Chapter 63

8 1 0
                                    

Nagmamadali na nag impake ng gamit si Ashnaie para sa planong pagtakas. Magkikita sila ni Hernan dahil si Hernan ang tutulong sa kanya sa pagtakas para makalayo rito sa Sagada. Si Hernan rin ang tutulong sa kanya sa bagong tirahan na pupuntahan niya.

Hindi ito alam ng kanyang asawa. Wala siyang balak na sabihin ang plano niyang  pagtakas dahil umaasa siya na magsasama silang dalawa ni Hernan sa lugar na pupuntahan nila.

May ngiti sa labi, nasasabik na hinaplos niya ang impis na tiyan. "Makakasama na natin ang daddy mo. Panigurado matutuwa iyon kapag nalaman niyang magkaroon na siya ng anak."

Matagal na niyang pinag-isipan ang balak na pagtakas dito sa bahay na kanilang pinagtaguan ng kanyang asawa, naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon para gawin iyon.

Matapos niyang masangkot sa kaso ng ama, pinangako niya sa sarili na walang sinuman ang mapabagsak sa kanya at walang kahit sino ang magdadala sa kanya sa kulongan. Kaya lahat ng taong nakapaligid sa kanya na posibleng ipabagsak siya, kanyang pinapapatay.

Hindi niya magawa na saktan si Debbie dahil protektado ito ng kanyang asawa. Marami itong bantay at wala siyang kakayahan na banggain si Emmanuel kaya si Cathalea ang pinuntirya niya.

Mabuti nalang tinulungan siya ng kanyang asawa sa plano niyang patayin si Cathalea.

They hired a people in Paris to kill Cathalea. Naging successful ang kanilang plano ayun sa balita ng mga taong inutusan. Naging kampante si Ashnaie ngunit masalimuot na buhay naman ang naging kapalit. Naging alipin siya ng asawa, naging sunod-sunuran at kinawawa.

Nang mawala sa paningin ang sasakyan ng asawa, dali-dali nang binitbit ni Ashnaie ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Mabilis ang tibok ng puso dala sa kaba at takot na naramdaman habang nanginginig ang kamay na minaubra ang sasakyan.

Kailangan niyang makarating ng maaga sa tagpuan nila ni Hernan. Hindi siya maaring maabutan ng liwanag baka maabutan siya ng asawa.

Binilisan niya ang takbo ng sasakyan na para bang hinahabol siya ni kamatayan. Sa ibang daan siya dumaan baka mapang abot sila ng kanyang asawa sa daan. Doon lang siya nakahinga ng maluwag ng makaliko na siya sa masukal na daan papunta sa tagpuan nila ni Hernan.

“Salubungin niyo sa kabilang kanto. Sa ibang rota dumaan ang asawa ko," naka igting ang panga na usal ni Justin at halos madurog na niya ang cellphone na hawak habang nakatingin sa pulang tuldok na mabilis ang galaw papunta sa paruruunan nito.

" Nasisiguro ko magtatagpo silang dalawa ng kalaguyo niya! Pagsisihan mo itong ginawa mo, Ashnaie. Sa tingin mo hahayaan kita na magsama kayong dalawa pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa ko sayo, never! Pagbayaran mo ito habang hawak kita!”

Naging bulag siya sa katotohanan na may ibang lalaki ang asawa niya. Noon pa siya nanghihinala ngunit tikom ang kanyang bibig sa labis na pagmamahal kay Ashnaie. Hanggang sa hindi na siya nakapagtimpi na itago ang tunay na saloobin tungkol sa kagagawan ng asawa.

Gunawa siya ng paraan para mapatunayan na tama ang lahat ng kanyang hinala. Patago niyang nilagyan ng tracking device ang sasakyan na ginagamit ni Ashnaie upang malaman niya kung saan ito pumupunta.

“Naabutan na namin siya, sir." Wika ng tauhan ni Justin sa kabilang linya.

“Paulanan niyo ng bala ang kaniyang sasakyan. Make sure na hindi siya matatamaan kundi kayo ang tadtarin ko ng bala!"

Hindi na makapaghintay ai Ashnaie na makita si Hernan. Malapit na siya sa kanilang tagpuan, kaunti nalang makasama na nito ang lalaki. “Hindi na ako makapaghintay na makita at makasama ka, mahal ko. Salamat, kami ng anak mo ang pinili mo— oh shit!" Biglang huminto ang sasakyan ni Ashnaie at napahawak siya sa kanyang impis na tiyan nang makarinig ng sunod -sunod na putok ng baril.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon