Flashback
Si Hernan ay isang driver ni Cathalea at matagal nang gusto ni Ashnaie ang lalaki. Inilihim niya iyon dahil ayaw niyang magkasiraan silang dalawa ni Cathalea because they were bestfriend. And besides, she had already a boyfriend.
Ngunit kapag may pagkakataon na sila lang dalawa ng lalaki hindi mapigilan ni Ashnaie na magbigay ng motibo dito na may gusto siya kay Hernan. And Hernan likes her too.
Hindi nga lang sila pwede dalawa dahil sa agwat ng pamumuhay mayroon si Hernan. At takot rin si Ashnaie sa kanyang ama. Hindi niya maipaglaban si Hernan kung sakali dahil siya ay ipinagkasundo na ng kanyang sa ama sa boyfriendnito.
When they confess their feelings to each other, nakontento na lang sila sa patagong pag-ibigan, nakaw na sandali, magkausap kahit saglit kahit alam nilang pareho na mali. Pareho nilang hindi napigilan ang bugso ng mga damdamin.
Thier relationship goes well. Masaya silang dalawa sa patago na relasyong kanilang binuo. Masaya sila kahit na may tao silang naloloko at patago ring sinasaktan.
But not all relationships end with a happy ending.. Their mistakes made have a difficult consequence.
"Ikakasal na ako sa iba, Hernan." humihikbi na usal ni Ashanaie. "Ayoko! Ayoko sa kanya, Hernan. Ikaw lang ang mahal ko. Tulungan mo 'ko."
Mahigpit siyang niyakap ni Hernan. Nasasaktan rin siya dahil wala siyang magawa na ipaglaban ang pagmamahal niya. Wala siyang magawa na ipaglaban ang babaeng mahal niya.
"Tumakas tayo. Ilayo mo ako dito. Lumayo tayo, Hernan." desperadong pagmamaka-awa ni Ashnaie
"Wala akong maibigay na magandang buhay sayo kapag ginawa ko iyon, Ashanie. Gustuhin ko man pero—"
Galit na kumalas ng yakap si Ashnaie sa kanya. "Hindi! Gusto mo lang iparating sa akin that your love for me is shallow! Kung mahal mo talaga ako hindi mo hahayaan na maikasal ako sa iba," nadudurog ang kanyang puso na pinakatitigan si Hernan. "Sa susunod na linggo na ang kasal. May oras ka pa para makapag-isip... Hihintayin kita, Hernan."
Nanlumo na sinundan niya ng ngin si Ashnaie pa papalayo sa kanya.
"May relasyon kayo ni Ashnaie?" hindi makapaniwala na tanong ni Cathalea kay Hernan nang wala na si Ashnaie.
Napayuko ng ulo si Hernan dahil sa hiya kay Cathalea. Hindi siya makapagsalita.
"Hernan, walang problema sa akin kung may relasyon kayo ni Ashnaie pero may fiance na iyon. At diba may nobya ka rin sa inyo? Iyan ang sinabi mo sa akin."
Lalo siyang nahiya sa babae. Si Fatima ay matagal na niyang kasintahan ngunit nagawa niyang lokohin ng walang kahirap-hirap. Natukso siya na umibig sa ibang babae.
"I am not saying this as an Ashanaie's bestfriend but I'm saying this as a friend of yours. Wag na si Ashnaie, Hernan, masisira ang buhay mo, magkaroon ng gulo lalo na kapag nalaman ito ng tatay niya."
Nang pasukin niya ang patagong relasyon kay Ashnaie, naisip na niya ang maaring kahinatnat kung sakaling may makaalam. Hindi niya lang inaasahan na mapaaga ang kasal ni Ashanie at ang hiling sa kanya ng babae—hindi niya kayang panindigan.
Ito ang hindi niya napaghandaan dahil hindi niya kayang mamili kung sino kina Ashnaie at Fatima ang pipiliin.
"Aalis ako, Hernan. For good na ako sa Paris. Ipangako mo sa akin na wag kang gagawa ng bagay na ikasira ng buhay mo and please, wag puso ang palagi mong pairalin."
One month later after Ashnaie's weeding. She is acting that she is happy and lucky wife ngunit sa loob niya puno siya ng pagsisisi, nasasaktan at hindi masaya.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...