Chapter 40

526 49 32
                                    

"Shit!" ang sigaw ni doctor Crime mula sa loob ng kaniyang sasakyan. At mula sa kalayuan ay nakita na niya ang SWAT team at ang isang ambulansiya.

Wala pang tunog ng sirenang maririnig. Ibig sabihin ay hindi pa nakakapasok ang mga ito sa loob ng bahay. O...hindi na kailangan pang patunugin ang sirena dahil walang emergency na kailangan na isugod sa hospital.

"Be alive, be alive, be alive." Ang bulong niya habang unti-unti niyang itinatabi ang kaniyang sasakyan may kalayuan sa mga sasakyan ng officers na tumalima sa kaniyang tawag. Umaasa na lang siya na hindi pa huli ang lahat at nakarating sila sa oras. At umaasa siyang tama ang hinala ni detective Carberry na naroon nga si doctor Magtibay.

Pagkahinto ng kaniyang sasakyan ay dinampot niya ang kaniyang lalagyan ng tubig. She opened the compartment at hinanap niya ang mga stocks niya ng syringes. Lagi siyang may dala sa kaniyang sasakyan kapag kailangan niyang kumuha ng mga body fluids.

Umaasa lang siya na sa severity ng condition ni detective ay makuha pa ng vaccine na manormalize ang strain para magamot ito ng antibiotics.

Holding the large tumbler and syringe like a treasure on her hands naglakad siya palapit sa bahay. At nang makita siya ng isa sa mga uniformed personel ay sinenyasan siya na huwag siyang lumapit.

"I am doctor Crime, needed there," ang kaniyang mahinang sabi at ipinakita niya ang dala niyang syringe.

"Pagkatapos na po naming mapasok at masecure ang loob," ang mahinang sagot sa kaniya.

"Who's leading the team?" ang kaniyang tanong at napasulyap siya sa mga SWAT officers na tahimik na kumikilos para palibutan ang bahay. Mayroon pa silang ginagamit para marinig ang kung mayroong tao sa loob at gadget na tila ba isang xray vision para makita kung positibong may tao sa loob ng bahay.

"Officer Kanawayon doctor, positive na nasa loob si detective ang nasabi ninyong suspect. We heard voices form the inside." Ang paglalahad sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo. "Okey I'll wait here." Ang kaniyang sabi at sinunod niya ang utos nito sa kaniya at kahit pa nangangati na ang kaniyang mga paa na pumasok sa loob ng bahay.

Tinitigan niya ang lalaking leader ng team na siyang sumisenyas sa mga kasamahang SWAT officers. Kasabay ng mabilis na kilos ng mga ito ay ang mabilis na pintig ng kaniyang puso na sa matagal na panahon ay muli niyang naramdaman. Ang mangamba at makaramdam ng labis na kaba at takot. She was young then nang maramdaman niya ang ganung emosyon.

At kahit pa hinihintay na niya ang pagpasok ng SWAT team, ay nagitla pa rin siya at halos mapatalon sa kaniyang kinatatayuan nang biglang itinulak ng leader ng team ang pintong bahagya na ring nakabukas at isang putok ng baril ang kaniyang narinig.

"Shit," ang bulong niya at saka siya tumakbo papasok sa loob.

***

Nabuwal na ang mga tuhod at mga binti ni Atlas at ramdam na niya ang paghahabol niya nang hininga. He's struggling to breathe, unti-unti nang nagsasara ang kaniyang hingahan. He's going to die. Like everyone else, na biktima ni Lorelei.

Tanggap niya ang kaniyang kamatayan. Hindi naman niya kayang mabuhay nang dahil sa kahihiyan.

"Ack...Ack..." ang habol ng kaniyang hininga.

"Don't move." Ang narinig niyang sabi ng boses. "Medic! Oxygen!" ang narinig niyang sigaw. Halo-halo na ang kaniyang naririnig. Mga lagabog ng paa, sigawan ng maraming boses. At ang malumanay na boses sa kaniyang tabi.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon