Inilapag ni Atlas ang bungkos ng mga susi sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng main door ng kaniyang bahay pagkapasok niya sa loob nang dumating siya mula sa mahaba at maraming pangyayari na araw na iyun. Kung tutuusin sa oras ng kaniyang pagdating ay kulang-kulang dalawang araw na ang kaniyang iginugol sa labas ng kaniyang bahay.
Wala mang masyadong aksiyon katulad nang huling kaso niya with defense secretary Lorenzo kasama ang Aguilas at Branco, ay masasabi niyang iginugol pa rin niya ang kaniyang lakas hindi lamang ng kaniyang katawan kundi na rin ng kaniyang pag-iisip sa case nang kidnapping ni Lorelei.
Marahil sa hindi lamang kasi isang simpleng pagnanakaw at kidnapping ang nangyari. Nasa simula pa lamang sila at ang magiging bunga ng nangyari kay Lorelei ay ang kanilang binabantayan dahil malaking threat ito sa seguridad ng bansa lalo na sa kalusugan.
He removed his shoes at nakamedyas siyang naglakad papasok ng salas na kaniya lamang dinaanan. Ang kusina kasi ang kaniyang pakay sa oras na iyun na alanganing gabi at umaga. Binuhay niya ang ilaw at saka niya nilapitan ang kitchen counter. He picked the pot na sinalinan niya ng kape at saka niya ibinalik sa patungan nito para kusa nang tumulo ang bagong kulong kape.At habang naghihintay ay nagtungo naman siya sa kaniyang silid para sa isang mabilisan na shower.
Isa-isa niyang inalis ang mga nakasuot sa kaniyang katawan kabilang na ang holster at ang kaniyang service firearm na kaniyang inilapag sa mesa sa tabi ng kaniyang kama. At nang dukutin naman niya ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng kaniyang suot na maong na pantalon ay sandali pa muna niyang tiningnan ito.
He was contemplating kung tatawagan na ba niya si Lorelei katulad nang kaniyang naipangako bago niya nilisan ang inuupahan na bahay nito. She told him that she wanted to get his number at dahil nga sa alam na niya ang numero ng telepono nito ay siya na ang nag-offer na siya na ang tatawag dito para magregister ang kaniyang number.
At sa loob-loob niya ay alam niya ang isa pang dahilan kung bakit he offered to call her. Para magkaroon siya ng dahilan na makausap itong muli.
But he has to give her enough time, ang sabi ng kaniyang isipan. And...he has to charge his phone. At saka niya kinuha ang charger ng kaniyang phone na iniiwan na lang niyang nakalapag sa lamesang nasa tabi ng kaniyang kama. He put his phone on charge at saka na niya iniwan sandali ang kaniyang telepono sa ibabaw ng mesa para mag-ipon ng battery at siya naman ay mabilis na nag-alis ng nalalabing saplot niya sa kaniyang katawan para naman magcharge ng kaniyang sarili sa paraan nang mapapresko ang kaniyang sarili.
He turned the shower knob. He splayed his palms on the tiled wall and let his head fell in between his shoulders as he welcomed the hard spray of warm water on the back of his head. At habang nakayuko siya ay kaniya namang naalala ang mga pangyayari sa nakalipas na higit bente-kuwatro oras.
Mula nang pasukin ang bahay ni Lorelei at ang university hanggang sa kidnapping nito at sa pagkakarescue ng mga operatiba. Hanggang sa mga isiniwalat ni Lorelei tungkol sa pakay ng mga taong dumukot dito. Ang kapalit ng kaligtasan ni Lorelei ay ang anthrax samples na nasa laboratory.
At iyun na nga ang simula nang mas malaking problema. Ang gamitin ang samples para magpakalat ng outbreak. Pero sabi ni Lorelei na maliit na gramo lang ng dried anthrax ang regulated na ipinapagamit at ipinapa-store sa bawat university na affiliated ng government.
And luckily na iisa na lang ang nakastore sa laboratory dahil na rin sa kinokontrol na ng gobyerno ang pag-store ng anthrax na tanging sa laboratory na lang ng DOST.
Sa ngayon ang kailangan nilang bantayan ay ang mga magiging pasyente ng anthrax.
Isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya kinuha ang shampoo para pabulain sa kaniyang mahaba nang alon-alon na buhok at ang pagkatapos ay sabon at bimpo para kuskusin ang kaniyang katawan. At pagkatapos na malinisan ang katawan at nagbanlaw ng maligamgam na tubig ay hinila niya ang towel at una niyang tinuyo ang kaniyang ulo bago niya inikot ang tuwalya sa kaniyang bewang at lumabas na siya ng banyo para magbihis. He walked straight to his closet and pulled open the door para hilahin ang pares ng jogging pants na kaniyang isinuot at saka naman niya isinabit sa kaniyang mga balikat ang hinubad niyang towel na nakatapis kanina sa kaniyang bewang.
BINABASA MO ANG
Seed of Doubt (book 1) complete
Mistério / SuspenseA Detective Atlas Carberry Novel. Detective Atlas Carberry is a man of integrity especially on his job. But how can he fight the attraction that was beginning to blossom between him and the kidnap victim Doctor Lorelei Magtibay that will also soon...