"Uh kaya pala pamilyar ang pangalan mo, ikaw pala ang sikat na si detective Atlas," ang sabi ni Lorelei kay Atlas habang nakaupo silang tatlo sa isang pang-apatan na mesa. Kahit late na sa oras na iyun ay maramipa ring tao sa loob ng kapihan na malapit sa university. Karamihan ay mga katulad din nilang propesor na gusto munang magkape bago umuwi o mga estudiyanteng nagdodorm malapit sa university na mas piniling gumawa ng mga homeworks at paperworks sa loob ng coffee shop.
Pinagmasdan ni Lorelei ang gumuhit na ngiti sa mga labi ni Atlas at sandaling umiwas ang kaniyang mga mata sa mga tingin na ibinibigay nito sa kaniya. Bakit ba, pakiramdam niya ay mabilis ang tibok ng kaniyang puso? Ang tanong ng isipan ni Lorelei. Well maybe because hindi niya inakala na ang pamosong detective na naririnig niya lamang sa mga balita at napapanood sa telebisyon ay guwapo pala sa personal. Ni hindi nga nabigyan ng justice ng television ang mukha nito sa totoong buhay. At hindi lamang iyun. Masarap din itong kausap, yung hindi ito mauubusan ng mga kaalaman. Lalo na sa karera nito sa pagiging imbestigador.
Napaatras ang ulo ni Atlas at saka mabilis na umiling ang ulo nito, "naku hindi ha, nagkataon lang na laging napapabalita ang kaso na nahawakan ko." Ang kababaang loob nitong pagtanggi at mas lalong humanga si Lorelei dahil sa hindi man lang nagpakita ng kayabangan si Atlas.
"How about you doctor Lorelei...I mean...Lorelei...anong...itinuturo mo sa university?" usisa nito sa kaniya. At ang mga mata nitong kulay malapot na tsokolate ay nakatuon sa kaniya at halata na interisado itong makinig. Natural talaga ang pagiging imbestigador nito dahil mahusay itong magtanong at makinig sa kausap nito.
"Microbiology ang itinuturo ko sa university, tungkol sa lahat ng living organisms na halos hindi na kayang makita ng ating mga mata pero...araw-araw na parte ng atin pamumuhay, like, bacteria, viruses, fungi, etcetera."
"Wow, ang galing naman ng...itinuturo mo Lorelei, technically scientist ka?" ang tanong nito na may paghanga sa mga almond shaped nitong mga mata.
"Yeah...but doctor ang taguri sa amin, same with doctor Aurelia." Ang kaniyang sagot.
Tiningnan ni Doctor Aurelia ang suot nitong relo at saka halinhinan sila nitong tiningnan ng mga mata nitong nasa likod ng may grading salamin.
"I'm sorry but, I have to get going...pupunta si detective Stevie sa lab para sa result ng autopsy, uhm, maiwan ko na ba kayong dalawa? O sasabay ka na sa akin doctor Magtibay?" ang tanong ni doctor Crime sa kaniya.
"Puwede ko namang ihatid si Lorelei," ang sagot ni Atlas kay doctor Aurelia. Pero mabilis na umiling ang kaniyang ulo para tumanggi.
"Naku...hindi na...nakakahiya naman sa iyo, saka kahit hindi niyo na ako isabay sa pag-uwi puwede naman akong mag-tricycle na lang from here malapit lang ang inuupahan ko ritong bahay." An kaniyang sagot.
"No, it's late, hindi na safe para sa mga babae ngayon ang umuwi ng nag-iisa lang," ang giit ni doctor Aurelia sa kaniya.
"Eh paano ka? Mag-isa ka ring uuwi hindi ba?" ang kaniyang kunot noo na tanong kay doctor Aurelia.
"Huwag mo akong alalahanin, oh pano? Sabay ka na?" ang tanong nitong muli sa kaniya. At isnag matamis na ngiti ang isinagot niya sa mabait na si doctor Aurelia.
"Sige, salamat...saka...malapit lang naman ang inuupahan kong bahay dito," ang sagot niya. Tumayo na silang tatlo mula sa inokupahan nilang mga upuan at sabay-sabay nilang iniwan ang mesa at naglakad na sila palabas ng coffee shop. Inihatid pa sila ni Atlas sa sasakyan ni doctor Aurelia para magpaalam ito sa kanilang muli.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...