Madilim ang paligid. Nakabibinging katahimikan. Iyan ng sumalubong kay Ashnaie sa kanyang pag uwi sa safe house. Hindi na siya nag abala pang magbukas ng ilaw dahil kabisado na niya ang bawat sulok ng bahay na ilang taon niyang ginawang taguan. Pasalampak siyang sumadal sa sofa. Ang mga paa ay ipinatong sa center table at ipinikit ang mata. Makatulog na siya ng payapa sa gabing ito dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano kay Cathalea.
Ngunit hanggang doon na lang ba siya? Ang patayin sila sa takot habang siya pisikal na nahihirapan noon sa mga nangyari sa kanya? Ngunit nangako na siya sa kanyang sarili na hinding hindi na niya dudungisan ang kanyang mga kamay pagkatapos ng gabing binalak niyang patayin ang sariling anak.
Ngunit hindi sapat. She wanted a war. She wanted a bloody reavenge. To make them all suffer until to their death. Hindi siya papayag na magtapos na lang ang lahat na hindi nila maranasan ang dinanas na hirap ni Ashnaie sa mahabang panahon na pagtatago.
Nagising si Ashnaie sa matinding sikat ng araw na tumama sa kanya. Hindi niya namalayan kung anong oras siya nakatulog kagabi sa dami ng iniisip niya. Kaagad siyang naghanda ng agahan. Sa ilang buwan niyang nakatutok sa pagmamasid sa anak ngayon lang siya naka uwi at kailangan niyang maglinis ng kalat. Gayong wala na ang kanyang asawa maari na niyang itapon ang mga kagamitan na nagpapaalala sa kanya ng malagim na nakaraan.
Ilang minuto siyang nakatitig sa nakakandadong pinto bago nakabuo ng pasya na iyon ay buksan. Napatakip si Ashnaie sa ilong nang umalisngaw ang mabahong amoy ng silid pagkabukas niya. Walang nagbago sa silid maliban sa puno na ito ng alikabok at agiw. Binuksan niya ang bintana na malapit sa kama upang makapasok ang sariwang hangin. Ang silya ay kanyang pinagpagan gamit ang suot na tsinelas at umupo doon.
"Kamusta ka na?" May pag alala sa boses na usal niya. "Ang tagal kong nawala pero nandito ka parin?" sarkastikong dugtong niya. "Ano ang pakiramdam na mabulok sa higaan at walang sinoman ang nakaaalam na patay kana?"
Inilapit niya ang katawan sa kama. Dahan-dahan niyang pinasadahan ng daliri mula bungo ang kalansay na nasa ibabaw ng kama-kalansay ng kanyang namayapang asawa. Huminto ang daliri niya sa bandang leeg.
Napagisi niya na parang isang baliw at tinanggal ang bungo. "Hmm, may sikreto akong sasabihin sayo'" aniya at tumayo bitbit ang bungo ng asawa. "Alam mo ba na kahit ayaw ko sayo noon pumayag parin ako sa kagustuhan ni dad na ipakasal ako sayo. Alam mo ba kung bakit?" Her finger traveled through the skull's eyes down the nose and stopped at the lips. "Because you are physically perfect not until I found out that you can't produce a baby."
I want to have a child that is why I made a mistake to you and to our marriage," puno ng hinanakit na usal niya. "Akala ko hindi mo alam na baog ka pero pinaikot mo ako to the point na dinamay mo pa si Hernan. Nagtagumpay ka sa pananakot mo sa akin pero hindi ka nagtagumpay na mahalin din kita tulad kung paano ko minahal si Hernan.
Ang pinagsisihan ko ng lubos ay kung bakit hinayaan ko na matakot ako sayo habang dala-dala ko sa aking sinapupunan ang aking anak. Sana ginalingan ko pa ang pagtago sayo na buntis ako. Sana lumayo nalang ako sayo o kaya ay pinaikot tulad ng ginawa kong pagpaikot sayo na subrang mahal kita kahit ang totoo wala akong naramdaman kahit katiting na pagmamahal sayo. Anyway, tapos na iyon," aniya at ibinalik ang bungo ng asawa sa kama. "Nakaganti naman ako sayo kahit papaano. Opps, I forgot to tell," she smile devilishly. "Alam mo ba kung bakit ilang taon kang nakaratay dito sa mahiwaga mong higaan? Para paunti-unti kitang patayin sa hirap at sakit. Para makita ko kung paano ka unti-unting namamatay sa harap ko katulad ng ginawa mong pagpatay sa sarili ko. And, I succeed. At hanggag sa kabilang buhay hindi ko patatahimikin ang kaluluwa mo."
Kung may iba lang siyang mapuntahan noon hindi siya manatili sa asawa. Kaya lang pati sa kanilang kamag-anak ay hindi siya makalapit dahil takot rin ang mga ito na madamay sa kasong mayroon si Ashnaie at tatay niya. Kaya kay Hernan siya tumakbo at humingi ng tulong. Umaasa siya sa lalaki na tutulungan siya nito. Na siya ang piliin nito kaysa kay Fatima. Ngunit hindi siya sinipot ni Hernan. Napakasakit iyon para sa kanya dahil nilayuan siya ng lahat. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang manatili sa poder ng asawa at magpakaalipin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...