Tulala parin si King hanggang ngayon sa mga rebelasyong narinig. Hindi parin ma proseso ng lubos ng kanyang isipan ang mga nalaman. Gulong-gulo parin ang isipan niya. Hindi niya alam kung anong hakbang ang susunod na gagawin pagkatapos malaman ang katotohanan.
Pabagsak na sumandal siya sa headboard ng kama niya. Hindi na niya kailangang mabasa ang librong iyon dahil alam na niya.
Isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan. "Pero ano ang puno't dulo bakit sa amin naghihigante si Hernan kung walang kinalaman si mama sa ambush na sinasabi ni dad?"
Nagmadali siyang bumangon upang pumunta sa kabilang bahay. "Si Tito Emmanuel lang ang makasagot ng mga katanungan ko. Kung bakit si Ashnaie ang tinuturo ni mama na salarin sa lahat."
Kung totoong walang kinalaman si Hernan sa nangyari sa pamilya ni Emmanuel, kinakailangan ni King humingi ng tawad kay Nenita sa pambibintang nito kay Hernan.
Naintindihan niya ngayon kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Nenita sa sagutan nilang dalawa nung magka aminan sila. Nakita niya kung paano nasaktan si Nenita sa pagbibintang nilang lahat sa tatay nito. At nalulungkot siya ngayon dahil pagkatapos ng komprontasyon na iyon bigla nalang hindi nagpakita si Nenita sa kanya. Talagang pinanindigan ni Nenita ang huling sinabi nito na wala ng Nenita na parang asong bubuntot sa kanya.
Nanibago siya. Hinahanap-hanap ng sistema niya ang presensiya ni Nenita. Hindi siya mapakali sa isiping buong hapon niya hindi marinig at makita si Nenita. Ngunit sa kabilang banda, masaya siya at proud para kay Nenita dahil nakaya na nitong magpakatotoo at matatag na harapin ang kinakatakutan niya.
Kung kaya ni Nenita na harapin at labanan ang kinakatakutan niya, ganoon rin ang gagawin ni King dahil naniniwala siya na malalampasan niya-nilang lahat itong suliranin na kinakaharap.
Sa ngayon, hayaan niya munang ayusin ni Nenita ang gusto niyang ayusin at aayusin rin ni King ang suliranin na kinakaharap niya.
Kompleto ang pamilya. Iyon ang nadatnan ni King sa mansyon. Pati ang mga magulang ni Liel ay narito rin. Ang kasiyahan nila ay hindi naputol nang makita si King. Patuloy parin ang pagkipagkulitan ng mag lolo sa mga apo. Si Liel, Janice, Nadia at Cecilia panay parin ang kwentuhan. Habang ang tatlo niyang pinsan lukot ang mga mukha na nakamukmok sa mahabang sofa habang palipat-lipat ang tingin sa mga anak nila na kalaro ang mga lolo at sa kanilang mga asawa na kasama si Cecilia. Para silang mga bata na inagawan ng candy sa kanilang hitsura.
Dahil hindi sila pwedeng mag inom ng alak sa harap ng mga bata, sinalinan ni King ng juice ang kanilang mga baso at inabot iyon sa tatlong pinsan.
"Ramdam at nakikita ko na ang pakiramdam na pinag agawan ka sa bagay na pagmamay ari mo, " untag ni King at sumimsim ng juice sa hawak na baso. "Mahirap ba malagay sa kanyang sitwasyon? " tanong niya at nilingon ang mga pinsan.
Sabay na napabuntonghininga ang tatlo na para bang binagsakan ng mundo.
"Mahirap but no choice," si Javier
"No choice," si Enrico.
"Mahirap pero kailangan mong indahin, " Ethan.
Sabay na sagot ng tatlo. Sabay rin na lumingon ang kanilang mga asawa, si Don Emmanuel at Alfred dahilan para mapalunok ng mariin ang tatlong pinsan. Napa ubo si King ng mabilaukan sa juice na ininom dahil sa reaksyon ng mga pinsan.
"Pero hindi namin iyon ipagdadamot lalo na kung ganito sila kasaya tingnan, " mariing napalunok at hilaw na ngumiti na usal ni Javier dahil masama ang tingin ni Janice.
"At saka, minsan lang naman ito mangyari kaya dapat sinusulit ang oras, " kanda utal naman na usal ni Ethan nang makita ang magkasalubong na kilay ni Liel.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...