Tigagal si King nang wala na si Nenita sa kaniyang harapan. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Nenita. Ngunit bago pa makalabas ng silid si Nenita nagsalita na si King dahilan ng paghinto ng dalaga.
"Huwag ka ng umalis. Tulungan mo ako para mapadali ang galaw ko. May pupuntahan ako at ikaw ang driver ko."
Kaswal ang mukha na bumalik si Nenita. Tinulungan niyang bumaba si King sa kama papunta sa wheelchair nito at dinala sa loob ng banyo. Tinulungan niya rin itong maghubad ng kasuotan at pati sa paglipat sa bathtab ay naka alalay si Nenita na parang sanay na siya sa ginagawa.
Pinaliguan niya si King. Sinabon ang buong katawan na walang karea-reaksyon kahit nakabalandara ang kaselanan ni King. Habang si King, pigil hininga ang kaniyang ginawa sa hindi maipaliwag na emosyong naramdaman sa pinaghalong lamig ng tubig at init ng katawan.
Nakagat ni Nenita ang sariling dila sa pagkabigla nang muntik na niyang masagi ang pribadong parte ni King ng hawakan niya sana ito sa beywang para alalayn na umahon sa bathtab. Muntik pa siyang ma out of balance at masubsob sa loob ng bathtab buti nalang nakapigil si King.
Habang hinahanda ni Nenita ang damit na susuotin ni King, si King naman ay kumakain ng agahan ngunit panay sulyap kay Nenita. Gusto niya itong alukin ng agahan, tanungin kung kumain na ba ito at kung sino ang naghanda ng kanyang pagkain kahit alam na niya kung sino.
Nagbalik tanaw sa kanyang isipan noong mga araw na masaya pa silang dalawa ni Nenita kahit wala naman silang relasyon at patago pa na naglalandian. Naging emosyonal siya ng maalala ang nakaraan na iyon. Ngunit sa kabila no'n hindi rin mawala sa isipan niya na ang lahat ng ito ay parte parin ng misyon ni Nenita.
Mukhang binabantayan ni Hernan si Nenita. Ilang beses niya kaseng nakita si Hernan na napapadaan sa kabilang kalsada. Alam ito ni King dahil noon pa man may nakatagong CCTV camera na ito doon na siya lang ang nakaaalam.
Kaya niya ginawang driver si Nenita dahil nasisiguro niyang hindi gagawa ng masama si Hernan laban sa kanya kapag kasama niya si Nenita. At sa puntong ito ramdam niyang ligtas siya basta kasama niya si Nenita.
Tahimik na sumakay silang dalawa sa elevetor pababa ng bahay. Hindi pa alam ni Nenita kung saan sila pupunta. Tahimik lang siyang nakasunod kay King na masama ang loob at gutom.
Piniling ni Nenita ang ulo nang may maalala ng huminto si King sa tabi ng Lamborghini nito. Wala itong pinagbago maliban sa naging tinted at bulletproof ang sasakyan. Napaisip tuloy si Nenita kung para saan ang pag iingat ni King.
Tinulungan niyang makapasok si King sa passenger seat. Ang wheelchair nito at inilagay ni Nenita sa likod. Nang makita sila ng guwardiya kaagad na bumukas ang gate kaya nagmadali na umikot si Nenita sa driver seat.
Sa loob ng anim na buwan, ngayon lang nakalabas si King sa kanilang bahay. Sa tagal niyon, pakiramdamn niya ang daming nagbago sa paligid. Itinoon ni King ang atensyon sa labas ng bintana. Natatakot siyang magsalita. Natakot siyang marinig ang walang buhay na boses ni Nenita.
Nang silipin niya ito sa gilid ng kayang mata, tumiim ang bagang niya. Hanggang ngayon nagagalit parin siya sa tuwing nakikita niya ang marka sa pulso ni Nenita.
Walang sariwa na sugat roon kaya kahit papaano nakahinga ng maluwag si King. Ngunit kahit naghilom na ang sugat doon, alam niya na ang dahilan ng mga sugat na iyon ay sariwa pa sa puso at isipan ni Nenita. Kung ano man ang dahilan na iyon, gusto niyang malaman, handa siyang makinig.
"Sana pala tayo, sir? magalang na tanong ni Nenita habang nakatuon ang panigin sa kalsada.
"At CC Mining Corporation."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomantizmGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...