"Uuwi na siya. "
Kaba, excited, takot at pangamba, iyan ang naramdaman ni King matapos marinig ang balitang iyon kay Enrico.
It's been six months na wala siyang balita kay Nenita, hindi nakita, hindi narinig ang boses, walang komunikasyon. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Walang naka aalam saan siya pumunta.
Makalipas ang dalawang buwan sinubukan ni Enrico na tawagan si Nenita para mangamusta ngunit nakapatay ang cellphone nito. Dito na nag umpisa na mag alala ang magkapatid lalo na si King.
Kaya malaki ang ipinagbago ng katawan ni King ay dahil hindi siya nakatutulong ng maayos sa gabi sa kaiisip kay Nenita. Laging sumasagi sa isip niya na baka Nenita took her life.
Napabayaan ni King ang sarili niya. For him, patas lang iyon dahil sa sakit at hirap na dinulot niya kay Nenita.
At ngayon na nagbabalik na ang babaeng mahal niya, hindi niya malaman ang gagawin. Natatakot siya na makaharap si Nenita. Naduduwag siyang sabihin kay Nenita ang katotohanan. Kinakabahan siya at hindi handa sa maaring reaksyon ni Nenita kapag nalaman ng babae ang kalagayan niya.
"Do you think, she still like me even if... I'm useless now? " humina ang boses ni King nang banggitin ang katagang iyon.
"Bakit palagi mong sinasabi na useless ka?" may himig iretable na wika ni Enrico. "Hindi porque ganyan ang kalagayan mo ay useless kana. Dalawang paa mo lang ang hindi gumagana pero ikaw parin iyan. Walang nagbago, walang pinagkaiba."
Nanibago si King sa kanyang kalagayan. Limitado na ang galaw niya. Hindi siya nakakakilos ng kusa. Ngunit ayaw niya ring magpatulong maliban nalang kung kailangan talaga.
Mabuti nalang at napaintindi ng maayos ng kanyang ama sa ina nito ang kalagayan niya, ito ang umaalalay sa kanya mula nang makalabas siya ng hospital.
"I can't think properly," problemadong usal niya. "Hindi ko alam paano siya harapin ng normal."
Enrico tapped King's shoulder. "Magpakatoo ka lang sa sarili mo. Dahil lalo ka lang mahirapan kung pipigilan mo ang nararamdaman mo. Uuna na ako. See you mamaya. Prepare yourself baka magtagpo kayo mamaya."
Pinakiramdaman niya ang sarili kung handa na ba siyang makita si Nenita. Kung kaya niya bang harapin ito na hindi magpakita ng kasabikan.
Ang sasabihin ni Nenita sa kanya ay matagal na niyang pinaghandaan. Naka handa na ang tainga niya at pag unawa sa bibitawang salita ni Nenita kung sakaling magkaharap silang dalawa. Ngunit ang paliwang bakit siya nasa ganitong sitwasyon at kung bakit hindi siya sumipot sa simbahan ang hindi niya napaghandaan ng lubos.
Ang sabi ng doktor gagaling pa ang binti niya. Kailangan niya lang mag undergo ng therapy. Ngunit tinangihan niya. Sa nangyaring aksidente sa kanya nagka cause iyon ng trauma sa kanya.
Natatakot siyang lumabas sa kanilang bahay. Natatakot siyang sumakay ng sasakyan. Natatakot siya sa mataong lugar. Natatakot siya sa lahat. Kaya nasa loob lang siya ng kanyang kuwarto nakatago.
Pakiramdam niya kasi laging may nakamasid sa kanya. Laging may matang nakasunod sa kanya. Madalas tuwing gabi dilat siya dahil pakiramdam niya sa kanyang pagpikit may mga matang nakatingin sa kanya.
Sarado ang lahat ng kurtina. Nakabukas ang ilaw, malakas ang tugtog, iyan ang ginagawa ni King para lang makatulog dahil sa traumang natamo niya.
At walang may naka alam sa kalagayan niyang iyon kahit pa mga magulang niya.
_________________
Nakatingala sa kalangitan, dinadama ang sariwang hangin na dumadampi sa kanyang balat, ang sikat ng araw na matagal niyang hindi naramdaman. Finally, makaraan ang anim na buwan masabi ni Nenita na she is healed. Hindi man fully healed ngunit tanggap na niya ang mga pangyayari na hindi niya inaasahang darating sa kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...