"Nanay Amelita, kamusta na po?" ang bati ni Atlas sa matandang babaeng nakilala niya sa isang retirement home sa probinsiya ng Tanay noong panahon na nag-iimbestiga siya tungkol kay defense secretary Lorenzo.
"Mabuti naman," ang magiliw nitong sagot sa kaniya. "Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo? Bakit hindi mo ako madalaw ngayon?"
Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "pasensiya na po nanay medyo...abala na naman po may isang case...kapag hindi na po ako abala ay dadalaw po akong muli."
"Naku, huwag mo akong isipin nandito ako sa apo ko, kina Alessia, pag-igihan mo ang bagong kaso na hawak mo...naku sana naman ang sa susunod mo nang aatupagin ay ang buhay pag-ibig mo, napag-iiwanan ka na yata?" ang sagot nito sa kaniya at sa sandaling iyun ay hindi niya alam kung binibiro ba siya ni nanay Amelita o sadyang may bahid nang katotohanan ang sinabi nito.
At habang nagmamaneho papasok sa kaniyang trabaho ay pumasok sa kaniyang isipan si Lorelei. Nakausap niya ito kanina bago pa siya umalis ng kaniyang bahay para kamustahin ito. Naroon pa rind aw ang pulis mobile sa harapan ng bahay nito kaya naman nakatulog ito anng maayos at nakapagpahinga.
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "malay niyo nanay...malapit na akong magka-love life," ang kaniyang nakangiting sagot.
"Mabuti naman! Nang dumami na ang lahi mo at sayang ang iyong gandang lalaki." Ang pambubuska nito sa kaniya at isang malakas na tawa ang kaniyang pinakawalan.
"Naku namiss ko na tuloy kayo," ang kaniyang sagot.
"Bakit kasi sa isang matandang katulad ko inubos mo ang iyong oras sa pakikipagkuwentuhan, maghanap ka ng babaeng makakausap mo." Ang sagot pa nito sa kaniya. At muling naalala niya kung gaano kasarap kausap ni Lorelei.
"Sige po nanay, maghahanap na po ako, mag-ingat po kayo at paki kamusta po ako kay G- kay Alessia." Ang kaniyang sagot at mabilis niyang iniba ang pangalan na babanggitin. At saka sila nagpalitan nang pamamaalam.
He pressed his phone at ilalapag na sana niya iyun sa ibabaw ng dashboard nang tumunog ang kaniyang telepono. Sinilip niya ang kaniyang caller at agad niyang sinagot iyun nang makita niya ang numero ng hepe ng police na nakakasakop sa kaniya.
"Sir?" ang tanong niya.
"Kailangan ka sa NBI," ang walang paliguy-ligoy na sagot nito sa kaniya. "They are going to absorb you, para sa kidnapping case ni Doctor Magtibay, and the PNP and DOH right now are in heightened alert but of course para hindi maka-create ng hysteria we are still doing this discreetly sa ngayon wala pa namang case ng anthrax."
"Go directly to Director Lipayo, magkakaroon kayo ng briefing, at the same time ang PNP ay magkakaroon din ng ibang investigation PNP."
"Yes sir," ang kaniyang sagot at nagpaalam na ito sa kaniya. Ibinalik niya ang kaniyang telepono sa dashboard at saka niya iniliko ang manibela patungo sa kabilang direksyon para magtungo sa NBI main office.
He was driving for a few minutes nang tumunog muli ang kaniyang telepono. Hindi pa muli naging ganun kaabala ang kaniyang phone at apat beses pa lang iyun na nangyari, sa case ni Samara, sa case ng Cross Pines, sa case ni secretary Lorenzo, at sa case ngayon na nagsimula sa kidnapping ni Lorelei.
Nang napakunot ang kaniyang noo dahil meron pang biglang pumasok sa kaniyang isipan. Ang case na dalawnag taon na ang nakalilipas.
Dinampot niyang muli ang kaniyang telepono at ang pangalan ni Doctor Aurelia Crime ang kaniyang nakita sa screen.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...