Hindi niya alam kung saan niya ibunton ang galit niya at ang frustration na naramdaman. Dahil kung iisipin wala namang masama sa ginawa ni King. Naging big deal lang sa kanya dahil hindi niya iyon magawa sa kaniyang pamilya. At nahihiya siya kay king sa sitwasyon ng pamilya niya habang siya maganda ang buhay sa piling ng mga Montefalco.
Sa kabilang banda nagpapasalamat siya sa ginawa ni King ngunit hindi parin maibubura niyon ang galit niya sa lalaki.
"Net, can we talk?" Maingat na pakiusap ni King. Sinadya niya si Nenita sa mansyon nang malaman na mag-isa lang ang dalaga nang sa ganoon makausap niya ito ng maayos.
"Anong pag-uusapan natin?" Nenita looked at him blankly. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong tulungan ng walang ka hirap-hirap ang pamilya ko samantalang ako hindi magawang magpakita sa kanila. Ganoon ba?"
Umawang ang labi ni King sa sinabi ni Nenita. Nagulat siya na ganoon ang salita na binitawan ng dalaga, na mali pala ang dating sa kanya ang magandang layunin ni King sa pamilya niya.
Sunod-sunod na umiling si King. "No. Hindi ganoon, Net. Im sorry. Please, wag mong masamain ang ginawa ko."
"Huwag masamain? Talaga ba?" sikmat niya. "Kung para sayo wala lang iyong ginawa mo pero sa akin malaking bagay iyon, King. " sigaw ni Nenita. "Subrang laki ng impact niyon sa akin."
Napa atras si Nenita nang humakbang palapit si King sa kanya. Nag uunahan na bumagsak ang mga luha sa mata niya ngunit hindi siya umiwas sa titig ni King.
"Alam mo ang sitwasyon ko pagdating sa pamilya ko pero bakit mo iyon ginawa?" humihikbi na sigaw niya.
Walang pag-alinlangan na niyakap siya ni King. Humihikbi na nagpupugmilas si Nenita, pinagsusuntok ang likod ni King ngunit hindi siya binitawan nito. Niyakap niya lang ito ng mahigpit at hinayaan na magwala sa kanyang bisig at ilabas ang masamang saloobin ni Nenita sa kanya.
"I'm sorry for my wrong actions, Net. I'm really sorry," King said softly. "Maniwala ka, wala akong ibang intensyon kundi ang tulungan lang ang pamilya mo. Hindi lang sa mga kapatid mo ako naaawa kundi pati rin sayo kaya ko iyon ginawa."
Nakayuko, tahimik na umiiyak si Nenita nang bitawan siya ni King. Naintindihan niya ang ginawa ni King subalit sa loob niya hindi niya parin iyon matanggap.
"I also tell to your sibling the next time I back there kasama na kita," puno ng luha ang mga mata na nag angat ng mukha si Nenita. King smiled a little. "Isn't a good news na ipagkatiwala ng tatay mo sa akin ang pagtulong sa mga kapatid mo? Pwede natin gamitin ang pagkakataon na iyon na gawin mo ng walang takot ang responsibilidad mo sa kanila."
Hindi parin umiimik si Nenita. Pinoproseso niya parin ang mga sinabi ni King.
"I'm a genius, right?" tunog nagyayabag na dugtong ni King.
Nenita punch his chest. "Gago ka ba?!" singhal niya sa nanginginig na boses dahil naiiyak na naman siya.
King gave her a warm smile. "I did it in a purpose, Net, hindi para pasamain ka sa mata ng ibang tao lalo na sa mga magulang mo. I did it for you and to your siblings," marahang pinahid ni King ang luha sa pisngi ni Nenita. "Wag ka na umiyak. Baka nakalimutan mo iyong pagbabanta ko sayo noong nakaraan."
Paingos na tinabig niya ang kamay ni KIng. "Gusto mo lang maka iskor, e. Nagdahilan ka pa."
King chuckled. Ngumiti rin si Nenita at unti-unting humupa ang samo't saring emosyon na naramdaman niya kanina.
Habang tumatagal na kasama niya si King napapansin niya sa sarili niya na masaya siya, magaan ang buhay niya, wala siyang ibang iniintindi kundi kung paano makipagsagutan sa lalaki. Nag-eenjoy siya kapag magkasama silang dalawa.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...