"What is your plan, Net? "
Tanong ni Don Emmanuel habang sila ay magkasalo sa pananghalian. Ngayon lang siya ulit tinanong ni Don Emmanuel tungkol sa bagay na ito. Ngunit ngayon buo na ang kanyang desisyon.
Wala ngayon ang magkapatid at silang dalawa lang ng Don ang narito ngunit biglang dumating si King. May dala itong menudo na pinabigay ng kanyang ina. Kaya inaya ito ng Don na dito nalang siya kumain kasabay nila.
"Nag aalangan ho ako na mag apply ng trabaho, baka hindi ako matanggap, " sagot ni Nenita.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo? " singit na tanong ni King sa kanya.
"Hindi naman sa ganun. Hindi pa ako handa at saka inaalala ko yung mga kapatid ko baka mas lalo ko lang sila hindi makita kapag nasa ganoong field na ang trabaho ko. "
"Ayos lang iyan, hija. Wag mong i-pressure ang sarili mo, " ani Don Emmanuel. "Mas maganda iyong papasok ka sa isang trabaho na iyon ang nais ng puso at isipan mo. "
Sa lahat ng kurso hindi niya alam kung bakit Journalism ang kinuha niya. Hindi niya alam kung paano niya na survive ang ilang taon at nasa top notcher pa.
Hindi sa nagyayabang siya pero sa buong taon niya sa kolehiyo hindi siya nahirapan sa pag-aral. Para bang ang lahat ng lessons ay nakukuha niya kaagad. Puwera lang sa ibang bagay na nagpapahirap sa kanya at iyon ay ang kawalan ng oras na makasama ng matagal ang mga kapatid niya.
Pero ngayon wala pa siyang plano na pasukin ang field ng kursong kinuha niya. Takot siyang mag risk dahil mahina ang loob niya. Mahina siya sa lahat.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya nang ilapit ni King ang mukha nito sa kanya saka bumulong. "Kapag kailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako, " at kumindat pa ito pagkatapos.
Hindi pa naka recover si Nenita sa pagbulong at pakindat ni King ngunit may iba na naman itong ginawa na lalong nagpadaga sa puso ni Nenita. Nilagyan ni King ng kanin at ulam ang plato ni Nenita nang makita na kaunti nalang ang laman niyon.
Nilingon niya ang babae at ngumiti sabay sabing, "Kumain ka pa. Ang payat mo sa paningin ko. "
She didn't know what to react. Nakatulala lang siya kay King na nakikipag-usap kay Don Emmanuel.
Ang bilis parin nang tibok ng kanyang puso. Kinikilabutan parin siya sa pagbulong na ginawa ni King at pag ngiti nito sa kanya.
Hindi naman sila close dalawa pero bakit ganito ngayon umaakto ang binata sa kanya. 'Baka na alog ang utak niya sa pagbato ko ng baso kahapon, ' aniya sa isipan.
"Maiwan ko muna kayo. I'll answer this call. "
Natinag lang siya mula sa pagkatulala ng magpaalam si Don Emmanuel. Ang kaba na naramdaman niya ay naging triple nang sila nalang dalawa ni King ang naiwan.
Pakiramdam niya bigla siyang nabusog. Ni hindi niya magalaw ang pagkain na nasa kanyang plato. Ngunit ayaw niyang mapansin iyon ni King kaya kahit nahihirapan nang lumunok pinilit niyang ubusin iyon.
Mabuti nalang at hindi na nagsalita pa si King. Nakatuon ang atensyon nito sa pagkain. Bagaman, naiilang siya sa subrang katahimikan.
"Kamusta yung sugat mo? " kaswal na tanong ni Nenita matapos ang mahabang katahimikan ngunit naroon parin sa plato ang tingin.
Sa gilid ng kanyang mata, nakita niya ang pagharap ni King sa kanya. "The results are all fine. Walang ikabahala dahil hindi naman malalim ang sugat. Nilagyan ko lang ng band aid dahil sariwa pa ang sugat. "
Maliit na ngumiti si Nenita at tumango. "Mabuti naman kung ganoon."
Napakislot si Nenita nang silipin ni King ang kanyang mukha. Salubong ang kilay na binalingan niya ng tingin ang lalaki. "Bakit? " nagtataka na tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceGusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan h...