"Net, ano na?! "
Parang aso na naka buntot si King kay Nenita. Simula kaninang umaga hanggang mag gabi ay kinukulit niya ito tungkol sa pakiusap niyang samahan siya ng dalaga sa plano niyang mamasyal sa Sagada.
"Isang daan ka na nagtanong at hindi magbabago ang sagot ko, A. YO. KO! " nauubos ang pasensya na sagot niya.
Muntik nang masubsob si King sa glass door sa panay pagsunod niya kay Nenita mapapayag lang ito.
Isang linggo na niya itong sinusuyo ngunit hindi umuubra kay Nenita ang mga pakiusap niya.
Tinulungan niya si Nenita sa pagdala ng mga labahin sa bodega. "Ipagpaalam kita kina tito, " aniya.
"Kahit pumayag sila, ayaw ko parin."
"I'll pay. Kahit every minute pa. "
Malakas na napabuntong hininga si Nenita. Matamlay na tumingin siya kay King na nagsusumamo sa kanya. "Sa iba ka nalang magpasama. Hindi ko rin naman kailangan ng pera, " aniya at tinalikuran ang lalaki.
Hindi na nangulit pa si King. Tinatanggap na niyang hindi niya talaga mapapayag si Nenita sa gusto niya. Nalulungkot lang siya dahil malaki ang kanyang kompiyansa na pumayag si Nenita.
Sumunod parin siya kay Nenita para tulungan na kunin ang naiwan pang mga labahin, but this time hindi na siya umimik.
"Salamat, " kaswal na usal ni Nenita pagkatapos.
Napansin niya ang pananahimik ni King at alam niya kung ano ang dahilan. Ngunit buo na ang kanyang desisyon at hindi na iyon magbabago pa.
She sighed inwardly nang lumihis ng daan si King at hindi na sumunod sa kanya sa kusina.
"I'm going home. "
Dinig niyang usal ni King ngunit hindi niya alam kung sino ang kausap nito dahil nasa loob na siya ng kusina.
"Take care. I love you too. "
Ang huling narinig ni Nenita at namayani ang katahimikan sa buong paligid.
_____-_____
Madlas parin tumatambay si King sa mansyon. Kahit wala ang mag ama at si Nenita lang ang nandoon ay pumupunta parin ang lalaki. Araw-araw, buong maghapon siyang nakatambay ngunit walang pangungulit kaya Nenita na naganap—hindi siya nagpapakita sa babae.
He was their ngunit hindi iyon alam ni Nenita. Kontento na siya na pagmasdan ang bawat galaw ng babae sa malayo.
Ang mag-ama ay lagi ring wala sa mansyon. Lalo na si Javier madalang nalang kung umuwi. Si Ethan ay ganun rin. Si Enrico umuuwi nga pero laging lasing at inuumaga.
Biglang nanibago si Nenita. Hindi kasi siya sanay na ni isa sa magkapatid ay hindi niya nakakasama o makausap man lang. Bihira nalang rin silang magkakasama lahat na kumain kahit sa hapunan man lang.
Today is the last day of the month at uuwi si Nenita sa kanila. Sa text lang siya nagpaalam sa magkapatid dahil hindi na naman niya ito naabutan kagabi. Kay Don Emmanuel lang siya nakapagpaalam ng personal nang sadyain siya ng matanda sa kanyang silid para magpahanda ng makakain nito.
"Balik-eskwela na sa susunod na linggo, " ani nang Don habang sumisimsim ng tsaa nito. "Wag mo na gastusin ang naipon mong pera ako na ang bahala para sa pambili ng mga gamit ng kapatid mo."
"Bawasan mo na rin ang mga gamit mo sa closet hindi na magkasya. "
Tumalon ang puso niya sa tuwa nang marinig ang paos na boses ni Enrico na halatang kagigising lang.
Enrico smiled apologetically. "Sorry, sumilip ako sa kwarto mo na walang pahintulot. Pero hindi naman ako pumasok. At ayun nga, bukas ang closet mo kaya nakita ko. "
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...