SUMASAKIT na ang ulo ni Nenita sa buong magdamag na nakatutok sa kanyang laptop ngunit iilang impormasyon lang ang nakuha niya kay Ashanaie—sa totong ina niya.
Pati ang balita na sangkot ang dalawang pamilya ng kaibigan ni Debbie ay hindi na rin iyon makita pa sa internet. Wala ng bakas kahit maliit na impormasyon man lang.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at pabagsak na humiga sa kama. Alas-kwatro na ng madaling araw. Mahapdi na ang mga mata niya, nangangalay na ang likod at batok niya. Niligpit niya ang mga gamit niya. Hindi siya susuko sa paghalungkat sa katauhan ng nanay niya hangga't wala siyang nalalaman.
Tatlong oras lang ang tulog niya. Uuwi siya ngayon sa kanila kaya pagkatapos niyang magluto ng agahan ay gumayak na siya. Nagkagulatan pa sila ni Enrico pagkababa ng lalaki. Bihis na bihis ito ay mukhang may event na pupuntahan.
Nenita smiled awkwardly. "Good morning. Naka luto na ako ng agahan, ipaghanda ba kita?" she manage to say at nagpapasalamat siya dahil hindi siya na utal.
"It's fine. May lakad ka?" kaswal na tanong ni Enrico dito.
"Uuwi ako sa amin. Mag abot lang ng stocks nila."
Saglit siyang natigilan nang guluhin ni Enrico ang tuktok ng kanyang ulo sabay ngiti. "Mag-ingat ka. Magdala ka ng sasakyan para hindi ka na mahirapan magbitbit ng pinamili mo. Ipasyal mo na rin mga kapatid mo sa Millanic I'll put some money in your card."
Mangatwiran sana siya para tumanggi sa ibibigay nitong pera ngunit may tumawag sa phone ni Enrico. Enrico kissed her forehead dahilan upang matigilan ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang puso.
Naiiyak siya. Ang saya ng puso niya dahil hindi nagbago ang pakitungo ni Enrico sa kanya. Naintindihan niya kung bakit madalang nalang siya kausapin ng binata although siya naman ang umiwas mula sa simula. Natakot lang kasi siya at nakonsensya sa pagtago ng sikreto s binata.
Ang saya na naramdaman niya ay hindi nawala habang nagmamaneho pauwi sa kanila. Malakas na ang loob niya ngayon. Hindi na siya takot sa tatay niya katulad noon. Ngayon, may lakas ng loob na siya na lumaban dahil may bala na siyang pantama sa tatay niya sa oras na saktan siya nito ng subra.
Hindi mapagsidlan ng saya ang mga kapatid niya nang pumarada ang lamborghini na sasakyan sa bakuran nila. Nangingislap ang kanilang mga mata at puno ng paghanga na sinusuyod iyon ng tingin. Hindi alam ng mga ito na ang ate Nenita nila ang nasa loob ng sasakyang pinagpantasyahan nila.
"Pwede kayong sumakay," ani Nenita nang ibaba niya ang salami ng bintana ng sasakyan.
Gulat na gulat ang mga kapatid nito nang makilala siya. Ngunit imbis na buksan ang pinto ng saskayan at sumakay, nag unahan na nagsitakbuhan sila pabalik sa loob ng bahay. Natatawa na umiling si Nenita at bumaba upang sundan ang mga kapatid niya.
Naabutan niya itong naliligo ang tatlo sa likod ng kanilang bahay. Sumandal siya at nakangiti na pinagmamasdan ang mga kapatid hanggang sa matapos ang mga ito.
Habang nagbibihis ang mga kapatid niya, hinandan niya ang meryendang dala niya. Dalawang box iyon ng pizza at softdrinks. Ginawaran niya ng ngiti ang nanay Fatima niya nang makita niya itong lumabas sa kanilang silid. "Samahan niyo ho kaming kumain," aniya. Dinig niya ang lakas ng kabog ng puso niya habang nakipagtitigan sa nanay niya.
Hindi ito umimik o kahit nagpakita ng ibang emosyon. Kaswal lang itong naglakad...patungo sa mesang kinaroonan ni Nenita.
Lihim na pinahid ni Nenita ang butil ng luhang kumawala sa mata niya. Luha na dulot ng saya.
Saglit na natigilan sina Ashly at Rona nang makita nag nanay nilang naka upo sa harap ng hapag kainan. Nang ngitian sila ni Nenita doon lang sumagi sa kanilang mga isipan ang magandang senaryo ngayong araw.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomansGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...