Pinadaanan ng dulo ng kaniyang daliri ang matangos na ilong ni Atlas habang magkaharap silang nakahiga sa kaniyang kama. They were able to sleep for a few minutes pagkatapos ay muling mangungusap ang kanilang mga katawan. Hanggang sa unti-unti nang sumisilip ang araw at ang gintong liwanag nito ay pumapasok na sa loob ng kaniyang silid mula sa bintana.
She remembered that he pulled his manhood sa tuwing makakatapos ito. And she was glad to know that Atlas was still thinking of her welfare. It is still her body and she will decide kung gusto ba niyang mabuntis o hindi. At sa pagkakataon na iyun ay hindi pa siya handa. Msakit ang nakaraan na mawalan ng lalaking minamahal kaya naman kahit pa naibigay na niya ang katawan niya kay Atlas ay kailangan pa rin niyang maghintay sa kaniyang kahandaan sa pagkakataon na magkaroon ng buhay sa kaniyang sinapupunan.
Napabuntong-hininga si Atlas at isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan. At muli niyang hinaplos ang ilong nito at sa pagkakataon na iyun ay hinuli ni Atlas ang kaniyang kamay at hinagkan nito ang kaniyang palad sabay nang pagdilat ng talukap ng mga mata nito.
Isang ngiti ang ibinati sa kaniya ni Atlas, "good morning," at saka nito muling hinagkan ang kaniyang palad.
"Good morning." Ang kaniyang bulong na sagot. "Umaga na...kailangan na nating...magsimula na naman sa mga buhay natin."
Isang buntong-hininga angpinakawalan ni Atlas at inabot ng kaliwanag kamay nito ang kaniyang mukha para haplusin ng palad nito ang kaniyang kanan na pisngi.
"Kailangan ba?" ang tanong nitong may inaantok pang ngiti sa mga labi nito habang ang nanatiling nakalatag ang kaniyang mga ulo sa unan at hubad na katawan sa makipot na kama.
Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Even if she wanted to stay where they are ay hindi maaari. Kailangan pa rin nilang harapin ang reyalidad ng kanilang buhay.
"I wish we can...stay this way pero..." isang buntong-hininga at ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "mayroon akong matatalinong mga estudiyante na kailangang hulmahin ang kaisipan."
"At saka...may tinatapos pa kayong investigation ni doctor Crime hindi ba?" ang giit niya kay Atlas. Napabuntong-hininga ito at saka ito bumangon at naupo sa kama. At sinuklay ng mga daliri nito ang alon-alon at magulo nitong buhok.
"Maybe it is time that we let the NBI handle this, and let them catch the perpetrator." Ang narinig niyang sabi ni Atlas.
Dumapa siya sa tabi nito at ang gilid ng kaniyang bisig ay dumampi sa hita nito. At nakatingala siyang nakatingin dito.
"Atlas?" ang malumanay at mahinang pagsambit niya sa pangalan ni Atlas.
"Hmm?" ang tanong nito at saka nito hinaplos ang kaniyang pisngi.
"About, what I just told you? About my..." sandali siyang huminto, "sasabihin mo ba ito kay doctor Crime?" ang kaniyang tanong.
"Why? Are you worried na magagalit siya sa iyo?" ang tanong ni Atlas sa kaniya.
"I know na...mabibigla siya at...maaari rin na magalit pero," tumango siya, "matatatanggap ko naman, may kasalanan naman ako, aminado ako roon, gusto ko lang malaman kung sasabihin mo para, ihahanda ko na ang aking sarili, I know her...alam ko na kung anong magiging reaksiyon niya."
Ramdam niya ang mga mata ni Atlas sa kaniya at isang malalim na buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan nito. "May therapeutic vaccine na...at wala pa namang bagong case kaya, hindi na kailangan pang malaman ni doctor Crime ang tungkol sa sinabi mo."
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...