CHAPTER 35

249 28 24
                                    

"Doctor Suarez?" ang kaniyang paninigurado na tanong at tumango ang ulo ni Attorney Constancia.

"You know him?" ang tanong nito sa kaniya. At tumango ang kanyiang ulo saka niya inilahad ang tungkol sa mga pangyayari nito lamang nakalipas na linggo.

"Oh yes, I remember, siya nga pala ang nasa balita...about sa nakatuklas ng vaccine?" ang sagot sa kaniya ni attorney Constancia.

"Yes attorney," ang sagot niya, "Uhm attorney ang ibig sabihin hindi si Yosef Benigno ang sole heir ni doctor Carlos Benigno?" ang usisa niya.

"According to the late doctor Benigno's last will and testament which he prepared two years ago ay hindi...it seems like kapatid ni Yosef Benigno si Ezekiel Suarez." Ang sagot ni attorney Constancia sa kaniya.

"Papaano po ang mangyayari? Kung...dalawa ang last will and testament?" ang usisa niya kay attorney Constancia.

"Dadalhin sa korte nag kanilang case usually, titingnan ang authenticity ng bawat will at kung parehong authentic ang pinagbabasehan ng judge ay ang petsa nang pagkakagawa ng last will and testament, the more updated or yung pinakahuling last will na nalalapit sa pagkamatay ng testator ang bibigyan ng bisa ng korte, at iyun ay ang last will and testament na aking ginawa na sole heir si Yosef Benigno."

"Pero paano kung...tunay nga na anak ni doctor Benigno si doctor Suarez?" ang usisa niya.

"Dadalhin niya ulit sa korte at kailangan niyang mag-appeal na isa rin siyang heir at may karapatan na magmana sa mga naiwang ari-arian ni doctor Carlos Benigno, that is kailangan niyang patunayan na anak nga siya nito."

Tumango ang kaniyang ulo at napaisip siya na...sino sa dalawa ang papatay kay doctor Benigno at doctor Caspin nang dahil sa mana?

"Hindi ko alam kung makakatulong sa binubuo ninyong case ni Aurelia, but...nalaman ko na rin naman sa kaniya na hindi na matutuloy ang pag-iimbestiga ninyong dalawa." Ang saad ni attorney Constancia.

"Ibig po ninyong sabihin na...hindi po alam ni doctor Crime ang kahit anong detalye na sinabi mo sa akin?" usisa niya. At umiling ang ulo ng kaniyang kakilalang abugada.

Umiling ang ulo nito, "no...at nakakapanibago dahil sa...she's Docotr Aurelia Crime, she doesn't give up."

Dahil sa mga nasabi ko kaya ayaw na niya akong makausap, ang gusto niya sanang isagot. "I gueass she thought na wala talaga kaming case." Ang kaniyang sagot na sinamahan niya ng tikom na ngiti.

"Well hindi ko rin naman alam kung makakatulong, but, you're here kaya naman, I took the opportunity na sabihin na rin sayo."

***

Bakit papatayin ni Yosef ang ama niya? Dahil ba sa nalaman nito na mayroon itong kapatid sa labas? Ang kunot noo na tanong ng kaniyang isipan habang nagmamaneho na siya pabalik. Pagkatapos niyang makausap si attorney Constancia ay bumalik siya sa station at doon siya muling nagtagal hanggang sa nabigyan na siya ng pagkakataon na makauwi.

Napakaliit ng mundo. Ang lahat ng kanilang suspect ay tila ba nasa iisang web lang, ang sabi ng kaniyang isipan. Maaring...tama si Lorelei, maybe he was looking at the wrong direction of his investigation?

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At tiningnan niya ang oras sa kaniyang suot na relo. It was almost one in the morning. Yosef will not entertain him sa ganung oras para kausapin siya. But Lorelei will.

At saka niya iniliko ang kaniyang sasakyan patungo sa kabilang direksiyon. He wanted to talk to her and apologize for being a jerk and for being doubtful.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon