya babawi, hindi siya hihingi ng tawad dahil wala siyang karapatan sa laki ng kasalanang ginawa niya sa anak. Gusto niya lang itong makita, matanaw sa malayo, at masubaybayan, kahit doon lang na paraan mapunan lang ang pangungulila niya sa anak.

  Hindi niya alam kung saan matagpuan si Nenita. Kung saan niya ito pwedeng hanapin at puntahan ng direkta. Hindi kasi siya pwedeng basta-basta nalang lalabas at magtanong dahil wanted parin siya.

  Ang una niyang pinuntahan ay ang lumang bahay ni Hernan na sinunog niya. Nagbakasali siya na naroon parin nanirahan ang lalaki pero ang dating patag at malinis na lupain isa na ngayong malawak na palayan.

  Ngunit porsigido siyang makita ang anak. Kung sakali man na darating ang oras na mahuli siya at makulong, gusto niya munang mangyari na makitang muli si Nenita kahit isang beses lang.

  She didn't give a name to her child. Nang ipanganak niya ito, kaagad niya itong ibinigay kay Hernan sa takot na mabuko siya ng asawa. Ngunit nagkakamali siya, dahil nalaman parin iyon ng kanyang asawa.

  Dahil sa pagbabanta at takot na ipahanap ng kanyang asawa si Hernan at ang anak nito, sinadya niyang sunogin ang bahay na tinitirhan nila ni Hernan. Kinuhanan niya iyon ng litrato habang nilalamon ng apoy ang bahay upang makumbinsi ang asawa na kasali ang bata at si Hernan sa sunog.

  Akala niya rin na namatay sa sunog ang anak niya. Dahil walang tao sa bahay nang gawin niya ang kreming iyon.

  Bilang ganti sa asawa, pinlano niyang patayin rin ito. Dahil hindi niya matanggap na dahil sa takot niya rito nagawa niyang patayin ang sariling anak at ang lalaking minamahal.

  Ngunit hindi siya nagtagumpay sa plano niya sa asawa. Na aksidente nga ito pero nakaligtas sa kamatayan, at bilang kabayaran niya sa ginawang kasalanan, naghirap siyang alagaan ang baldadong asawa sa mahabang panahon hanggang sa araw ng kamatayan nito.

  Inikot niya ang baryo Malasila, nagbakasali na mahagip ng kanyang paningin si Hernan o kaya ang anak. Pati ang kasikbit na barangay dinaanan niya rin. Araw-araw niya itong ginagawa hanggang sa natanaw niya ang dalagang kamukha niya nang mapadaan siya sa isang subdivision pagka uwi niya galing sa kabilang barangay.

  Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kasabikan ng makita sa mapalitan ang dalaga. Hindi niya namalayan na lumalandas na pala ang luha sa mata habang nakatitig sa dalagang nakabusangot na pumasok sa marangyang bahay.

  Hindi mayaman si Hernan para maka pundar ng ganito karangyang bahay. Iniisip niya na baka dito nagtatrabaho ang anak o kaya nakapangasawa ito ng isang mayaman.

  Napahagulgol siya sa loob ng kanyang sasakyan. Ni hindi man lang niya alam kung ano ang pangalan ng anak.

  Hindi siya umalis. Inaabangan niya ang paglabas ng anak sa pinasukang bahay. Mabuti nalang ang van camping car niya ang kanyang dala. Hindi na niya kailangan umuwi sa bahay na pinagtaguan niya sa mahabang panahon.

  Ngunit madaling araw na hindi parin lumabas sa bahay na iyon ang kanyang inaabangan. Inisip niyang baka doon nga nakatira ang anak niya.

  Para hindi siya paghinalaan na nagmamasid doon, sa malayong banda siya nag park at aalis pansamantala at babalik na naman hanggang sa matiyimpuhan niya si Nenita.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon