Isa-isang inalis ni Atlas ang mga litrato ng biktima ng pamamaslang sa isang bahay na gusto pang i-cover noon sa isang sunog. Ang limang walang buhay na mga katawan na kaniyang naabutan noong nagkalat sa salas ng bahay. Ang bahay na nito lang ay kaniya muling nadalaw nang dahil sa kidnapping case ni Lorelei.
Hindi siya maaaring magkamali. Ang dalawa sa dalawang pinatay na rebelde ay ang dalawang mukha na kasama nina doctor Caspin at doctor Benigno at iba pang biktima ng anthrax na masayang nakangiti sa larawan.
Inilatag niya ang mga larawan mula sa kaniyang lumang case. Ang case dalawnag taon na ang nakalipas kundi hindi nagkaroon ng kasagutan kung bakit pinatay ang mga ito. Hindi na binigyan ng halaga ang case ng mga ito dahil sa, mula sa kanilang mga nakalap na ebidensiya ay mga rebelde ang mga ito na nagpaplanong maghasik ng lagim sa Araw ng Kalayaan.
Araw ng Kalayaan, that's a few days from now. Ang sabi ng kaniyang isipan. Tinitigan niya ang mga larawan.
May koneksiyon ba kayo? May koneksiyon ba ang kaso ninyo ngayon sa kaso dalawang taon na ang nakalipas?
Inayos niya ang mga larawan ng limang bangkay. Mga kuha na iyun ng SOCO, natandaan niyang hindi si doctor Crime nag gumawa ng autopsy sa mga ito kundi ang dati pang medical examiner ng NBI. Malinis at wala nang bahid ng mga dugo ang mukha ng mga biktima kaya naman makikita na ang mukha ng mga ito.
Itinukod niya ang kaniyang kaliwang kamay sa mesa at bahagya siyang yukod. Inilapit niya isa-isa ang hawak niyang lumang litrato sa mga larawan na nasa kaniyang clippings. Nakapikit man ang mga mata ay hindi puwedeng ikaila na ang mga nasa larawan na kasama ng grupo nina doctor Caspin at doctor Benigno ay ang dalawa sa mga rebeldeng biktima.
Ang asawa o dating kinakasama ni doctor Caspin na si Josefina Magsilang at isang Alfred Punzalan ayon sa pangalang nakatala sa pagkakakilanlan ng mga biktima na nasa papel.
"Alfred Punzalan," ang bulong niya. Kumunot ang kaniyang noo at napaatras ang kaniyang ulo at dibdib para tumayo siya nang matuwid. At doon niya naalala ang sinabi sa kaniya ni mang Edwin tungkol sa kuwento nito sa pinatay na asawa. At sinegundahan iyun ng anak ni Mrs. Hermenia kanina nang tanungin niya ito tungkol ama. Pinatay ang ama nito, iyun ang sagot nito sa kaniya.
"They are rebels?" ang bulong niya. Kasama sina doctor Caspin, doctor Benigno, Hermenia Punzalan, at Kanlas Gatmaitan? Iyun ang nagkokonekta sa kanila? O tanging ang dalawa lang sa mga ito ang rebelde at hindi alam ng iba sa kanila? Pero bakit sila pinatay?
"Shit," ang kaniyang bulong. Ang tatlo sa mga pinatay na rebelde ay wala nang koneksiyon sa grupo nina doctor Caspin at Benigno kung ang pagbabatayan ay ang nasa larawan. At sadyang mas bata na ang tatlo kaysa sa dalawang rebelde.
"Mga rebelde ba sila? Mga rebelde ba sina doctor Caspin at doctor Benigno?" ang bulong niya. nang mayroong nakakuha ng kanyang atensiyon at iyun ay ang isang yearbook.
Halos mag-dive siya sa mesa nang abutin niya ang yearbook at nakita niya ang taon. It was 1988. Unibersidad de Aurora in Ilo-Ilo City.
Hinila niya ang silya at saka siya naupo at isa-isa niyang binuklat ang pahina na may kalutungan na. Black and white pa ang mga kuha ng litrato ng bawat portrait picture ng mga magsisipagtapos na estudiyante. At sa bawat pagbuklat niya ay isa-isa niyang nakita ang mukha ng mga taong masayang nakangiti sa larawan.
Iisa ang kurso ng mga ito at sabay-sabay na nagsipagtapos. Sinong pumatay sa inyo? Pinatay ang dalawa...matapos ng dalawang taon, ay pinatay naman ang tatlo sa mga ito. Maliban na lang kay Kanlas Gatmaitan na ayon sa daughter-in-law nito na namatay na magdadalawang-taon na ang nakalipas. At si officer Gatmaitan na kamukha ng ama nitong si Kanlas ang kasama nina doctor Caspin, doctor Benigno, at Hermenia Punzalan na pinatay. Hindi kaya...mayroong naghihiganti? Ang bulong niya.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...