Chapter 46

12 1 0
                                    

A girl with a blonde curly hair emphasized her innocence in a deep-cut white V-neck dress, adorned with elegant jewelry, which further highlighted her sophistication. Gayunpaman, ang mukhang iyon ay hinding-hindi nakalimutan ni Nenita kahit isang beses niya lang iyon nakita. Her face as beautiful as a painting. Her flawless skin. With her densely captivating and enchanting visuals, she is look like a doll.

Ganyan ilarawan ni Nenita ang babae—ang babaeng minsan ng dumaan sa buhay ni King at ngayon ay muling nagbabalik.

"Ano nga ulit ang pangalan mo, hija?" alanganin na usisa ni Cathalea. "Pasensiya ka na ha, hindi ka kasi pamilyar sa akin. "

Ngumiti ang babae saka inilahad ang kamay nito. "I'm Lorraine Areston, tita. I'm Harvin's ex-girlfriend. "

"Oh! Have a seat, hija." ani Cathalea matapos makipagakamay dto. "I'm really sorry I didn't know you. Hindi ko kasi alam na may naging girlfriend pala ang anak ko noon. Saan ka pala nakatira?"

Habang nakamasid si Nenita hindi niya mapigilan na humanga sa pinong galaw ng babae. Ang hinhin nito at kagalang galang, wala kang mapupuna.

"I lived in Spain, tita. Nasa isang university lang kami ni Harvin noon. But my mother is filipina kaya marunong ako magtagalog kahit papaano."

"You look familiar," nakakunot ang noo na wika ni Cathalea at iniisip kung saan niya ba nakita ang babaeng kaharap.

Mahinang tumawa si Lorraine. "Baka nakita niyo ako sa television , tita. I'm a fashion model in Spain."

Nanliit si Nenita sa sarili. Naroon na naman siya sa puntong naiinggit siya sa buhay ng iba. Na ipinagkumpara ang sarili niya at maliit dahil hanggang ngayon hindi niya parin alam kung ano ang plano niya sa buhay. Dahil hanggang ngayon nakadepende parin ang gagawin niya sa ibang tao. She ca't make her own decision in her life. Na para bang nabubuhay lang siya dahil kagustuhan iyon ng taong nagdedekta sa kanya.

"Bukas na ulit tayo magkwentuhan mukhang pagod ka pa sa biyahe. Dito ka pa dumiretso," ani Cathalea sabay tingin sa maletang dala ni Lorraine. "Bukas ka na lang rin magpakita kay Harvin panigurado tulog na iyon. Ihatid na kita sa guest room para makapagpahinga ka na."

Kaagad na humakbang palabas si Nenita. Sa gawing likod ng bahay siya dumaan nang sa ganun hindi siya makita ng dalawang babae. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya sa pagbalik ni Lorraine sa buhay ni King. Alam niyang wala siyang papel sa buhay ni King pero naninikip ang dibdib niya. Ang bigat sa loob niya na kahit sa lalakingmahal niya may kaagaw parin siya sa atensyon at oras nito.

Bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan nang makita niya ang glass house. Kung saan dito niya naramdaman na espesyal siya kay King. Ayaw niya mang balikan ang nakaraan na iyon ngunit nagkusa iyon. Hindi niya napigilan ang maging emosyonal. Habang naaalala niya ang mga panahon na iyon hindi niya mapigilang sisihin nag sarili sa mga maling desisyon na ginawa niya.

Maling mali na hindi niya ipinaglaban ang pagmamahal niya kay King.

Kung babalik lang siya sa panahon na iyon, hindi na siya maduduwag na sundin ang tibok ng puso niya. Hindi na siya matatakot na sumuway sa kahit na sino. At nakahanda siyang ipaglaban at ipagsigawan ang lalaking mahal niya sa lahat.

Ngunit wala ng pag-asa. Huli na ang lahat para kay Nenita. Dahil para sa kanya, nariyan lang siya para tulungan si King sa kalagayan niya ngayon at hindi para ibalik kung ano man ang namagitan sa kanila noon.

At pinagplanuhan niya rin kung paano malutasan ang paghihigante na inaasam ng kang ama dahil subrang pagod na siya sa walang kwentang paratang ng ama niya.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon