Chapter 48

13 1 0
                                    

Enrico is right. Masyado ng nilamon si King sa takot niya na pati sa sarili nito ay takot narin siya at wala ng tiwala na makakaya niya ang lahat na walang kinakapitan na iba. Sa subrang makasarili niya pati mga magulang niya hindi niya hinayaan na tulungan siya sa sinapit niya. Hindi niya hinayaan na tulungan siya ng mga taong malapit sa kanya dahil para sa kanya si Nenita ang lakas niya, na ang lahat ng ito ay para kay Nenita. Si Nenita parin ang iniisip at inuuna niya kahit pa si Nenita ang isa sa dahilan bakit ganito ang kinahinatnan niya.

  He never blame Nenita. Ngunit hindi maikaila na kasali rin si Nenita dito dahil dalawa sila ng ama niya ang nagplano ng paghihingante.

"Pagod na ako," King clenched his fist. "Ilang taon na si Nenita sa poder niyo, ilang ebedinsya na ang pinain sa kanya, to the point na naging buntot na niya ako," isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan, "Pero bakit hanggang ngayon hindi parin nareresulba ang plano nila? Ano pa ba ang gusto nila, ang malagasan ang angkan natin?"

Umupo si Enrico sa couch at hinarap si King. "Hindi ko rin alam. Wala rin akong idea," pinaghinaan ng loob na wika ni Enrico. "Basta ang alam ko lang, nasa amin ang tiwala ni Nenita. Iyon ang pinanghahawakan ko hanggang ngayon. Kung ano man ang dahilan bakit hindi pa nalulutas ang nais nila, sila lang ang naka aalam niyon." Seryosong tiningnan siya ni Enrico. "Kung gusto mong wakasan na, sabihin mo kay Nenita ang buong katotohanan mula sa simula hanggang sa puntong ito. At nang sa ganun, pareho kayong dalawa na maging malaya na."

Gusto na rin ni King na mawakas ito. Actually, matagal na siyang huminto sa paghahanap ng hustisya sa pamilya nila Enrico. Dahil alam niyang wala siyang makukuha base na rin sa sinasabi ni Tito Emmanuel niya. Ngunit nang malaman niya ang totoong dahilan bakit nawala ang alaala ng nanay niya, nanumbalik ang interes niyang ipagpatuloy ang nasimulan. Wala namang ibang sisisihin kundi si Hernan. Dahil ito lang ang alam nilang may galit sa kanilang angkan. Kaya hindi na nagtaka si King kung bakit pinagplanuhan ni Hernan na patayin siya. Hindi niya lang inaasahan na sa mismong araw dapat ng kasal pa nila ni Nenita na mangyari iyon.

"Hindi pa ako handa," mahinang usal ni King. "Natatakot kasi ako na baka kapag nagka ungkatan na, tuluyan ng lalayo si Nenita," malungkot ang mga mata niyang sinalubong ang tingin ni Enrico," Minsan lang ako magmahal ng todo, hindi ko akalin na ganito kahirap ang susuungin ko," natatawa niyang dugtong ngunit mababakas ang sakit at pait sa mga mata nito.

Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na paghinga. "Ngunit hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung ano ang dahilan ni Hernan bakit siya gagante sa pamilya niyo. Dahil sa pagkaka alam ko, yung peklat niya sa mukha nakuha niya iyon nang masunog ang bahay nila noon."

Iyon ang nakalap niyang impormasyon noon. May mabilis na paraan para malaman niya ang ugat ng lahat ng ito ngunit pinangunahan siya ng takot—takot na baka tuluyan siyang layuan ng babaeng mahal niya.

"Huwag na muna natin iyan intindihin. Darating rin ang araw na malaman nating lahat ang katotohanan. Ikaw muna. Kapakanan mo muna ang unahin natin ngayon. We protect you," senserong usal ni Enrico" Hindi namin hahayaan na mangyari ulit ang nangyari sayo kahit sino pa sa angkan natin. No one can hurt us."

NO ONE CAN HURT US. Iyon ang pinanghawakan ni King. Iyon ang nagpatibay sa kanya na hindi siya nag iisa sa labang ito. He also thinks that this incident might just be a misunderstanding.

He needs a help. Iyon ang dapat isilid niya sa kukute at huwag pairalin ang pagkunwari na kaya niyang harapin ang problema na mag-isa. At isa pa, kailangan niya rin ng doktor na tutulong sa kalusugan niya. Sa puntong ito gagawin na niya ito para sa sarili, nang sa ganun kaya na niyang ipaglaban si Nenita laban sa ama nito kapag hindi na siya inutil.

" So, who is that girl?" Curious na tanong ni Enrico matapos ang mahabang katahimikan.

" She's Lorraine. My ex-girlfriend when I was in spain," patag na sagot ni King.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon