Pabagsak na inilapag ni Nenita ang papel na hawak. Bigla siyang na stress. Naguluhan na naman siya kung ano ang dapat na gagawin.
Binibigyan siya ni King ng pagpipilian kung itutuloy niya ba ang pagiging personal maid o ang umatras. Wala siyang pagtutol sa kontratang naka saad, ngunit may isang bukod tangi siyang hindi nagustuhan. Iyon ay ang paliguan si King at bihisan.
Hindi pa man nangyayari kinikilabutan na si Nenita.
"Ano naman ngayon? Besides, hindi naman ito ang unang beses na makita ko ang hubad niyang katawan. Kaya walang problema. Walang malesya. Hindi ito big deal." Pangumbinsi nito sa sarili.
Panay ang pagpakawala niya ng hangin para tuluyang umayos ang pakiramdam. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig, ngunit parang sinilaban ang buong mukha niya nang may maalala. Kahit saang parte rito sa kusina parang nag aapoy na punyal iyon na tumama sa kanyang mga mata.
Dito sa parteng ito kasi kung saan madalas silang nagmimilagro ni King dalawa. Dali dali siyang nagkuha ng tubig sa ref at nilaklak iyon. Muntik pa siyang masamid. Gusto niyang kaltukan ang sarili dahil bakit niya pa naalala ang bagay na iyon.
Hindi naman siya tumakbo pero humihingal na umupo siya sa upuan. Ilang beses niyang sinampal ng mahina ang pisngi nang magising siya at matauhan na parte na lahat iyon ng nakaraan at kailangan niyang harapin ang kasalukuyan.
Inaantok si Nenita habang nakahalumbaba sa mesa. Nasa kitchen parin siya nagmumuni-muni. Nabibingi siya sa katahimikan ng bahay. Wala man lang ibang tao rito bukod sa guwardiya na hindi rin niya pwedeng makausap.
Hindi pa naman siya sanay na walang ginagawa kaya nagpasya nalang siya na umakyat sa kwarto ni King.
Hindi na siya nag abala na kumatok. Binuksan niya iyon kaagad ngunit kaagad rin isinara ulit nang tumambad sa kanyang paningin ng hubo't hubad na si King na naka upo sa gilid ng kama.
Isang malalim sa paghinga ang pinakawalan ni Nenita upang maalis ang init sa magkabilang pisngi na nararamdaman.
Napatalon siya sa gulat ng tumunog ang pintuan at kusa iyon bumukas. Pigil ang hininga, dahan-dahan siyang tumingin sa loob partikular sa kinaroonan ni King. Nakahinga si Nenita ng maluwag ng makitang may takip na ng kumot ang hinaharap ni King.
Alanganin na humakbang papasok si Nenita. "Nagdala ako ng meryenda," mahinang usal niya sabay pakita sa tray na hawak. "Kailangan mo ng tulong?"
"Kapag tulungan mo ako ngayon hindi ka na makapasyang umatras."
Inilapag ni Nenita ang dala nito. Gaano man ka sakit ang ginawa ni King sa kanya nangingibabaw parin ang awa niya rito at ang kagustuhan na alagaan si King at huwag itong iiwan. Dahil kahit gaano pa siya nasaktan, may naiwan parin na pagmamahal sa puso niya para kay King.
Napatingala si King kay Nenita nang huminto ito sa harap niya. Gusto niya itong hawakan sa kamay. Kabigin at yakapin ng mahigpit.
"Hindi ko ugali ang umayaw," kaswal na usal ni Nenita. "Wala namang nakamamatay na gawain sa kontrata mo kaya wala akong rason na umatras."
Dinamot ni Nenita ang damit ni King na nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi na nagmatigas pa si King at hinayaan si Nenita na isuot iyon sa kanya kahit kaya naman niya iyon gawin sa sarili.
"Wag ka na magsuot ng boxers. Para next time hindi ka na mahirapan magsuot ng pang ibaba kung sakali na wala ako o walang ibang tutulong."
Mariing napalunok si King nang bumaba si Nenita para ipasuot sa kanya ang pajama. Mabuti nalang at may kumot na nakatakip dahil bigla nalang kumibot ang masilang parte niya at dahan-dahan na tumayo iyon.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...