Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal mo sa isang tao?
Hindi na muna bumalik si King. Hinayaan niya munang mag-usap ang mga magulang niya at si Hernan. Naniniwala na siya sa kasabihang 'In God's Perfect Time' dahil nawalan na siya ng pag-asa noon na gagaling pa ang ina niya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari biglang nagbago ang lahat. Na sa subrang pag-iingat nila kay Cathalea, aksidente lang pala ang magpabalik ng alaala nito. Napaka imposible. Ngunit paglaan pa ba nila ng oras iyon para kuwestiyunin kung ang himala ay nasaksihan ng kanilang mga mata?
Tirik na tirik ang araw ngunit dahil maraming halaman at puno ang nakapalibot sa bakuran presko parin at mahangin.
A smile plastered on King's lips. He look up the sky and close his eyes. I God's perfect time; the truth will be revealed, justice will be obtained, the situation will be easier, and happily ever after will happen.
Marahan niyang iminulat ang mata. "I trust in you. "
Marami siyang galit at hinanakit na naramdaman at humantong pa sa kawalan niyang tiwala na maging maayos pa ang magulong sitwasyon. Maraming pagsubok, problema, lalong lalo na sa pagitan nilang dalawa ni Nenita. Lagi siyang nagdadasal, humihingi ng guidance and protection sa itaas ngunit palagi ring hindi iyon nangyayari. Lalo silang nagkalamat ni Nenita. Na aksidente siya, may nagbabanta sa pamilya nila. Ngunit hindi iyon dahilan para mawala ang tiwala niya sa panginoon. Kumapit siya ng mahigpit at sa kanyang pagkapit unti-unti niyang nakita ang resulta ng kaniyang paghihirap.
Ang lahat ng hirap na nangyari ay may magandang resulta. At naniniwala siya na ito ang simula papunta sa maliwanag na hinaharap.
Nanatili siyang nakatingin sa berdeng palayan na sumasabay sa hampas ng hangin nang may tumabi sa kanya. Kilala niya kaagad kung sino iyon.
"Nahihiya akong humarap sayo. Isang sampal ng konsensya sa akin ang makita kang nasa ganyang kalagayan—"
"Sinasabi mo lang ba iyan dahil may ugnayan ka sa nanay ko? " pinilit ni King na maging kalmado bilang respeto sa nakatatanda sa kanya.
"Hindi. Walang kinalaman dito ang ang ugnayan namin ng mama mo—"
"Kung ganun, bakit ngayon ka lang naglakas loob na humarap sa akin?"
"Dahil natatakot ako, " panay ang paglunok na ginawa ni Hernan para maikalma ang sarili upang masabi niya kay King ang lahat. "Maraming beses kong sinubukan na puntahan ka pero humantong lang ako na nakatingin sa bahay niyo o kaya ay dadaan lang dahil naduduwag ako. "
Tiningala siya ni King. "Hindi dahil minamanmanan mo ako? " naninigurado nitong tanong.
"Inaamin ko, noong naka uwi kana sa bahay niyo galing hospital nagmanman ako, pero hindi para gumawa ulit ng kasalanan, " he look back to King. "Kundi para alamin kung nagkikita parin kayo ng anak ko. "
Ngayon, malinaw na kay King kung bakit lagi niyang nakikita sa CCTV si Hernan sa labas ng kanilang bahay. Minsan pakiramdam pa niya nasa loob ng kanilang tahanan ang lalaki nakamasid sa kanya na nagdulot sa kanya ng trauma.
"Hindi na ako magpapaliwanag bakit ko iyon ginawa dahil hindi parin niyon mabura ang kasalan na nagawa ko, " tumingin siya kay King na humingi ng pasensya at nagsisi sa kanyang ginawa. "Alam ko wala akong karapatan. Hindi ako umaasa na mapatawad mo pa ako pero... Gusto ko parin humingi ng tawad sayo. Nang makita ko kung gaano nasaktan si Nenita habang sinasabi niya sa akin ang mga hinanakit niya lalo na sa kalagayan mo, nadurog ako. At doon lang ako natauhan na hindi ko pala kaya na makita na ganoon ang anak ko. Na ilayo ang isang bagay na nagbibigay kaligayahan sa kanya. Pero huli na, tapos na, nasaktan ko na siya ng lubos pati ang mga taong nagmamahal sa kanya, lalo ka na. "
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...