CHAPTER 39

483 39 36
                                    

"It's negative," ang sabi niya sa pulis na nagdala ng tseke sa kaniya na may pangalan ni professor Cesar na ang payor ay si doctor Suarez.

"Sigurado po doc?" ang tanong nito sa kaniya. She wanted to lash back that her equipments were all modern at updated and her finding was right. But instead she bit her lip for a second at saka siya nagsalita.

"It is negative," ang sabi niya at mas idniin niya ang pagbanggit dito.

Napabuntong-hininga ang pulis at saka ito tumango. "Salamat po doctor Crime, pasensiya na po kayo kung nanigurado ako ng tanong kasi...ito po kasi sana ang inaasahan namin...ni detective Atlas na magdidiin sa suspect na nakapangalan sa payor."

"Magdidiin saan?" ang kaniyang usisa. At kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin siya sa mukha ng pulis at naghahanap siya ng kasagutan.

"Sa pagpatay po sa victim, iyung nakapangalan po sa payee, si Cesar." Ang sagot nito sa kaniya.

Napaatras ang kaniyang ulo at dibdib. "He's dead?" ang kaniyang tanong at tumango ang ulo nito sa kaniya. At saka nito inilahad kung saan at kung paanong natagpuan si prof Cesar at kung anong meron sa katawan nito.

"Kaya po ipinadala ito sa akin ni detective para matest po ninyo kung positive." Ang sabi nito sa kaniya.

Iyun ang kanilang napag-usapan kanina ng pulis na nagdala sa kaniya kanina ng tseke na hinihinala ni detective Carberry na pinaglagyan ng strain ng anthrax. That caused the death of prof Cesar. His body was not brought to her office but she already called SOCO and asked na kuhaan ito ng fluid and test it for anthrax strain. At hanggang sa sandaling iyun ay hindi pa siya nakakatanggap ng tawag mula sa mga ito.

But the check was negative from the strain. Ibig sabihin sa ibang paraan o sa ibang bagay inilagay ang strain. It has to be inhaled...anong ginamit ng killer para maamoy ni prof Cesar ang bagong strain ng anthrax?

Napabuntong-hininga si doctor Crime. Either way, the truth is tama nga si detective Carberry. He was right all along na si doctor Suarez nga ang mastermind ng lahat. Nang dahil sa pera ay nagawa nitong pumatay ng mga tao. Dalawa sa mga ito ay taong naging daan para maisalba siya sa madilim na daan na kaniyang tinatahak noong siya ay isang teenager pa lamang at mag-aaral ng unibersidad.

Bakit binigyan ni doctor Suarez si prof Cesar ng perang nagkakahalaga ng milyong piso? Ang takang tanong ng kaniyang isipan. Ibig sabihin ba na...magkakuntsaba ang dalawa? Maaari nga...dahil kung titingnan ay si prof Cesar ang tanging magkokonekta sa pagpatay kina doctor Caspin at doctor Benigno dahil sa parehong mga propesor ang mga ito sa university kung saan din siya nagtuturo.

Malaki siguro ang galit ni prof Cesar kina doctor Caspin at doctor Benigno kaya napili nito na ipapatay ang dalawa sa pamamagitan ng strain.

Napabuntong-hininga siya. At kaya naman siya ginawang target dahil sa...malapit siya sa mga ito at sinimulan na rin niya ang pag-imbestiga.

But still hindi siya makapaniwala na hindi involve si doctor Magtibay. It was that instinct or intuition na ramdam niya na nagbigay sa kaniya ng pagdududa kay doctor Magtibay. But she knows na, hindi sapat ang intuition para patunayan ang pagiging guilty ng isang tao. Evidence backed with science ang tinatanggap sa investigation lalo na sa husgado.

Tiningnan niya ang oras. Gabi na naman at kailangan na niyang kumilos. She pushed herself up from sitting sa upuan sa kaniyang dining table. Naglakad siya patungo sa kusina at hinila niya ang pinto ng refrigerator to look for something to cook sa kaniyang dinner. Ngunit hindi ang pagkain sa loob ng ref natunton ang kaniyang mga mata. Kundi sa lalagyan niya ng tubig na ang laman ay ang vial ng vaccine.

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon