Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong.
“Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “
Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.
“Sa May 26.”
“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.
“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.
“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.
Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos ang pamilyang ito ay gusto pa siyang bigyan ng engrandeng kaarawan. Sa tanang buhay niya hindi niya pa naranasan na batiin siya, ipaghanda siya sa araw na iyon, o bilhan man lang ng isang mamon para may mapaglagyan ng kandila na hihipan niya.
Minsan naisip niya, ampon lang ba siya kaya parang wala lang sa mga magulang niya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan? Kaya naging normal na lang sa kanya ang araw na iyon sa buhay niya.
“Pero isang beses lang iyan mangyari sa buhay mo, hija.” wika ni Don Emmanuel.
Umiling siya sabay ngiti dito. “Eh, hindi na ho. Hindi ko naman naranasan na mag-celebrate nang kaarawan kaya hindi na importante sa akin iyon. Magsimba lang ako sa araw na iyon.”
Iyon ang kagawian niya sa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan. Dahil walang nakaalala sa araw na iyon kaya mag-isa siyang nagdidiwang. Sanay naman siya. Ngunit masakit sa kanyang kalooban na mabuti pa ang ibang tao binibigyan ng importansiya ang araw na iyon samantalang ang mga magulang niya ay hindi man lang iyon maalala.
Ngunit hindi nababagay sa kanya ang ganoong engrande na celebration. Dahil isa lang siyang muchacha na sampid sa pamilya. Sino ba siya para pag aksayahan ng pera para lang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Hindi na nagpumilit pa ang tatlong magkapatid sa mangyari dahil hindi nila mapilit si Nenita. Nang makita ni Enrico ang pagiging malungkot ni Nenita, gusto niya itong yakapin. Ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang maramdaman ni Nenita na kinakaawaan siya.
Nang makita ni Javier ang butil ng luha na pumatak sa mga mata ni Nenita, nagkunwari itong walang alam at nakita. Nagkuwari itong nasa palabas ang atensyon ngunit naiiyak siya habang nakikita na malungkot at may pinapasan na problema ang dalaga.
Kapag kaharap sila nito isa siyang masayahin, maligalig, madaldal. Ngunit kapag siya nalang mag-isa doon lumalabas kung ano ang tunay niyang naramdaman.
Ilang beses na napakurap si Nenita. Hindi siya maka fucos sa palabas dahil sa naiisip. Iniyuko niya ang ulo ng mapagtanto na lumuluha na pala siya. Mariin siyang napapikit dahil ayaw niyang makita ng mga ito na umiiyak siya. Natatakot siya sa maaring sabihin ng mga ito at magtanong kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
Sa kanyang pag pikit, ilang sandali ang lumipas hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Pinahiga siya ng maayos ni Enrico sa couch na kanyang inuupuan nang mapansin na nakatulog na si Nenita. Kinumutan niya rin ito.
“Ampunin nalang kaya natin siya?” biglaang sambit ni Enrico.
“Oo nga, dad. Bakit hindi nalang natin siya ampunin?” pag sang-ayon ni Ethan.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...