"Can you tell us ano ang nangyari bakit ka na aksidente?" tiim bagang na tanong ni javier.
Nasa hospital room ni King silang magkapatid. Ilang araw na silang hindi mapakali at hindi maka isip ng maayos dahil sa aksidenteng nangyari. Dagdag pa na inabot ng ilang araw bago nagising si King. Gayunpaman, nagpapasalamat sila dahil walang ibang parte ng katawan ni King ang naapektuhan lalo na ang ulo niya sa lakas ng kanyang pagkasalpok.
"Alam naming lahat na magaling ka sa pagmamaneho pero bakit ka naaksidente? Hindi mo rin kami hinayaan na imbestigahan yung sasakyan mo," dugtong na wika ni Javier.
"King, we waited you to wake up para kumbinsihin ka sa aksidenteng nangyari sayo," kalmadong usal ni Ethan, "Dahil ang sabi mo kay Enrico hayaan nalang at wag imbestigahan ang nangyari sayo. May iba pa bang dahilan bakit ka na aksidente? Are you hiding something?"
Mariing napalunok si King sa mga tanong ng kanyang pinsan. Nakatanaw lang siya sa kawalan na may malalim na iniisip. Hindi niya parin matanggap ang nangyari sa kanya. Napaghinaan siya ng loob. Para sa kanya wala na siyang silbi pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya.
After all, he always think Nenita. Kung kamusta na ang babae. Alam niyang subrang sakit ang dinulot niya rito ngunit sa ngayon hindi niya pa kayang magpakita sa babae—hindi niya alam kung kaya niya pa bang harapin pa si Nenita.
Naka igting ang kanyang panga upang pigilan ang namumuong emosyon na sinuyod ang kanyang dalawang binti. Apat na araw na ang lumipas simula nang magising siya matapos ang aksedinteng nangyari at masamang balita ang bumungad sa kanya.
He was now a disable. Naparalisado ang dalawang binti niya. Hindi niya ito maigalaw. Hindi niya ito maramdaman. He's mad. He want that person suffer in his own hands for what he did to him. But how, kung ang tao na iyon ay konektado sa buhay ng babaeng mahal niya?
"Hernan..." isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago tiningala ang tatlong pinsan. "Siya ang may dahilan bakit nasa ganito akong kalagayan ngayon."
Natigilan ang tatlong magkapatid sa narinig. Makikita sa kanilang mga mukha ang pagpipigil ng galit. Napahilamos sa sariling mukha si Javier. Nakakuyom ang mga kamao at doon ibinuhos ang emosyong tinatago.
Si Ethan, dismayadong yumuko at mariing napapikit. Ang kanyang pagpipigil na wag saktan si Hernan ay nawakasan ngayon dahil sa nangyari kay King.
Habang si Enrico panay ang pag ingting ng kanyang panga. Hindi niya rin inaasahan na sa tagal ng panahon nilang naging kampante bigla silang inatake ng kalaban na hindi nila pinaghandaan. Nagsisisi siya. Gusto niyang magbayad ang taong may sanhi ng nangyari kay King, pero—
"Kaya minabuti kong wag niyong pakialaman ang nangyari sa akin. Minabuti ko na wag sabihin sa inyo ang totoo dahil alam ko masaktan kayo kapag narinig niyo ang katotohanan. Mahirapan kayo sa pagkamit ng hustisya dahil nasisiguro ko na masasaktan dito ng lubos si Nenita."
Hindi naka imik ang tatlo. Tahimik lang ang mga ito na nagpipigil ng galit at patagong pinapakalma ang mga sarili. Dahil tama si King, masaktan ng lubos si Nenita kung sakaling arestuhin ang kanyang ama. Dahil kahit ganoon kasama ang ama nila sa kanya mahal niya parin ito.
"I'll handle this... At sana walang malaman si Nenita kahit maliit na detalye sa nanyari sa akin at pati na rin sa pagkasangkot ng tatay niya."
Hindi na sila nagsalita pa. Karapatan ni King kung ano ang desisyon na gagawin niya. Ngunit isa lang ang kanilang masigurado, na hindi na ito mangyari pa. Na wala ng masaktan pang muli ni isa sa kanilang angkan.
Umalis si Javier at Ethan. Nagpa iwan si Enrico. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Umalis siya sa bahay. "
Pag alala, nagtataka ang rumihestro sa mukha ni King "What? Kailan pa? "
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...