Kumuyom ang mga palad ni Lorelei na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kaniyang tasa na may lamang kape. Yumuko ang kaniyang ulo para iiwas ang kaniyang mukha. At tiningnan niya ang kaniyang tasa habang napupuno na ng luha ang kaniyang mga mata.
Iyun na nga ang kaniyang kinatatakutan. Ang malaman ni Atlas ang kaniyang ginawa o nagawa dahil sa pag-iimbestiga ni doctor Crime. Alam niyang hindi malayong malaman iyun ni doctor Crime dahil sa ito lang ang may kakayanan at may access na makahingi ng mga records sa DOST.
"What are you talking about Lorelei?" ang tanong ni Atlas sa kaniya. "Please tell me, para...matulungan kita." Ang giit ni Atlas sa kaniya.
Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi habang nanatiling nakayuko ang kaniyang ulo para iiwas ang kaniyang mga lumuluhang mga mata sa mga mata ni Atlas na nakatuon sa kaniya. At habang nakayuko siya at hindi pa rin nasagot ay hinuli na ni Atlas ang kaniyang kamay para mariin iyun na hawakan at pisilin.
"Lorelei please, tell me everything, I will listen and I will help you," ang giit ni Atlas sa kaniya.
Ilang beses siyang humikbi at saka siya mabagal na tumango at saka niya iniangat ang kaniyang mukha para tingnan si Atlas na inabot ng mga daliri nito ang sulok ng kaniyang mga mata para pahirin ang luha.
She expelled a breath at saka niya ginamit ang kaliwa niyang palad para pahirin ang kaniyang mga luha at ilang beses pa siyang humikbi st suminghot. Saka niya sinundan ng mga malalim na hininga para lumuwag ang kaniyang dibdib at makapagsalita siya.
"It is true, na...nagrequest ako ng AMES specimen sa storage facility dahil...ginagamit ko ang mga iyun sa aking research," ang kaniyang pag-amin at sinalubong niya ang mga mata ni Atlas. Tumango lang ito at naramdaman niyang pinisil nitong muli ang kaniyang kamay na nanatiling hawak nito. Tila ba sinasabi nito sa kaniya na ituloy lamang niya ang kaniyang pagsasalita.
She again took a deep breath, "I was making this research about anthrax katulad nang sa ibang bansa, I was making a this research and experimentation and I was thinking kung...paano kung samahan ng ibang bacteria ang anthrax? Baka sakaling hihina ang anthrax at mamamatay ito nang tuluyan...but...that didn't happen, what happened is that nagmutate ang spores at mas bumilis ang pagdami sa host, at...iyun na lang ang alam ko, hindi ko na natapos ang aking research about this, dahil namamatay agad ang specimen dahil wala akong storage."
Umiling ang kaniyang ulo, "hindi ko na ito natapos, and looks like mukhang may gumawa na nito para sa akin." Ang kaniyang hinanakit.
"May nakakaalam ba ng iyong research?" ang tanong ni Atlas sa kaniya.
Umiling ang kaniyang ulo, "I don't know but ," napabuntong-hininga siya at umiling, "I don't know pero nung gabi...nung gabing dinukot ako pinasok nila ang bahay ko...itong bahay at...hinalungkat nila ang gamit ko, tapos nakatulog na nga ako, ang ang files ko sa laptop ko, wala nang lahat, naiwan sa akin ang patop pero wala na ang research ko."
"At ito nga, nang malaman ko ang tungkol sa bagong strain ng anthrax na pumatay na ng ilang tao, I know...in my mind na kung sino ang dumukot sa akin, ang kumuha ng anthrax specimen sa university, at ang kumuha ng aking research ay ang nagpakalat nito...and now, pakiramdam ko na...ako ang may kasalanan...kung hindi ko ginawa ang research baka...baka walang bagong strain." Ang kaniyang hinanakit.
Umiling si Atlas, "no Lorelei, isa kang scientists, trabaho mo ang magexpriment at ang mag research at iyun ang iyung ginawa, gusto mong makadiscover nang makakatulong sa science, nagkataon lang na...napunta sa mga masamang kamay ang iyong research at ginamit sa kasamaan para makapaghasik ng lagim."
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...