Chapter 20

243 27 22
                                    

Inihinto ni Atlas ang kaniyang sasakyan sa tabi ng kalsada. Sa tapat ng gate ng bahay na ang address ay nakuha niya mula sa record ng hospital kung saan ito isinugod at namatay.

He pulled the car keys from the ignition at saka siya bumaba ng sasakyan. Sarado ang malaking gate at tila ba walang katao-tao sa loob ng bahay.

Humakbang siya palapit sa wicket gate na nakapinid at saka siya tumayo sa harapan nito at sinimulan niyang katukin ang bakal na pintuan.

"Tao po!" ang malakas na pagtawag niya mula sa labas habang kinakatok ang bakal na pinto. "Tao po!"

Halos ilang minuto rin siyang nagtagal sa harapan ng gate ng bahay habang panakanaka ang kaniyang pagkatok at pagtawag sa labas.

Mukhang walang tao, ang sabi niya sa sarili. Iyun ang bahay ni Hermenia Punzalanang isa sa dalawang babaeng biktima ng bagong strain ng anthrax. Ang dalawang babae na hindi kasama sa linya ng mga naunang biktim kung ang pagbabatayan ay ang teorya ni doctor Crime na ang puntirya ng killer ay ang mga propesor ng unibersidad. Kasama na si officer Gatmaitan.

Sa pagkakataon na iyun, tanging sina doctor caspin, doctor Benigno, at doctor Crime pa lang ang masasabing direktang puntirya ng suspect. Isama na rin si Lorelei na kinidnap nito. At sa teorya niya ay nadamay lamang ang ababeng nagtatrabaho sa laundry shop na si Theresa Cruz at ito ngang si Hermenia Punzalan. Pero paano si officer Gatmaitan? Bakit isa ito sa pinadalhan ng suspect ng anthrax? Dahil ba sa...sinagip nito si Lorelei?

Nagsisimula pa lamang siya at wala pa ni isang clue siyang nakikita na mag-uugnay-ugnay sa mga biktima kung bakit gustong patayin ang mga ito ng suspect.

"Ay walang tao riyan!" ang sigaw sa kaniya ng lalaking nasa kaharap na bahay sa kabilang kalsada. Lumingon siya sa direksiyon nito para tingnan ang kaniyang kausap.

"Kailan po babalik ang may ari ng bahay?" at sinimulan niyang maglakad patawid ng kalsada para makausap niya nang maayos ang matandang lalaki na mayrong isang maliit na tindahan.

"Ay iyun ang hindi ko alam kasi, nagupunta na lang diyan ang anak ng dating nakatira diyan, si Hermenia, naku biglaan na lang ang ikinamatay, isinugod sa hospital hindi na rin umabot, nito lang nakalipas na araw." Ang paglalahad nito sa kaniya.

"Ganun po ba? Eh sino na lang po ang tumatao sa bahay?" ang usisa niya.

"Yung anak na lalaki, pero iyun nga padalaw-dalaw din lang kasi iyun sa nanay niya at matagal na rin namang balo iyung si Hermenia, yung anak hindi talaga diyan iyun nakatira," ang paliwanag nito sa kaniya, "parang balita nga rito sa amin na ibibenta na lang ang bahay na iyan."

Tumango ang kaniyang ulo. At hindi pa man siya ulit nakakapagtanong ay muling nagsalita ang matandang lalaki.

"Eh ano bang sadya mo sa kanila? Kamag-anak ka ba nila?" ang usisa nito at kumunot pa ang noo nito sa kaniya habang pinag-aaralan ang kaniyang hitsura.

"Uh kakilala lang po ako, gusto ko kasing makausap kahit sinong miyembro ng pamilya nila, uh puwede ko po ba ako na...mag-iwan ng numero sa inyo? Just in case po na may tao sa bahay nila, pupunta po ako kaagad importante po na makausap ko ang kahit sinong member ng family kahit iyung anak na lang." ang kaniyang sabi habang bumubunot siya ng kaniyang calling card mula sa kaniyang breast pocket.

"Ano ka ba ahente?" ang usisa ng matanda, "o may utang ba siya sa iyo?"

"Uhm," ang kaniyang sagot at inabot niya ang kaniyang calling card na agad naamng kinuha ng matanda. At kunot noo nitong binasa ang numero at ang kaniyang pangalan. At nanlaki ang mga mata nito sa kaniya nang makita nito ang kaniyang trabaho.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon