Natigil sandali ang paghinga ni Nenita sa ginawa ni King. Ang striktong mukha ng lalaki kanina ngayon ay malamlam na habang dinadampi sa pisngi ni Nenita ang hawak na ice bag compress.
Kanina niya pa ito napansin ngunit tila wala sa sarili ang babae kaya hindi niya ito sinita sa kanyang napansin.
Alam niya kung bakit at ano ang dahilan ngunit hinihintay niyang si Nenita mismo ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit hindi iyon ang kanyang narinig mula sa babae.
"Kaya ko ang sarili ko, " maliit ang boses na usal ni Nenita at inilayo ang sarili kay King.
She wanted to cry. Ngayon niya lang naranasan na alagaan siya ng isang tao. Although, inaalagaan naman siya ng magkapatid, sadyang iba lang ang nararamdaman niya sa pag alaga ng mga ito kumpara sa ginawa ni King ngayon.
Siguro dahil ibang pag alaga ang ginagawa ng magkapatid sa kanya. Unlike kay King, na ang imposibleng makita ng ibang tao ay napansin niya ng walang ka hirap-hirap. Ginamot na walang pag alinlangan.
"Kaya mo ang sarili mo pero hindi mo man lang ginamot kaagad ang pisngi mo, " kaswal na sagot ni King ngunit nanatiling magkasalubong ang mga kilay nito. "Kung hindi pa nga siguro kita tinanong hindi mo malaman na namaga ang pisngi mo. "
“Alam ko,” maliit ang boses na sagot ni Nenita. Ang lakas parin ng kabog ng kanyang dibdib sa hindi niya malaman kung ano ang dahilan. Bahagya siyang lumayo sa lalaki at yumuko ng ulo para itago ang mukha kay King.
Naiiyak siya na may halong inis at kaba. Nang humakbang ulit papalapit si King sa kanya ay umatras siya. Hindi parin siya makatingin sa mukha ng lalaki. Niilang siya, kinakabahan.
“Kailangan mong gamutin ‘yan,” mahinahon na usal ni King.
Inagaw ni Nenita ang ice bag compress na hawak ng lalaki. “Ako na… Kaya ko,” aniya at tinalikuran ang lalaki.
Ngunit hindi pa siya nakalabas ng tuluyan sa kitchen muli siyang napahinto nang magsalita ang lalaki. “You need to eat a dinner, too.”
Inis na hinarap ni Nenita ang lalaki. “Pwede ba…! Wag kang mangealam ng buhay na may buhay?!”
Nagulat man pinatili ni King na maging kaswal. “I didn’t. Nagsabi lang ako since wala namang ibang tao na may nagpaalala niyon sayo.”
“Aba—”
“Bakit meron ba?” Pagputol ni King sa kanyang pagsalita. “Hindi halata, e.”
“Oh, ano ngayon ang pinupunto mo dito?” mataray na tanong nito pabalik. “At isa pa… Wala kang pakialam—”
“Suwerte mo nga at pinakialaman kita, e.” Aniya at kinuha ang pagkain sa ref na tira nila kanina. Isinalansan niya iyon sa microwave bago muling hinarap si Nenita. “Ako na ang gumawa. Para naman maramdaman mo na may nakaalala sayo na hindi ka pa naghahapunan.”
Ang inis niya sa lalaki ay biglang nabura. Kahit alam niyang iniinis lang siya ni King hindi niya mapigilan ang sarili na matuwa at maging emosyonal. Bukod kasi sa magkapatid na Montefalco, wala ng ibang tao ang nagpapakita ng concern sa kanya.
Kanina nang maka uwi siya galing sa kanilang bahay, ang gulo ng isip niya. Marami siyang iniisip at wala siyang mapagsabihan niyon. Malapit na siyang sumuko at sumabog sa samo’t saring naramdaman lalo na patungkol sa kanyang pamilya.
Ngunit nang magkaita sila ni King kanina sa labas ng mansyon, pakiramdamn niya natangay ang lahat ng mga iniisip niya. Kahit pa napalitan iyon ng inis at pagka irita ay natutuwa siya dahil sa pamagitan niyon kahit saglit, kahit sandali, hindi niya naiisip ang mga problema na bumabagabag sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...