Nagdadalawang-isip si Nenita kung tatanggapin niya ba ang maging personal maid ni King. Hindi kase biro ang gagawin niya. Makasama niya araw-araw ang lalaking pinagdasal niyang kalimutan. Nagtiis siya, naghirap para gumaling sa dinulot na sakit na iniwan ni King tapos sa isang iglap sa kanyang pagbalik muli na naman silang magsama na parang walang nangyari.
Ngunit ang malaking katanungan ngayon ni Nenita ay kung ano ang nangyari kay King. Bakit hindi na ito makalakad. Maayos naman ang lalaki noong araw na nagplano itong pakasalan siya.
"Alam mo bang lagi kang hinahanap ni tita," wika ni Enrico na ipinagtaka ni Nenita. "Gusto niyang lagi kang nasa bahay nila. Ipagluto ka raw niya ng favorite mong maja blanca."
Sumikdo ang puso ni Nenita nang maalala ang nanay niya. Ayaw niya man itong isipin ngunit hindi niya mapigilang magtanong sa isipan kung kamusta na ito. Kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ama.
"Hindi naman iba si King sayo kaya ikaw nalang ni presenta ko," alanganin na ngumiti si Enrico sa kanya, "Ayaw kasi ni King na humarap sa ibang tao maliban sa mga kamag-anak namin kaya nahirapan si tita sa paghanap ng aalalay kay King. "Dinig ni Nenita ang pagkawala ni Enrico ng isang malalim na paghinga. "May sakit si tita. Si tito naman busy palagi sa kanilang negosyo. Gustuhin man ni tita na alagaan si King, na lagi itong nasa tabi ng anak hindi niya magawa dahil minsan kahit bagong pangyayari lang nakalimutan na kaagad iyon ni tita."
"May sakit ba si ma'am Cathalea? O dala lang ito ng katandaan niya?" hindi napigilan na tanong ni Nenita.
Gusto na niyang malaman ang totoong dahilan bakit walang maalala si Cathalea. Kase noong una akala niya may alzheimer disease ito.
"Tita lost her memories... Hindi namin alam kung ano ang dahilan. Ang sabi ni dad, hindi pa ipinanganak si King nawala na ang memorya nito."
Hindi na nagulat si Nenita dahil may pakiramdam na siya noon na walang maalala si Cathalea. Ang ikinagulat niya ay ang huling sinabi ni Enrico.
"Umaasa nalang kami sa himala na sana balang araw maka alala na siya. Para maalala niya rin ang mga pamilya niya at mahal sa buhay noong maayos pa siya."
Sabay silang napatingin ni Enrico sa tuktok ng hagdan. Nakatayo roon si Nadia, inaantok na ito. Nagbaba ng tingin si Nenita nang tumayo si Enrico. Bigla, pakiramdam na naman niya ay mag-isa siya.
"Desisyon mo parin ang masunod dito, Net. " Marahang tinapik ni Enrico ang braso ni Nenita kaya napatingala siya sa lalaki. "Matulog ka na. Pumunta ka lang sa kabilang bahay bukas kapag naka desisyon ka na, " ngumiti sa kanya si Enrico. "Good night."
Pabagsak na humiga si Nenita sa couch. Hindi inalintana ang lamig na lumukob sa kanyang katawan dahil sa kanyanng kasuutan. Matagal siyang nakatitig sa kisame pinag-iisipan ang desisyon na gagawin.
"Mukhang malalim ang iniisp mo, ah."
Napabangon si Nenita nang marinig ang boses ng kanyang pinsan—si Nemfa. Tinanggap niya ang umuusok pa na tasa na inabot ni Nemfa.
Tumabi ng upo sa kanya ang pinsan. "Ang tagal mong nawala, na miss kita," malungkot na binalingan siyang tingin ni Nemfa. Tahimik na sinimsim ni Nenita ang gatas sa tasang hawak. "Ang lungkot noong wala ka. Pero alam mo bang naging payapa ang buhay ko, naging payapa ang isip ko simula ng araw na iyon dahil ni isang beses hindi ko nakasalubong ang tatay mo kahit saan man ako magpunta."
Nahihiya si Nenita sa perwesyo na binigay ng kanyang ama. Ngunit wala siyang magawa sa bagay na iyon dahil kahit siya hindi niya mapigilan ang ama sa kagustuhan nitong isali si Nemfa sa gawin niyang paghigante sa pamilyang Montefalco.
"Hindi lang isa, dalawa, tatlo kundi maraming beses ko ng tinangka na isumbong ang tatay mo. Kaya lang iniisip kita. Kasi ikaw itong makatanggap ng hirap kapag mahuli siya."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...