Chapter 17

218 31 17
                                    

"Are you sure you'll be okey?" ang tanong ni Atlas kay Lorelei nang gabing inihatid na niya ito sa inuupahan nitong bahay malapit sa university. He was worried leaving her alone in her house lalo at wala na ang police mobile na nagbabantay dito.

Ngumiti nang matipid si Lorelei sa kaniya. Though he saw a hint of uncertainty in her eyes ay tumango ang ulo nito.

"Bakit naman hindi? Saka..." napabuntong-hininga ito at sandaling umiwas ng tingin sa kaniya, "nangyari na ang nangyari, magsisi man ako...huli na ang lahat, kaya," muling pinihit nito ang mukha para tumingin at salubungin ang kaniyang mga mata. "kailangan ko na ring ibalik sa normalidad ang buhay ko, hindi ko hahayaan na...guluhin pa niya ang aking buhay, nagawa na nila ang kanilang ginawa, sumira na sila ng mga buhay, kumuha ng mga buhay, at ngayon, ay naghahasik na sila ng takot...pero...ayokong maging isa sa mga iyun lalo pa at...may pagkakataon pang maitama ang lahat dahil nandiyan kayo...so doctor Crime at...lalo ka na."

Napako ang kanilang mga mata hanggang sa hindi niya napigilan na bumaba ang kaniyang tingin sa mga mala-rosas nitong mga labi. Napalunok siya at saka niya malakas na nilinaw ang kaniyang lalamunan.

"Tama ka...nandito kami para sa iyo, kung puwede nga lang na...ihatid kitang muli sa unibersidad bukas-"

"Naku ano ka ba...napakalapit lang ng unibersidad dito sa akin," ang mabilis nitong putol sa kaniya, "kapag...may face to face classes ka na lang, puwede mo akong...isabay pauwi?"

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "gusto ko iyan." Ang kaniyang pag-amin dahil totoong nakaramdam siya ng tuwa sa sinabi nito.

"Paano? Kailangan mo na ring magpahinga at magtuturo ka na ulit bukas?" ang kaniyang dugtong.

Tumango si Lorelei, "oo...salamat ulit Atlas."

Tumango ang kaniyang ulo. Kahit pa tila mabigat ang kaniyang mga paa na tila ba ayaw humakbang ng mga ito paalis ay pinilit niyang ihakbang ang kaniyang mga paa.

"Good night Lorelei," ang kaniyang pamamaalam dito na sinamahan niya ng pagtango. "Please? Close the door and locked it securely? Bago ako umalis."

"Pero gusto sana kitang ihatid ng tingin." Ang sagot nito sa kaniya. Gustuhin man niya iyun ay hindi niya ito papayagan. He wanted to make sure that she is safe and secure.

"Gutuhin ko man iyun Lorelei pero...mas gusto ko na alam kong safe ka bago ako umalis, babalik din sa normal ang lahat at sa pagkakataon na iyun? Puwede mo na akong maihatid ng iyong mga tingin."

Isang matipid na ngiti ang isinagot sa kaniya ni Lorelei na sinindan nito ng pagtango at napansin din niya ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Good night and...drive safe." Ang mahinang sambit nito. Tumango siya at nanatiling nakatayo sa harapan ng pintuan. Saka dahan-dahan itinulak ni Lorelei ang pinto hanggang sa tuluyan na iyung sumara. At narinig niya ang paglock nito sa loob.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya paatras na naglakad papalayo bago pumihit ang kaniyang katawan para tumalikod at naglakad na siya palapit sa kaniyang sasakyan.

Hinila niya ang pinto ng driver side at bago pa siya sumakay ay muli siyang sumulyap sa bahay ni Lorelei. When he noticed that all windows were shut ay tuluyan na siyang sumakay sa loob ng kaniyang sasakyan para umuwi.

He was already on the major road nang marinig at maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang telepono. He tapped the right side front pocket of his jeans at saka niya binunot ang kaniyang phone at nakita niya ang pabngalan ng kaniyang kasamahan.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon