Masama ang loob. Galit na umuwi si Nenita sa kanilang bahay. Sa loob ng halos sampung buwan na hindi nagparamdam at nagpakita sa pamilya, walang kasabikan na namutawi sa puso ni Nenita na binabagtas ang maliit na daan patungo sa kanilang bahay.
Ginawa niya ang lahat ng paraan para walang ibang madamay sa paghihiganteng gusto ng kanyang ama. Lahat ng mga taong nasa paligid niya pinotrektahan niya pero sumablay parin siya. At hindi niya matanggap na sa kanyang pagprotekta kay King siya sumablay.
Nagpapasalamat siya na nasa eskwela ang mga kapatid. Ayaw niyang marinig ng mga kapatid niya ang sasabihin niya sa ama.
Walang nagbago sa kanilang bahay. Kung ano ito noong huli niyang pag uwi, ganito parin ang nadatnan niya. Maliban nalang sa bakuran na may tanim ng mga bulaklak.
Hindi na nagulat si Hernan nang makita si Nenita. Mukhang inaasahan ng matanda ang pagpapakita ni Nenita sa kanya. Tinapunan niya lang ito ng walang kwentang tingin at bumalik sa loob ng bahay.
Hindi na siya natatakot sa ama. Siguro dahil mas lamang ang galit na naramdaman niya ngayon.
"Mabuti at naisipan mo pang umuwi," sarkastikong wika ni Hernan nang maramdamang sumunod sa kanya si Nenita.
Hindi alam ni Nenita kung sa anong paraan niya kausapin ang ama na mayroong paggalang sa kabila ng kagagawan nito.
"Bakit niyo iyon ginawa, tay? " Magalang niyang tanong sa ama kahit gusto niyang isinghal ito.
"Ano bang pinagsasabi mo? " Inosente na pagbabalik nito ng tanong. Nagbusy busyhan ito sa harap ng lutuan kahit wala naman itong lulutuin nagsindi ito ng apoy.
"Alam niyo kung ano ang tinutukoy ko! " She said through gritted teeth. "Bakit niyo iyon ginawa kay King? Paano kung namatay yun?!" Hindi na napigilan ni Nenita ang pagtaas ng boses nito.
Nanlilisik ang mata na hinarap siya ng ama. "Edi, mabuti kung ganun!" Galit na singhal niya rin dito. " Anong akala mo, makapayag ako na magpakasal ka sa lalaking yun? Sa lalaking ang pamilya niya ang may dahilan bakit nagkanda letse ang buhay ko!? "
"Hindi ang pamilyang iyon ang may dahilan, tay! Dalawang pamilya ang pinagbibintangan mo! Bakit ba nagpakabulag ka sa pagmamahal?!" Nag aapoy sa galit ang buong katawan ni Nenita na nakipagsigawan sa ama. " Hindi mo ba alam kung ano ang tunay na nangyari o sadyang ipinaghihigante mo lang ang babaeng minsan mong minahal na siyang sumira sa pamilyang binuo mo! Hindi ako naniniwala na hindi mo alam, tay, na ang lahat ng ito ay si Ashnaie ang salarin!"
Hindi tumuloy si King sa kagustuhan na humarap sa mag ama nang marinig nito ang usapan. Nanghinala siya kanina na umuwi rito si Nenita nang hindi ito pumunta sa kanilang bahay. Nag alala siya sa babae gayong alam na nito ang totoong nangyari sa kanya. Gusto niyang makasiguro na hindi sasaktan ni Hernan si Nenita kapag komprontahen ni Nenita ang ama. Ngunit hindi niya inaasahan na ito ang kanyang marinig. Patago siyang nakikinig sa usapan ng mag-ama. At ipinagdarasal niya na sana walang makakita sa kanya dahil gusto niya ring matapos ang gulong ito.
"Ang babae na iyon ang may kasalanan ng lahat, tay, bakit sa iba mo sinisisi?!" Muling sigaw ni Nenita sa ama.
Lalong nanlisik ang mata ni Hernan. Galit na galit ito na kaunting kablit nalang ay sasabog na. "Tumahimik ka! Wala kang alam! "
Nanginginig ang buong katawan ni Nenita sa pinaghalong emosyon. "Alam ko! Alam ko ang lahat! Alam ko rin na hindi ako anak ni nanay Fatima at anak mo ako kay Ashnaie na isang mamatay-tao! Sige saktan mo ako! " umiiyak ng sigaw ni Nenita nang akma siyang samplin ng ama. "Saktan mo ko tutal diyan ka naman magaling. Alam mong inabanduna ako ng nanay ko. Alam mo na minsan niyang tangkaing patayin ako pero bakit ikaw hindi mo ako kayang tanggapin?! Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" Puno ng hinanakit na wika niya sa ama. " At ngayon, pati ang lalaking mahal ko, ang lalaking siya lang meron ako gusto niyo pang patayin? Wala kang pinagkaiba sa kanya!"
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
Любовные романыGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...