Chapter 47

14 1 0
                                    

Hindi na nag abala pang bumaba si Nenita ng sasakyan at alalayan si King dahil todo asikaso sa kanya si Lorraine. Wala ring pagpipilian si King kundi ang makisama dahil nakikita niyang wala naman talagang pakialam si Nenita.

Ilang minuto palang silang nakalabas ng sasakyan namumuo na kaagad ang pawis ni Lorraine ngunit hindi iyon dahilan para mabawas ng gada niya. Kahit simple lang ang ayos nito lumititaw parin ang natural niyang ganda.

Napakislot si Nenita nang lumingon sa gawi niya si King. Kahit hindi siya nakikita ng lalaki sa loob nakaramdam parin siya ng kaba. Kaswal lang itong nakatingin, tingin na walang pinapahiwatig na ipararating.

Nakikita ni Nenita sa mukha ni Lorraine ang malasakit niya kay King. Na hindi lang sa salita niya pinapakita ang pagmamahal niya sa lalaki kundi pati na rin sa gawa. Kung titingnan ni Nenita ang sitwasyon ng dalawang tao sa kanyang harapan, masasabi niyang walang nagbago sa kanilang dalawa dahil makikita paring parang kilala na nila ang isa't isa.

May sinabi si Lorraine kay King dahilan para tumango si King at sabay silang dalawa na pumasok sa loob ng airlines. Blanko ang matang nakasunod ng tingin sa kanila si Nenita ngunit may luhang rumaragasa.

Bilang founder and chairman kailangan rin ang presensiya ni King sa kompanya. Hindi siya papayag na magpadala sa takot at hayaan ang sarili na makulong sa sariling anino. Hindi niya man ramdam, basta't nakikita niya si Nenita at kasama niya ito panatag siya.

Inihinto ni King ang wheelchair at pormal na hinarap si Lorraine. Kahit matagal na silang wala malaki parin ang respesto niya sa babae. Dahil bago paman naging sila, naging magkaibigan muna silang dalawa.

"You don't need to follow wherever I go, Lorraine." Patag niyang usal. "I-enjoy mo ang bakasyon mo rito. Hindi mo kailangan —"

"I didn't go here for vacation,Harv." Malamlam ang matang nakatunghay siya kay King. "I wanted to help you—"

"I appreciated if that's so... But, Lorraine, kaya ko. Sige na, maupo ka lang dito. H'wag mong pagurin ang sarili mo kasusunod sa akin."

Hindi na niya hinintay na makasagot pa si Lorraine at pinaandar pa alis ang electric wheelchair nito. Ngunit hindi pa siya nakakalayo may dalawang kamay ng nakahawak sa hawakan ng wheelchair niya at sumabay ng lakad dito.

"Sinadya ko rin na pumunta rito para ayusin ang sa ating dalawa," malungkot ang boses na wika ni Lorraine. "I know I made a mistake... Pero babawi ako. Kaya ako nandito para makabawi sa lahat."

Hindi ito ang oras para pag-usapan nilang dalawa kung ano man ang namagitan sa kanila noon. Kaya hindi nalang sumagot si King nang sa ganun hindi humaba ang kanilang usapan. Hinayaan niya ring samahan siya ni Lorraine dahil ayaw namang magpapigil ng babae.

Nagising si Nenita dahil sa kumulo ang tiyan sa gutom. Nakatulog siya sa loob ng sasakyan ng dalawang oras ngunit hindi parin bumabalik sina King. Masama ang loob niya kanina dahil hindi man lang siya binalikan ni King at sinabihan na sumama sa loob. Anong silbi ng pagiging personal maid niya kung iiwan siya nito sa loob ng kotse.

Dahil hindi niya alam kung kailan babalik sina King, naghanap na muna siya ng makainan. Mabuti nalang at may karenderya malapit rito doon nalang kumain si Nenita dahil hindi kasya ang pera niya para kumain sa restaurant.

Nahihiya na umupo si Nenita sa sulok dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Sino ba naman ang hindi pagtinginan kung ang isang babae na nakasakay sa Lambo ay sa karenderya kakain.

"Nagpa order na ako kay mama ng pagkain" wika ni King habang tulak ni Lorraine ang wheelchair niya. "Sa bahay nalang tayo mananghalian."

Kanina pa hinahanap ng presensiya niya si Nenita. Hindi ito sumunod sa kanila at hindi nagmensahe kung nasaan ito. Nakararamdam na siya ng balisa. Nag uumpisa na namang lumikot ang kanyang isipan ng masama. Malayo pa sila sa exit kaya ang ginawa niya inisip niya nalang si Nenita ang kasama niya. Iyon lang ang paraan niya para mapakalma ang sarili.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon