Chapter 21

272 29 17
                                    


"Now you have seen what the naked eyes couldn't see," ang sabi ni Lorelei sa kaniyang iilang estudiyante habang nasa loob sila ng laboratory. Once a week ay sa lob ng laboratory siya nagtuturo para hands on na ipakita ang iba't ibang laboratory equipments. At sa pagkakataon na iyun ay ang nagsalang sila ng test subject na fungi ang kanilang pinag-aaralan.

"Describe them for me," ang sabi niya sa kaniyang mga estudiyante. At isa sa mga ito ang nagtaas ng kamay. Tumango siya at kaniyang pinakinggan ang sagot ng kaniyang estudiyante. Ang tanong niyang iyun ay subjective walang tama at walang mali kumporme sa interpretasyon ng mga estudiyante kung ano ang kanilang mga nakikita.

"I'm very impressed," ang kaniyang masayang sabi sa mga ito, "now..." ang kaniyang sabi habang naglalakad siya sa may harapan ng whiteboard.

"Tell me, why do you think we are here today? Bakit...kailangan pa nating pag-aralan ang mga maliliit na bagay na may buhay, kung...hindi naman nakikita ito ng ating mga mata? Gaano sila kaimportante?" ang mariin niyang tanong sa mga ito.

At muli ay nagtaas ang mga ito ng kamay at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang pisngi. She loves to see the ethusiasm of her students. The drive of their young minds to learn. Ang kanilang mga isip ay napakasariwa pa at madaling hulmahin sa mga kaalaman na magagamit ng mga ito.

"Alright, let's here it from, Celine?" ang kaniyang sabi sabay turo niya rito.

"To help us understand how they make a big impact on our environment, they maybe naked to the human eye but they can be felt by the whole environment and even the human body."

"Well said," ang nakangiti niyang sagot. At isa-isa niyang tinawag at pinakinggan ang kasagutan ng kaniyang mga estudiyante na lahat naman ay tama.

"Kayo prof, kung kayo po ang tatanungin? ano po ang sagot po ninyo na kaiba sa naisagot namin?"

She was not expecting that question from her student but she was ot offended by it. That set of students were exceptional kaiba sa mga naturuan na niya kaya naman excited siyang laging kapag ang grupo ng mga estudiyanteng iyun ang kaniyang tinuturuan. Though pantay-pantay ang trato niya sa kaniyang mga estudiyante. Iba pa rin kasi ang pagiging aktibo ng set na iyun ng estudiyante niya.

"Well," ang kaniyang sagot, "I never expected that question," ang kaniyang sabi at nginitian niya ito. Sandali siyang tumigil biglang pumasok sa kaniyang isipan ang nangyari sa loob ng laboratory na iyun. Ang gabing kinidnap siya at ang mga sumunod na mga cases ng bagong strain ng sakit na ikinamatay ng dalawa sa kasamahan niyang propesor.

"The study of microbiology is very important, so important na puwede itong gamitin laban sa atin. We took them for granted na ang trato lang natin sa kanila ay, parte ng environment, gamit sa preservatives, pinagmumulan ng sakit, but...that's it...hanggang sa...dumating ang pagkakataon na...mayroong matalinong tao na...nakita ang kanilang potensiyal, the potential of that small microorganism to cause chaos, killed multiple or maybe even hundreds of people, and it can even create a world-wide hysteria. Let's not forget the recent viruses, let's not forget the the year when the bacterium anthrax was first used as a biological weapon by terrorists, and the reason why we are studying about it, at hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng mga mahuhusay na scietists sa buong mundo."

"They saw its potential to be used as a weapon, to create fear and for them to feel... superior and in control." Ang kaniyang saad.

"Kailan po natin pag-aaralan sa laboratory ang anthrax prof?" ang tanong ng isa sa kaniyang mga estudiyante. At naalala niya ang huling specimen ng anthrax sa loob ng kanilang storage. Iyun na ang huling stock nila ng anthrax at kakailanganin na naman nilang magrequest sa DOST para sila ay mabigyan.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon