Huli na para awatin ni King ang sarili. Kusang lumabas sa bibig niya ang salitang hindi niya dapat bitawan dahil wala siyang karapatan. Sa galit niya, hindi na niya namalayang lumabas iyon sa bibig niya. Ngunit hindi na nito mabawi dahil narinig na ng lahat.
"Totoo iyong narinig niyo."
Halos hindi nila malaman kung ano ang maramdaman nila sa puntong ito. Nakatulala lang silang lahat kay King pagkatapos maging malinaw sa kanilang pandinig ang narinig.
"Narinig ko lang rin yan sa mismong bibig ni Nenita. Pero hanggang doon lang ang pwede kong sabihin. Alam ko wala ako sa posisyon para banggitin ang bagay na ito sa inyo, para ipaalam sa inyo. Kaso kusang lumbas sa bibig ko dahil sa galit na naramdaman ko, " dugtong niya.
Naguguluhan, nalilito ang mag ama paanong naging ina ni Nenita si Ashnaie gayong hindi naman ito ang magulang kinagisnan niya.
"So ibig sabihin nagka anak si Ashnaie at Hernan? " Hindi makapaniwalang tanong ni Alfred.
Magkasalubong ang kilay na binalingan ng tingin ni Emmanuel si Alfred. "Bakit pati iyan alam mo? "
"All I can say is, dahil Sandiego ako, " mayabang na sagot ni Alfred.
"Tarantado! Ang yabang mo, " napipikon ng usal ni Emmanuel.
"Marami akong alam dahil doon ako nakatutok nang mga panahon na iyon. Hindi gaya sayo na para nang mabaliw malingat lang sa paningin si Debbie—"
Natigil sa pagsalita si Alfred nang makita ang nakamamatay na tingin ni Emmanuel. Alam ni Alfred na nakaramdam ng konsensya si Emmanuel at sinisisi ang sarili dahil sa kakulangan na ginawa niya para kay Debbie kaya pinagaan ni Alfred ang sitwasyon. Dahil tapos na iyon at naka usad na ang lahat sa pangyayaring iyon.
"Ngayon lang pumasok lahat sa utak ko ang sinabi mo, Alfred. Baka nga si Ashnaie rin ang nagpapadala ng email at text messages kay Debbie noon," frustrated niyang usal at napatingala upang ikalma ang sarili.
"Hindi lang ikaw ang may malasakit kay Debbie noon. Patago akong tumulong dahil alam kong kakatayin mo ako ng buhay—wag ka na magalit. Wag ka ng magtampo, " aniya kay Emmanuel at inakbayan ito. "Tapos na iyon. Naibigay mo na ang tulong na nararapat para kay Debbie at sa pamilya niya. Sa ngayon, kay Cathalea tayo bumawi. Alam nating pareho na maging masaya at maging payapa pa si Debbie kapag naresulba na ang lahat ng gusot sa pagitan ng mga kaibigan niya." Hinarap ni Alfred si King. "King, kung ano man ang nalaman mo, kung ano pa ang alam mo kailangan naming marinig at alamin para matulungan ka namin. Kahit ngarag na itong mga tuhod namin, hindi parin naman nakukupas ang skills na mayroon kami, " aniya at tumango pa kay Emmanuel.
Napailing nalang si Emmanuel at sumang ayon. "Pero bago iyon, kailangan narito rin ang mommy at daddy mo para malaman nating lahat ang buong kwento bago gumawa ng hakbang, pinigilan ni Emmanuel ang sarili na sumabog sa galit. .
Nakahinga ng maluwang si King matapos marinig ang kailangan niyang malaman pero may kulang parin, hindi parin sapat ang mga narinig niya para maging maayos ang lahat. Paano nila mabigyan ng hustisya ang lahat ng ginawa ni Ashnaie lalo na sa kanya kung wala silang balita sa babae?
"Nagtataka lang ako, bakit nagkaroon ng anak si Ashnaie at Hernan kung noong panahon na iyon may asawa na siya? " Naguguluhan na usisa ni Enrico nang ma proseso ang lahat ng narinig. "Kasi hindi naman magkalayo ang edad namin ni Nenita."
"Sa bagay na iyan wala na akong alam, " ani Alfred. "Ang alam ko lang patago ang relasyon nilang dalawa dahil sa istado sa buhay na mayroon si Hernan noon."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...