Chapter 62

6 1 0
                                    

Wala sa plano ang pagsunod ni Hernan kaya nagulat si Nenita bakit biglang sumulpot ang kanyang ama.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakatingin lang siya sa kanyang ina na masama ang tingin sa kanya. Gusto niyang magpaliwanag, gusto niyang pagsabihan ang ama kung bakit ito hindi sumunod sa plano niya.

Ngunit wala na siyang magagawa dahil nandito na ang ama at nahagip rin ng kanyang paningin si Cathalea at asawa nito na nagtatago sa gilid na parte ng bahay. Lihim siyang napabuntonghininga sa pagkadismaya. Dahil sa pangyayari wala ng chance na makapag-usap sila ng masinsinan ng kanyang ina.

“Intensiyon mo bang magpakita sa akin para ipagkanulo ako sa tatay mo?” mariing tanong ni Ashnaie. “Para ano?”

Napalunok ng mariin si Nenita. Kahit ganito ang kapalaran niya sa kanyang ina hindi niya parin mapigilan na masaktan at maawa habang nakikita ang dismayong mukha ng ina—ang pakiramdam na trinaydor ka at pinagkaisahan.

“H-hindi sa ganun—”

“Kung ganun, ano ang dahilan!?” may namumuong luha sa mata na singhal niya kay Nenita.

Masakit man para sa kanya bilang ina na sigawan at magalit sa anak pero sa puntong ito hindi niya mapigilan. Ang buong akala niya sensero ang pagpunta ni Nenita sa kanya ngunit hindi pala, dahil may masamang plano pala ang anak nito laban sa kanya.

“Wag mong sigawan ang anak ko!”

Matunog ang pagsinghap ni Ashanie at pagak na natawa ngunit sa loob-loob niya pinipiga ang puso niya kung paano ipamukha ni Hernan sa kanya ang pagtanggal nito ng karapatan bilang nanay ng anak nila.

“Wala kang karapatan na sigawan ang anak ko!”

Natigilan si Ashnaie nang magkaharap sila ni Hernan. Kaagad na nawala ang kaninang galit niyang naramdaman at napalitan ng pagtatanong at pagtataka. Naninikip ang dibdib na pinakatitigan niya ang mukha ni Hernan partikular sa malaking peklat nito.

“Huwag mo akong tingnan na  parang naaawa ka sa akin,” malamig na usal ni Hernan. “Dapat ang maramdaman mo ay konsensiya dahil kagagawan mo rin naman bakit ito nangyari sa akin.”

“Bakit lahat kayo ako ang sinisisi?” puno ng hinanakit na tanong nito.

“Dahil ikaw naman talaga ang may kasalanan!” umaalab sa galit ang mga mata ni Hernan. Nakalimutan niya na ang ang babaeng kaharap ay minsan niya ring minahal. “Ito,” itinuro ni Hernan ang mukha, ipinakita rin ang katawan nitong may bakas rin ng malaking peklat. “Ikaw ang dahilan bakit ito nandito sa katawan ko dahil sa balak mong sunugin ng buhay ang anak ko! Ngayon, itinatanong mo bakit ikaw ang sinisisi? Itanong mo kaya iyan sa sarili mo?”

Si Nenita na pinagitnaan ng dalawang magulang ay tahimik na palipat-lipat ang tingin sa dalawa dahil sa namumuong tensiyon. Ito na rin siguro ang tamang panahon para masabi nila sa isa’t isa ang kanilang mga saloobin at hinanakit.

“Ginawa ko ang lahat para tulungan ka. Tinulungan kita, ipinaghigante sa pag aakalang inosente ka,” desmayadong umiling si Hernan. “Pero kagagawan mo rin pala ang lahat bakit ka napunta sa ganiyang sitwasyon. Labis ang pagsisisi ko bakit pinili kong kampihan ka kahit nadadamay ang anak ko.”

“Hernan…”

Natigilan si Ashnaie sa narinig. Pinoproseso sa isapan ang mga sinabi ni Hernan. Hindi niya akalain na magawa siyang tulungan ni Hernan sa kabila ng kanyang ginawa dito sa kanilang mag-asawa at anak. 

“Sumurender ka na, Ashnaie.” Pagmaka awa na wika ni Hernan.

“What? No! Why would I do that?!” galit niyang pagtanggi.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon