Nadatnan ni King si Enrico na nagkakape. Sa hitsura nang lalaki obvious na kagigising lang nito at may hang over.
"Hindi iyon ang ipinunta ko rito, " wika kaagad ni King nang makita ang nagtatanong na tingin ni Enrico.
Tumaas ang dalawang kilay ni Enrico sabay tango. "So, ano ang dahilan? Sight seeing ganun? Baduy mo—fine," pag-awat ni Enrico sa sarili nang makita ang seryoso na mukha ni King.
Dumampot si King ng tinapay at pinapak iyon. Kaya siya nagawi rito ay dahil wala siyang mapagsabihan sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraang araw.
He was annoyed. Kaya pinalipas niya muna ng ilang araw dahil baka mabunton niya iyon kay Nenita. Unti-unti na niyang nakuha ang loob ng babae. Ngunit nang makita niya ito kanina sa labas, awtomatiko na nag-transform ang pag-uugali niya. Kaya lang hindi nabenta ang pang-aasar niya kay Nenita.
"Anong problema at bakit parang bad trip ka? " usisa ni Enrico.
"Sinong hindi ma bad trip, dalawang oras akong napaikit-ikot sa bawat kanto na nadadaan ko bago ko natagpuan ang kanto papasok sa looban dito sa subdivision," aniya sa naiinis na tono dahil naalala na naman niya ang pangyayari na iyon.
Nagsalubong ang kilay ni Enrico. "Why? Saan ka ba nagpunta?"
"Sa City. I'm stressed and frustrated that time dahil na lowbat ang phone ko wala akong matawagan para hingan ng tulong. Naki-charge ako sa coffee shop. Akala ko makakauwi na ako. Pero yung stress ko abot hanggang langit. Hindi ko akalain na ililigaw ako ng lintik na waze na iyan. "
"Bakit?" Nagpipigil ng tawa na tanong ni Enrico.
Nakita ni King si Nenita na lumabas sa kabilang door na malapit sa kinaupuan nila. "Kasalanan niya!" Turo niya sa babae.
Nalilito na itinuro ni Nenita ang sarili nang saktong lumingon siya at nakaturo sa kanya ang daliri ni King. "Ako? Ako ba tinutukoy mo? Bakit naging kasalanan ko? Ano ginawa ko sayo? " sunod-sunod na tanong niya.
"Yeah, kasalanan mo. Kung sana sumabay nalang kayo sa akin pauwi hindi ako na stress sa lintek na waze na 'yan. "
Nenita's lips parted in disbelief. Biglang pumintig ang ugat sa ulo niya sa paninisi ni King sa kanya.
"Yung ni recommend mong waze iniligaw lang naman ako. Muntik pa akong hindi maka uwi sa bahay dahil kung saan-saan niya ako iniliko. "
Tumaas ang dalawang kilay ni Nenita. "So, kasalanan ko kung bakit bobo ka gumamit ng waze?!!"
"Wala akong sinabi na ganun! Grabe ka naman maka bobo sakin. "
"Edi tanga! Sana tinandaan mo yung dinaanan natin! "
"I have a short term memory that is why, " masungit na rason ni King. "Kung sana hindi ka umalis kaagad—"
"O, tapos kasalanan ko? Ako sisisihin mo?! "
"Ahem," Enrico interrupted their conversation nang mapansin na nagka-initan na silang dalawa. " Guy's, I am here. I am not invisible. "
And that made Nenita shut her mouth. Nahihiya na umayos siya. Saglit niyang nakalimutan na kasama pala ni King si Enrico at nakikinig ito sa pagtatalo nilang dalawa.
Pabalik-balik ang tingin ni Enrico sa kanilang dalawa ni King, nagtatanong ang mga mata. "You two are dating? "
"Walang ganun na nangyari! " mataray at mabilis na sagot ni Nenita. "That won't happen. "
"Asa ka namang mangyari yun," King answered plainly. Hindi rin makitaan ng pang-aasar sa mukha nito. Kaswal lang ngunit makaramdam ka ng nginig sa tuhod.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...