Hinubad ni Atlas ang kaniyang suot na kamiseta pagpasok na pagpasok pa lamang niya ng kaniyang bahay. Pagkatapos niyang hubarin ang suot niyang mga sapatos. Nakaramdam siya nang kaginhawaan lalo na ang kaniyang mga paa. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang papasok nang tuluyan sa loob ng kaniyang bahay ay agad niyang naramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang telepono. Nakalimutan niya na inilagay nga pala niya sa mute ang kaniyang phone nang sabay silang nag-dinner ni Lorelei.
Dinukot ni Atlas ang kaniyang cellphone sa loob ng harapan na bulsa ng kaniyang pantalon at nabasa niya ang isang unregistered na numero. Even so ay sinagot niya ang tawag. Hindi naman kasi bago sa kaniya ang makatanggap ng tawag na hindi pa nakarehistro sa kaniyang telepono.
"Detective Carberry," ang sagot niya sa kaniyang caller.
"Detective, director Lipayo here, I got your number sa hepe ninyo," ang pagpapakilala nito sa kaniya.
"Director Lipayo, may kailangan po kayo?" ang kaniyang tanong.
"There's another another case...a woman and she's a housewife, she is now our case zero-two." Ang sabi nito sa kaniya.
Zero-four, ang sagot naman ng kaniyang isipan. Hindi isinama ang dalawang propesor dahil sa hindi pa naging opisyal ang findings kahit pa mismong si doctor Crime na ang nagsiwalat nang bagong strain. Naisip ni Atlas na ginawang pagtakpan ang dalawang case para hindi agad na mag-panic ang tao. Usually nangyayari ang mga ganitong cover-ups lalo na pagdating sa head count ng mga namatay to avoid hysteria.
"So this means...the new strain si quickly spreading, the department of health is going to conduct a meeting with us together and with the Philippine National Police, and I guess pati na rin ang National Security, with the president...pagmi-meetingan kung kailan ipapahayag sa publiko ang tungkol sa bagong strain."
"Yes sir." Ang kaniyang sagot at nagtataka siya kung bakit kailangan na sabihin pa sa kaniya nito ang tungkol sa bagay na iyun dahil sa hindi naman siya kasama sa meeting.
"I called you inform you na...wala talagang murder na nangyari, nagkataon lang na naunang naging biktima ang dalawang propesor and they were random victims...this is a terror attack," ang sagot nito sa kaniya, "and I am withdrawing you from the murder investigation with doctor Crime at gusto isasama na kita sa team na mag-iimbestiga ng mga posibilidad na mga terrorist suspects."
Napabuntong-hininga siya saka niya pinisil ang buto ng kaniyang ilong. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni doctor Crime kapag nalaman na ang tungkol dito.
"You will report tomorrow morning dito sa office at magkakaroon tayo ng debriefing after ng ating meeting, and...detective? Ikaw na ang magbalita ng tungkol dito kay doctor Crime...goodnight." At doon na pinutol ni director Lipayo ang kanilang usapan.
"Ugh," ang kaniyang sambit sabay layo niya ng kaniyang telepono sa kaniyang tenga. He looked at the creen of his phone at isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya tumayo malapit sa nakapinid na pintuan na nakapamewang.
Naalala niya tuloy ang sinabi kanina ni doctor Crime. "Mukhang totoo nga ang sinabi niya," ang pagkausap niya sa kaniyang sarili. He doesn't have the balls para sabihin ang tungkol dito kay doctor Crime. At ang task na iyun ay ipinasa nito sa kaniya.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at inihilamos niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Kanina lamang ay masaya at magaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa dinner nila ni Lorelei pero agad naman na napawi ang saya niya nang dahil sa task na iyun.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mystery / ThrillerA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...