Chapter 13

237 28 14
                                    

Inayos ni Atlas ang suot niyang suit jacket na pinang-ibabaw niya sa suot niyang kamiseta at kulay itim na maong na pantalon at loafers naman sa kaniyang mga paa.

Inayos niya ang pagkakasuklay ng kaniyang alon-alon na buhok at saka niya inispreyan ang kaniyang batok at dibdib ng kaniyang paboritong pabango. Ngunit, bago pa siya umalis nang umaga na iyun ay dinampot niya muna ang kaniyang telepono para gumawa ng tawag.

He was supposed to attend a meeting that morning sa NBI office para sa debriefing nang tungkol sa magiging hakbang ng gobyerno sa kakaharaping outbreak. Supposed to, dahil sa pagkatapos niyang kausapin si doctor Crime kagabi ay nagbago na ang kaniyang pasya.

Maraming cases na niyang nakasama si doctor Crime at naging malaki ang tulong nito sa kaniya sa pagresolba ng mga kaso. Kaya naman, inusig siya ng kaniyang konsensiya na sa sandali na kailangan nito nang kakampi ay iiwan na lamang niya ito sa ere.

He searched for a number mula sa call history ng kaniyang telepono at hinanap niya iyun. Saka niya pinindot ang call button at inilapit niya sa kaniyang tenga ang kaniyang telepono para pakinggan ang sunud-sunod na pag-ring. At ilang sandali pa ay narinig na niya sa kabilang linya ang boses ni director Lipayo.

"Director Lipayo," ang sagot nito sa kaniya.

"Director, Detective Atlas here," ang kaniyang sagot at napasulyap siya sa orasan na nasa ibabaw ng kaniyang side table.

"Detective? Mabuti at napatawag ka, I was also about to call you, we're about to start in a few minutes," ang sagot nito sa kaniya.

"Uh...director, sorry po pero, tinatanggihan ko po ang trabaho po na, ibinigay po ninyo sa akin." Ang kaniyang sagot, "I know, that I should follow the hierarchy at sumunod sa kung sino ang aking superior sa anumang opisina dahil ito po ang aking sinumpaan na trabaho pero, sana po ay maintindihan ninyo na mayroon pong akong prinsipyo na sinusunod, at iyun ay ang tumupad sa pangako."

"Nakapangako na po kasi ako kay doctor Crime na tutulungan ko siya sa pag-iimbestiga sa murder angle ng case ng anthrax, at ayun na rin po na nauna ninyong direktiba, magiging kasiraan ko po dahil sa...wala akong isang salita kahit pa na sumusunod lang ako sa nakatataas sa akin, gusto ko na rin po sanang...bumalik sa dati kong opisina at iyun po ay sa PNP."

Narinig niya ang buntong-hininga si director Lipayo sa kabilang linya, "very well, puwede ka nang bumalik muli sa station mo but...katulad nang unang direktiba ko sa iyo...don't meddle with our invsestigation detective, this is a national concern at hindi pang-barangay lang."

Atlas bit his tongue to not make a retort. Gusto niya sanang sabihin na mas maraming malalaking kaso ang naso-solve ng Philippine National Police kaysa sa National Bureau of Investigation.

"I understand sir." Ang kaniyang sagot at doon na naputol ang kanilang pag-uusap. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya muling sinilip ang kaniyang repleksiyon sa salamin.

Nag-ayos siya nang kaunti dahil na rin sa libing ang kanilang pupuntahan nang umagang iyun. At dahil na rin sa makakasama niya si Lorelei.

Muli niyang tiningnan ang oras at nagpasya na siyang umalis. Kailangan niyang sunduin si Lorelei at ayaw naman niyang siya ang ma-late. Kaya naman dali-dali na siyang lumabas ng kaniyang bahay at sumakay sa kaniyang sasakyan. At habang nasa biyahe na siya patungo sa bahay ni Lorelei ay gumawa muna siya ng tawag kay Lorelei para sabihin na on the way na siya.

At nang marinig niya ang mahinhin nitong boses sa kabilang linya ay isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

"Hi." Ang kaniyang bati.

"Atlas? Hello, nasaan ka na?" ang tanong ni Lorelei sa kaniya.

"On the way na ako," ang kaniyang sagot, "I'm already driving."

Seed of Doubt (book 1) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon