She wanted to confess her feeling towards King but she didn't know how. Natatakot siya—iyon ang unang pumasok sa isip niya. Hindi lang kasi puso niya ang pinag-usapan dito. Wala ring nababanggit si King o kahit parinig man lang na gusto rin siya nito. Noong una, nababanggit pa si King ang katagang 'CRUSH' pero habang tumatagal hindi na niya iyon narinig sa lalaki.
Ayaw niya ring mag risk knowing na may past relationship si King. Iniisip kasi ni Nenita na whtat if magkabalikan silang dalawa ng ex girlfriend ni King.? What if mahal pa ito ni King' at ginagamit lang siyang panakip butas para mapunan ang pananabik niya sa ex-girlfriend?
At ang isa niya pang rason kaya hindi niya masabi kay King ang totoong naramdaman niya ay dahil sa huli lalayo rin siya once na nabulgar na ang kanyang matagal na kasinungalingan. Baka nga sa kulungan na siya hahantong at doon manirahan habang-buhay sa kasalanang ginawa niya sa pamilyang Montefalco.
"Paano kung sabihin ko sayong mahal kita," dumadagundong ang puso na usal ni Nenita, "Maniwala ka ba?"
Sumilay ang kirot sa kanyang puso nang wala man lang reaksyon si King sa sinabi niya. Hindi man lang ito nagulat, hindi man lang ito nabigla. King's face remain serious while reading the file he was holding.
Kinagat ni Nenita ang loob ng kanyang labi upang pigilan ang mabigat na emosyong naramdaman. Naiiyak siya, nasasaktan. She already know the answer—ayaw sagutin ni King ang tanong niya. At hindi niya alam kung ano ang dahilan.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon na suot at nagkunwari na may mensahe siyang natanggap doon. "U-uuwi na ako. Hinahanap ako sa bahay," she manage to say kahit parang may bumara na tinik sa lalamunan niya.
"Okay."
Simpleng sagot ni King. Tumalikod siya at mabilis na humakbang palabas ng kabahayan. Parang nilamusak ang puso niya. Sanay naman siya sa pagagiging cold person ni King pero sa puntong ito nasasaktan siya.
Mabilis na pinahid niya ang butil ng luhang kumawala sa mata. "Tangina! Bakit ka iiyak?" saway niya sa sarili. "Hindi mo naman deserve ang mahalin, bakit aasa ka sa sagot niya?"
Naninikip ang dibdib at malaki ang hakbang na tinahak niya nag daan palabas. "M-ma'am..." natigilan na sambit ni Nenita nang makasalubong ang nanay ni King. "H-hello po. Uuwi na ho ako," magalang na sambit niya at ngitian ang matanda.
Magkasalubong ang kilay nang ginang na lumapit kay Nenita. Sinuri niya ang buong mukha at katawan ni Nenita nang huminto ito sa harap ng dalaga. Kahit matanda na ito ang maaganda parin ng ginang, ang kinis at ang puti ng balat. "I think I know you," salubong ang kilay na sambit ng ginang. "Sumasali ka ba sa modeling? Because I am a model when I was not married."
May pumitik sa isipan ni Nenita. Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa narinig. Sa puntong ito hindi na siya maaring magkakamali, iisa ang Cathalea na nasa libro ni Debbie at ang Cathalea na kaharap niya.
Pumeke siya ng tawa. "Naku ma'am, hindi ho. Sa school lang ako sumasali sa mga pagents pero hindi ho ako naging model. Common yata ang beauty ko kaya tingin niyo ay pamilyar kayo sa akin."
Napapaisip na tumango ang ginang. "Siguro nga," malakas itong bumuntonghininga. "Anyway, I like you," malapad na ngumiti ang ginang. "Dadalaw ka ulit rito, ha? Ipagluto kita ng special maja blanca."
"Talaga ho? Favorite ko ho kasi iyan," excited na usal ni Nenita. Ang ngiti sa labi ni Nenita ay unti-unting nawala nang makita ang biglaang paglungkot ng ginang. "Bakit po?"
Malungkot na ngumiti ang ginang. "Hindi ko alam bakit bigla akong nalungkot. Naalala ko na palagi akong gumagawa ng Maja Blanca sa isang tao pero hindi ko matandaan kung sino. Hindi rin siya kilala ng asawa ko at hindi rin kumakain ng Maja ang asawa at anak ko."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...