Chapter 3

85 5 1
                                    


Nagmistulang tambakan ng basura ang loob ng sasakyan ni Enrico. Lahat ng mga iyon ay mga gamit ni Nenita na pinamili ng tatlong magkapatid sa kanya. Kulang nalang ay dalhin nila ang buong mall sa mansyon dahil ayaw nilang magpa-awat sa pagbili.

Walang nagawa si Nenita kundi ang tumunganga habang pinapanood ang mga ito na salitan sa paglapit sa kanya para tingnan kung bagay ba sa kanya ang napili nilang bilhin. Nagmistula siyang manikin na binibihisan ng tatlong tao.

Lutang ang isip ni Nenita hanggang sa matapos ang magkapatid sa pamimili. Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa buhay niya. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na matagal na nawala at natagpuan ang totoong pamilya.

Ang isa pang ikinalutang ng isip niya iyong malaman na ang pamilyang tinutuluyan niya ngayon ang may-ari nong mall.

"Wala ba kayong sasakyan na dala? " naiinis na tanong ni Enrico sa dalawa nitong kuya na nagsiunahan na pumasok sa loob ng kotse niya.

"Meron. Pero dito namin gusto sumakay pauwi, " sagot ni Ethan at sinara ang pinto ng sasakyan.

Napailing nalang si Enrico. Pinasakay niya sa passenger seat si Nenita bago umikot sa driver seat na nakabusangot ang mukha. Sa pangyayari ngayong araw ay na blangko ang isip ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang kanyang maramdaman sa pinapakita na asal sa kanya ng tatlong magkapatid.

Nahihiwagaan siya rito. Subra-subra ang kabaitan at kabutihan ang pinapakita nila gayong kagabi palang nila ito siya nakilala. Lulan sa sasakyan, tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana habang ang tatlong magkapatid ay nag-uumpisa na naman sa pagtatalo.

Nang makarating sila sa mansyon, hindi na siya hinayaan ng tatlong binata na magbitbit ng mga pinamili nila. Inabot sila ng hapon doon sa mall kaya pagkadating nila pinatulog muna siya ng tatlo at gigisingin nalang daw kapag maghahapunan na.

Gusto niyang magtanong kung ano ang maging trabaho niya rito pero pinagsarhan na siya ng pinto ni Enrico. Pagod na umupo siya sa dulo ng kama. Pinagmasdan niya ang mga pinamili nila na naka latag sa lapag. Mapait siyang napangiti sa isiping ang dali niyang nakuha ang mga ito habang ang kanyang mga kapatid ay nagtitiis sa pinaglumaan niyang mga gamit.

Hindi siya makatulog. Kaya naisipan niyang ayusin nalanng ang mga gamit na pinamili. Tinanggal niya sa isipan ang lungkot at konsensiya na siya lang ang makakaranas nito at hindi kasali ang mga kapatid niya.

Nang matapos nagpasya siyang lumabas sa kaniyang kwarto. Ang tahimik ng bahay. Namamanggha siya sa laki at lawak nito. Sa ganda ng paligid na ngayon lang nakita ng kanyang mga mata.

"S-sir... magandang hapon po." kinakabahan, nahihiya na sambit ni Nenita nang makasalubong niya sa pasilyo papuntang kusina si Javier.

"Are you hungry?" tanong sa kanya ni Javier .

Umiling siya. "Hindi ho. Hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas at maghanap sana ng may gagawin," sagot nito na hindi makatingin sa lalake sa pagka-ilang.

Bahagya siyang kumalma nang ngumiti si Javier sa kanya. "Marunog ka ba magluto?" tumango siya bilang sagot. "Tara sa kitchen. Samahan mo ako magluto."

Sumunod siya kay javier. Lahat ng gawaing bahay ay alam niya. Ngunit ang paggamit sa modernong kagamitan ay wala siyang alam maski isa. Wala naman kase silang ganoon na gamit dahil kahoy ang ginagamit nila sa kanila sa pagluto.

"Do you know how to use this?" Umiling siya bilang sagot sa tanong ni Javier. "Electric stove ang tawag dito. Iikot mo lang ito pababa para bumukas ang apoy," inikot iyon ni Javier pababa. "Like this. Tapos pwede mo rin siyang i- adjust into low, medium and high."

Bawat paliwang ni Javier ay tinatandaan iyon ni Nenita. Pati ang paggamit ng microwave, oven, dishwashing machine kung saan manghang-mangha si Nenita. Lahat ng kagamitan sa kusina ay pinakita iyon ni Javier kung paano gamitin.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon