"Nabasa mo na ba iyong libro? "
Natigil ang mahinang pagpisil si King sa beywang ni Nenita, katatapos lang nila magtalik dalawa sa glass house at madaling araw na silang natapos dalawa. Naka upo ngayon si Nenita at taging kumot lang ang takip sa harapan habang nagb-browse sa laptop.
"Libro? " nagtataka na tanong ni King.
"Yung kay ma'am Debbie. "
Inawat niya ang kamay ni King nang humaplos ito sa kanyang tagiliran paakyat sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng init sa katawan sa kiliti na hatid niyon. Ngunit katatapos lang nila at mahapdi ba ang ibaba niya.
Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki. Ngayon lang siya tinablan ng hiya ngunit kanina ay wala ito sa sarili habang inuungol ang pangalan ng King. Hindi pa klaro sa kanya ang nararamdaman niya kay King ngunit hindi malabo sa kanya ang kagustuhan na muling magpaubaya dito. Hindi man tama, hindi man dapat nila ito ginagawa ngunit alam nilang pareho sa kanilang sarili na gusto nila ito.
Nahulog na ang puso niya sa lalaki ngunit hindi niya masabi kung anong klaseng pagmamahal iyon. Dahil ang ginagawa niyang ito ay may kasamang misyon.
"I haven't read it yet, why? "
Sinara ni Nenita ang laptop at itinabi iyon. Ang unan ay inilagay niya sa glass wall upang sandalan. Tumagilid ng higa si King at yumapos sa beywang ni Nenita. Dahil pareho silang hubo't hubad, ramdam kaagad ni Nenita ang mainit na kahabaan ni King na tumama sa hita niya. Walang erection ang lalaki, siguro ay pagod pa ito at hindi pa naka recover.
Nenita take a deep sigh. "Wala naman... Nagtataka lang ako bakit walang latest na balita ang mga kaibigan dati ni ma'am Debbie. Wala ring gaanong impormasyon sa internet. At saka yung balita tungkol sa pamilya ni ma'am Debbie ay take down na lahat. "
Sumiksik si King sa katawan ni Nenita hanggang sa sa mismong puson na ni Nenita nakaunan si King. "Pinabura siguro ni tito," namamaos na sagot ni King. Inaantok na ito.
"Siguro nga..."
Iyon rin ang iniisip niya kaya wala siyang mahanap sa internet. Siguro dahil na rin sa peace of mind ni maam Debbie, o kaya ay dahil sa luma na ito at wala ng halaga ang balitang iyon dahil nakamit na ang hustisya.
"Bakit parang interesadoka sa bagay na iyan?"
"Hindi... Nagtataka lang ako bakit walang ibang impormasyon itong si Ashnaie, iyong isa sa bestfriend ni ma'am Debbie. At saka balak ko sanang imbestigahan ito."
Napaisip si King. 'Tma nga kaya si Enrico na hindi kay Nenita ang kasagutan sa aking ninanais?' tanong niya sa sarili. 'Pero imposible. At ano ang kinalaman ng best frend ni tita Debbie dito? At bakit gusto itong imbestigahan ni Nenita?'
He pretended na wala siyang interes sa topic ni Nenita kaya nilihis niya ang usapan.
Mapupungay ang mga mata na tiningala siya ni King nang humikab si Nenita. "Inaantok ka na?" malambimg na tanong ni King.
"Mmm, kanina pa," pagod na sagot ni Nenita. Aside kasi sa pagod siya, kanina pa siya inaantok. Hindi niya lang masabi kay King dahil nanghihina pa siya at walang lakas na tumayo.
Umalis si King sa paghiga at umupo. Marahan niyang hinawi ang buhok ni Nenita papunta sa likod ng tainga nito. Marami siyang gusto na sabihin sa babae. May gusto siyang ipagtapat kaya lang pinaghinaan siya ng loob. Masakit parin sa kanya ang nangyari kay Nenita lalo na kapag nakikita niya ang bakas ng sugat sa pulso ng babae.
Lumapat ang labi niya sa noo ni Nenita. Nanatili iyon ng ilang minuto.
"Wag ka nang umisa, pagod na ako," mahinang usal ni Nenita.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...