Amniotic fluid? Ito yung nababasag na tubig kapag manganganak na ang babae? Panubigan? Sinong nanganak? Ang tanong ng kaniyang isipan na may labis na pagtataka.
Kunot ang kaniyang noo sa pag-iisip nang may kumatok sa labas ng pintuan bago iyun bumukas at sumungaw ang ulo ng isa sa mga kasamahang pulis na nakatagala sa front desk.
"May tawag galing sa isang motel sa may Crisologo, natagpuan na patay ang lalaki sa loob ng motel room." Ang sabi sa kanila.
"Sino sa atin?" tanong ni Gaspar sa kaniya.
"Ako na," ang kaniyang sagot. At kahit pa masama ang kaniyang pakiramdam ay dali-dali siyang tumayo at dinampot niya ang kaniyang telepono at water bottle na nakapatong sa kaniyang mesa.
"Sigurado ka? Puwede namang ako na ang sumama sa kanila," ang sabi ni Gaspar sa kaniya, "you don't look well."
Totoo, hindi na na maganda ang pakiramdam niya pero kaya pa naman niyang tumayo, maglakad, at magtrabaho. Tatalab na rin naman ang gamot na ininom niya, ang sabi niya sa kaniyang sarili.
Hindi pa siya maaaring magpahinga alam niya na kapag umuwi siya sa bahay ay hindi rin siya makakatulog at hindi rin siya makakapahinga sa kaiisip. Lalo pa at parang may in-inject sa kaniyang dugo na kape at nabuhay na naman ang bawat ugat sa kaniyang katawan lalo na sa kaniyang isipan.
"Oo." Ang kaniyang sagot.
"Pre, magpahinga ka na muna, seriously ako na, puwede kong iwan muna ang mga ito...you don't look good," ang giit sa kaniya ni Gaspar na tumayo na mula sa kinauupuan nito.
Mabilis siyang umiling. "Kaya pa, may isang uod pang hindi pumipirma...malilate daw." Ang kaniyang biro sa kasamahan.
Umiling ang kaniyang ulo, "seryoso kaya ko pa." napabuntong-hininga naman si Gaspar at saka ito tumango.
"Okey pero...kapag hindi mo na kaya, take a pause Atlas."
Tumango siya at naglakad siya palabas ng kanilang opisina at saka niya kinuha ang impormasyon sa location ng kaniyang pagrerespondehan.
"May nauna nang rumesponde pero tumawag sila na punta raw imbestigador doon," ang sabi sa kaniya sa front desk.
"Why?" ang tanong niya saka siya lumunok nang mariin at isang mmalalim na hininga ang kaniyang hinagap.
"May gusto raw silang ipakita at ipa-confirm," ang sagot nito sa kaniya. "Uy Atlas okey ka lang? Pinagpapawisan ka," ang dugtong nito sa kaniya.
"Maalinsangan kasi," ang kaniyang sagot. Saka siya nagpakawala ng ubo kaya naman agad niyang itinakip sa kaniyang bibig ang kaniyang panyo at muli niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan.
"Tubig sir?" ang alok sa kaniya ng kasamahang pulis na nasa front desk.
Umiling ang kaniyang ulo, "meron na akong tubig, may mas pa ba tayo riyan na naitabi?" ang kaniyang tanong. Tumango ang kasamahan at kinuha nito ang isang kahon na mask na supply sa kanilang station.
"Ito sir bago," ang sabi nito sa kaniya at iniabot nito ang kahon ng mga kulay asul na facemask.
"Salamat." Ang kaniyang sabi sabay kuha niya ng kahon ng mask at saka siya naglakad palabas ng building at sumakay sa kaniyang sasakyan. Muli muna suyang uminom ng tubig at isang malakas na pag-ubo ang kaniyang ginawa covering his mouth with his handkerchief na ibinalik sa kaniya ni Lorelei. Binuksan niya ang box at bumunot siya ng mask at isinuot niya ang dalawang elastic na tali sa kaniyang magkabilang tenga to cover his nose and mouth with the disposable mask at doon na niya binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan at pinatakbo patungo sa lokasyon na ibinigay sa kaniya. At habang nagmamaneho ay muling sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang nalaman kanina lamang.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...