Chapter 11

54 3 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas nang mag walk out si King sa kalagitnaan ng pananghalian nila. Tatlong araw na rin itong hindi nakita ni Nenita. Hindi na ito nagpunta pa ulit sa mansyon. Walang pakialam ang mag-ama siguro ay dahil alam nila ang rason kung bakit walang King na nagpakita.

Ayos iyon kay Nenita, nang sa ganun ay walang nanggugulo at nag-aasar sa kanya.

Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Nenita bago bumangon. Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Ang dahilan, ay dahil bumabagabag sa isipan niya ang reaksyon ni King noong huli niya itong nakita.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Imbis na bumalik sa kanyang silid, dinala siya ng kanyang mga paa sa likod ng bahay, doon sa harap ng flower garden.

May metal table and chairs doon. Nang maka upo kaagad niyang niyakap ang sarili nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Alas-tres na ng madaling araw ngunit maliwang ang paligid nitong garden dahil sa mga ilaw na nakapalibot dito.

Sumimsim siya ng gatas habang sinusuyod ng tingin ang mga nagagandahang bulaklak. Ang tagal na niya rito ngunit ni minsan ay hindi pa siya nakapasok sa loob ng garden. Mahigpit na ipinagbabawal iyon ni Don Emmanuel. Nagtataka man kung ano ang malalim nitong dahilan ay ipinagsawalang-bahala nalang iyon ni Nenita.

“Oh, shit!” pagmura niya nang mapaso ang dila dahil sa gulat ng makarinig ng kaluskos sa loob ng flower garden. Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang ito nangyari sa kanya rito sa mansyon. “Wala naman sigurong ligaw na kaluluwa dito,” pangumbinsi niya sa sarili at inaalis sa isipan ang takot.

Muli siyang sumimsim sa baso na hawak. Pakanta-kanta pa siya. Ayaw niya pang bumalik sa loob dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok. At nagagandahan siya at naaaliw na nagmamasid sa mga samot saring bulaklak na nasa kanyang harapan.

“KALULUWANG LIGAW!” takot na hiyaw niya nang marinig ang malakas na kaluskos at kasunod niyon ay ang  paglabas ng isang tao at bumulagta sa damuhan.

Mabilis siyang tumayo nang maaninag ng maayos ang lalaki. "King! " bulalas niya. Malaki ang mga hakbang na nilapitan niya nito.

Napakusot siya sa ilong nang malanghap niyang amoy alak ang lalaki. Mahina niya itong sinipa sa paa ngunit hindi ito gumalaw. Sa ikalawang  sipa ay nilakasan na niya ito kaya napa ungol ang lalaki.

"Sorry, akala ko patay ka na. " Nenita said, nakangiwi ito at nag peace sign pa kahit hindi naman siya nakikita ni King.

Paluhod siyang umupo sa damuhan. "Bumangon ka, " aniya at niyugyog ang balikat ng lalaki. Ngunit hindi man lang ito na tinag.

Sinubukan niya itong itulak patihaya ngunit mabigat ang lalaki. Ayaw rin makisama sa subrang kalasingan nito.

Malakas niyang tinampal ang likod ni King. "Hoy! Bumangon ka! Wala ka sa kama mo!"

Ungol lang ang sagot nito. Malapit nang maubos ang pasensya ni Nenita. Sa halip na nagpapaantok siya dito mukhang hindi na siya makatulog dahil sa lalaking nakabulagta.

"King, bumangon ka! "

Kahit naiinis na nagawa niya pang magsalita ng mahinahon. Tinulak niya ulit ang lalaki patihaya sa ikalawang pagkakataon. Nakahinga siya ng maluwang nang nakisama ito. Hindi siya nahirapan sa kabigatan ng lalaki.

"Oh shit! " hiyaw niya nang masubsob siya sa matipunong dibdib ni King. Mabilis siyang umalis roon at malakas na hinampas ang tiyan ng lalaki.

Kanda ubo naman ito at nagising sa kalasingan.

“H-hindi ko na a-alam ang… ang daan p-pauwi,” sinisinok na usal ni King ngunit nanatiling nakapikit ang mata.

"Sa sunod magtira ka sa sarili mo nang maka uwi ka ng maayos, " kahit nanginginig ang kamay sa kaba hinawakan niya ang braso ni King at inilalayan ang ulo upang paupuin ito.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon